Chapter 4

2287 Words
Naging maayos ang meeting namin ni Caleb sa Batangas. Pagkatapos noon ay bumalik na ulit ang lahat sa normal. Also, we haven't heard anything from Engineer Versoza after that meeting. Hindi ko alam kung ano ang meron sa babaeng iyon, one thing is sure though, she's really mysterious. "Balik Aly ka na naman," halakhak ni Caleb nang lapitan ako ni Aly pagpasok pa lang ng opisina. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi talaga ako titigilan ng isang ito. I don't want to be awkward in front of Aly, kaso kapag si Caleb na ang bumanat ay nakakahiya na. Ayokong magkaroon ng kahit anong kahulugan ang mga sinasabi niya sa mga kaasamahan namin. Like what I said, I'm fine with my life at nasa pinakahuling listahan ko sa buhay ang ganyang bagay. Hindi ko naman kailangan magkaroon ng girlfriend kaagad dahil darating din ang tamang panahon para d'yan. Ngunit hindi ko rin maiwasan na hindi mapaisip sa sinabi ni Caleb tungkol kay Chantle. Not that it's true, but I'm still bothered. Paano niya nasabi na may gusto ako kay Chantle? Sobra na ba ang pagiging protective ko kaya naman nalagyan na ito ng kahulugan? Of course I am protective because I was there while she's growing up. Nandyan ako sa lahat ng pangyayari sa buhay niya, nakita ko ang paglaki niya kaya natural lang na ganoon ang reaksyon ko kapag may mga bagay siyang ginagawa na hindi ko gusto. Gaya ni Samuel at Evan, ganoon din ang nararamdaman ko para kay Chantle. I love her... as a little sister. "Oh, hindi ka na nagsalita? Ano na-miss mo rin si Aly?" bulong ni Caleb nang hindi ko namalayan na kausap ko nga pala siya. "Tigilan mo nga ako d'yan. Ang daldal mo," napailing ako. Kinuha ko ang aking cellphone at lumabas na lang muna para bumili ng kape. "Pikon," halakhak pa ni Caleb bago ako makalabas. Napailing na lang ako sa kanyang sinabi. Kasabay ng pagpasok ko sa elevetor patungong ground floor ay siya ring pagtunog ng cellphone ko. Panandalian akong natigilan nang mabasa ang pangalan ni Chantle sa screen bago sagutin ang tawag. "Hello," bati ko sa kanya. "Napatawag ka?" Hindi siya sumagot pero naririnig ko ang munting hikbi mula sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko, umiiyak ba siya? "Chantle, ayos ka lang ba?" tanong ko dahil ang munting hikbi kanina'y naging malakas na ngayon. "K-kasi... kasi naman, eh! Pinagalitan ako ni Mommy at Daddy!" hagulgol niya. "Bakit? Anong nangyari?" humina ng kaonti ang boses ko dahil may ibang empleydong sumakay sa elevator mula sa 3rd floor. "B-basta... basta!" maktol niya. I can imagine her face right now, mad and sad. "Ayoko na rito... si Mommy at Daddy magkakampi sila, tapos ang mga Kuya ko ay kampi rin! Lalayas na lang ako." "Chantle, no! Don't do that," napalakas ng bahagya ang tono ng boses ko kaya napatingin sa akin ang mga kasama ko dito sa elevator. Mabuti na lang ay nasa tamang palapag na ako. Nagmamadali akong lumabas at doon na ulit nagsalita. "Huwag mong gagawin 'yan. Mag-aalala si Tita Jess at Tito William kapag umalis ka ng bahay." "Hindi naman nila ako mahal, eh. Kasi kung mahal nila ako, susuportahan nila ang lahat ng gusto ko," suminghap siya. Sa tingin ko'y tumigil na siya sa pag iyak. Nanatili na muna ako sa lobby para kausapin pa si Chantle. Mamaya na ako bibili ng kape. "Pag sila Kuya, oo kaagad ang sagot nila. Kapag ako, laging hindi pwede..." "Ano ba kasing gusto mo na ayaw nila?" "Wala... wala," humina ang boses niya. "Sige, baka naiistorbo na kita sa trabaho mo. Sorry sa abala Kuya Lester." Nagulat ako sa huling katagang binitiwan niya. Hindi ko inaasahan na tatawagin niya akong 'kuya'. Hindi dahil sa ayaw ko, pero nasanay na kasi akong Lester lang ang tawag niya sa akin at ayos lang naman iyon. Sinubukan ko ulit siyang tawagan dahil nag-aalala ako sa kanya ngunit sarado na ang kanyang cellphone. Buong araw akong hindi mapakali dahil sa pag-uusap namin ni Chantle. Hindi ko na siya magawang kontakin dahil hanggang ngayon ay sarado pa rin ang cellphone niya. Habang pauwi ako ay isang tawag ang natanggap ko mula kay Tita Jessica, doon ko nakumpirma na ginawa nga ni Chantle ang sinabi niya kanina sa akin. Lumayas siya sa kanila. Damn, ba't ba ang tanga ko? Sana ay sinabi ko kaagad sa kanila ang tungkol sa balak ni Chantle para nabantayan siya. Dumiretso muna ako sa bahay nila para makatulong sa paghahanap. Mabuti na lang ay hindi masyadong traffic kaya mabilis akong nakarating. Pagpasok ko pa lang sa bahay nila ay bumungad na sa akin ang natatarantang mukha ni Evan at Samuel, panay ang dial nila sa kanilang mga cellphone. Si Tita Jess naman ay iyak ng iyak habang pinapatahan siya ni Tito William. "Ano nang balita?" tinapik ko sa balikat si Evan. Tumigil siya sa kanyang ginagawa at tumingin sa akin. Malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan. "Hindi pa rin namin mahanap si Chanty. Pumunta na rin kami sa bahay ng mga kaibigan niya pero wala siya doon." "Nag-report na ba kayo sa mga pulis?" "Ang sabi'y pwede lang i-report ang ganito pagkalipas ng bente kuatro oras," iling niya. Mahina akong napamura. Paano kung may nangyari nang masama kay Chantle? Hihintayin pa ba nilang lumipas ang isang araw bago umaksyon?! "Kasalanan ko 'to," silang lahat ay napatingin sa akin dahil sa sinabi ko. Napayuko ako at muling nagsalita. "Kaninang umaga ay tinawagan ako ni Chantle. Ang sabi niya'y gusto niyang lumayas. Hindi ko alam na gagawin niya talaga iyon. Sorry... sana ay sinabi ko kaagad sa inyo para naagapan ang pangyayaring ito." "Wala kang kasalanan," lumapit sa akin si Samuel at hinawakan niya ang aking balikat. "Kasalanan namin kung bakit siya naglayas. Malamang ay nagrerebelde 'yun dahil ayaw namin sa gusto niyang mangyari." Napaangat ako ng tingin sa kanila nang maalala ang mga sinabi ni Chantle kanina. "May... may nasabi siya sa akin kanina," sambit ko sa kanila. "Aniya'y hindi niyo raw siya mahal dahil hindi niyo siya sinusuportahan sa gusto niyang mangyari. Hindi ko... hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin." "Kaya nga naman siya hindi sinusuportahan sa hinihingi niya, eh. Kasi mahal namin siya," malungkot na sabi ni Tito William. "Gusto na niyang magkaroon ng boyfriend. She's only 13 years old! Ang bata pa niya para hilingin ang ganoong bagay sa amin." Iyon ba ang dahilan kung bakit siya naglayas ngayon? Dahil gusto niyang magkaroon ng boyfriend? Kung ako rin ay hindi siya susuportahan sa bagay na iyon. The hell, magalit na siya pero hindi ako papayag na magkaroon siya ng boyfriend sa murang edad. "Siguro kaya siya naglayas para patunayan sa amin na kaya na niya ang sarili niya. But, she's our baby... I will not... and never allow her to have a boyfriend unless she's earning money on her own. Binibigay naman namin ang lahat ng gusto niya, pero sa ganitong bagay... ibang usapan na," iling ni Tito William. "Kumain na kaya ang Princess natin. Nasaan na kaya siya?" tila wala pa rin sa sarili si Tita Jess. Nanatili pa ako sa kanilang bahay para kahit na papaano ay makatulong sa paghahanap. Ngunit nang lumalim ba ang gabi pinilit na nila akong umuwi dahil nahihiya na sila sa abala. Ayos lang naman sa akin iyon dahil kahit kailan ay hindi sila naging abala sa akin, lalo na kung para kay Chantle. Alas onse y media nang makadating ako, bago pa man ako makapasok sa building ng aking condo ay sinalubong na ako ng security guard. "Sir, mag naghahanap po sa inyo," aniya. "Sino?" kumunot ang noo ko. Sino naman ang maghahanap sa akin sa ganitong oras? "Ayaw pong sabihin ang pangalan, eh. Kaninang alas syete pa siya naghihintay. Ang sabi'y kilala niyo raw po. Hindi po namin pwedeng paakyatin, menor de edad kasi..." Agad akong natauhan sa narinig. Si Chantle iyon, hindi ako maaaring magkamali. Dali-dali akong pumasok sa building at naabutan siya sa lobby habang nilalaro ang strap ng kanyang bag. Mukhang hindi niya napansin ang presensya ko. Tumikhim ako. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nag-angat siya ng tingin nang maramdaman ang presensya ko. "Nandito ka na!" may bahid ng lungkot at pagtatampo ang tono ng boses niya. Nagulat ako nang tumayo siya at bigla na lang yumakap sa akin. "Ayaw nilang maniwala na magkakilala tayo! Pagalitan mo nga yung guard at nasa front desk! Anong akala nila sa akin, magnanakaw?" Iyon pa talaga ang naisip niya sa kabila ng mga nangyayari ngayon? This girl is unbelievable. Hinawakan ko ang kanyang mga balikat para iharap siya sa akin. "Nandito ka lang pala, alam mo bang pinag-alala mo kami? Galing ako sa inyo... nag-aalala silang lahat sa 'yo." "Kasalanan mo, kung umuwi ka kaagad, eh 'di sana nalaman mong nandito lang ako," umirap siya ngunit bakas ang kaonting luha sa kanyang mga mata. Napailing na lang ako. Kinuha ko ang bag niya. "Tara, ihahatid na kita sa inyo." Nawala ang lahat ng emosyon sa kanyang mukha dahil sa aking sinabi. Tila isang pagkakamali ang mga salitang binaggit ko para sa kanya. "Ayokong umuwi," inagaw niya ang bag sa akin. "Pagkatapos kong maghintay ng sobrang tagal ay iuuwi mo lang din ako?" "Chantle... please..." hindi ko na alam kung ano ang dapat sabihin para kumbinsihin siyang umuwi na. "Nag-aalala na ang lahat sa 'yo. Alam ko na rin ang dahilan kung bakit mo nga ba ginagawa ito ngayon." "Ah, at kampi ka sa kanila?" tumalim ang tingin niya sa akin. Alam ko ang ganyang titig, kapag ginamit niya ito, ibig sabihin ay galit na galit na talaga siya. "Sana pala ay hindi ko na sinayang ang oras ko dito para hintayin ka. Sige, aalis na ako." Naglakad siya palayo sa akin. Sumunod ako sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang braso para pigilan siya sa paglalakad. Nagkatinginan kami. "Saan ka pupunta?" "Sa lugar na wala kayong lahat," pinilit niyang bawiin ang kanyang braso ngunit hindi ako pumayag. "Chantle," pinilit kong kalmahin ang aking sarili. "Ano ba? Bitawan mo 'ko! Sisigaw ako dito, sige ka!" banta niya. "Fine, dito ka na muna sa akin," suko ko. Ayoko nang makipag away sa batang ito dahil hindi naman ako mananalo. Tsaka mas mabuti nang sa condo ko muna siya kaysa naman kung saan pa siya pumunta. Kinuha ko ulit ang kanyang bag at nauna na akong naglakad. "Kilala niyo, Sir?" tanong ng nasa front desk sa akin habang nakatuon ang tingin kay Chantle. Tumango ako. "Sabi na sa 'yo kilala niya ko. Bleh!" asar pa ni Chantle sa babaeng nasa front desk. Napailing na lang ako at hinila na siya patungong elevator. Hindi kami nag-iimikan hanggang sa makadating kami sa aking unit. Binaba ko kaagad ang kanyang bag sa sofa habang siya naman ay nagtungo sa ref. "Grabe, gutom na ako. Bakit puro juice lang ang laman ng ref mo?" sinara niya ito at tumingin sa akin. "Hindi naman kasi ako madalas kumain dito," nagkibit balikat ako. "Kaya mo pa bang tiisin ang gutom mo? Papa-deliver na lang ako. Anong gusto mo?" "Pizza na lang." Pagkatapos kong tumawag para sa order namin ay nagbihis na ako. Hinayaan ko muna si Chantle manuod sa sala. Inayos ko na rin ang higaan niya. Dito na siya sa kwarto matutulog, doon na lang ako sa sofa. Isa lang kasi ang kwarto ko rito. Hindi rin ako madalas magkaroon ng bisita. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Chantle na nanunuod ng isang reality show habang kumakain ng chips. Umupo ako sa tabi niya at kumuha na rin ang chips na kinakain niya. "Tatawagan ko sila Tito William para malaman nila na nandito ka," umpisa ko. Napasulyap ako sa kanya para tingnan ang kanyang reaksyon. "Bahala ka, basta hindi ako uuwi doon. Kung paalisin mo man ako dito, makikituloy na lang ako kay Jarren." Teka, ang lalaking iyong ang kasama nila noong nag outing sila, ah? Siya ang tumawag kay Chantle noon. Hindi ko pwedeng kalimutan ang pangalan na iyon. Kinuha ko ang remote at pinatay ang TV. Napatingin si Chantle sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. "Yung Jarren na 'yun ba ang dahilan kung bakit ka nagrerebelde sa mga magulang mo?" seryosong tanong ko. "Ano bang pake mo?" sinamaan niya ako ng tingin. "Bakit ba lahat kayo ay pinipigilan ako sa gusto ko? May isip na ako, pwede ba!" "Ayaw lang namin na masira ang buhay mo! Bata ka pa, Chantle. At kung ako ang nasa posisyon ni Tito William ay paghihigpitan din kita." "Wala kayong alam sa gusto ko!" nangilid ang luha sa kanyang mga mata. "Palagi na lang hindi pwede, palagi na lang bawal. Lahat ay palaging may limitasyon sa akin!" "Bata ka pa. May mga bagay na akala mo alam mo na, pero hindi pa pala," pinilit kong gawing kalmado ang aking boses. "At bakit hindi niyo na lang ipaliwanag sa akin? Para alam ko? Para maintindihan ko? Bakit may mga bagay kayong pwedeng gawin na hindi ko pwedeng gawin?" Pinunasan ko ang luha sa kanyang mga mata. "Mahal ka namin, Chantle. Mahal kita." Pareho kaming natigilan dahil sa aking sinabi. Sa ilang sandali, tila tumigil ang nasa paligid dahil sa aking sinabi. "M-mahal mo ako?" tanong niya nang makabawi. Marahan akong tumango. "Mahal kita dahil nakita ko ang paglaki mo. Mahal kita dahil isang kapatid ka na sa akin." "I knew it..." mapait siyang ngumiti. "Kapatid." Muli ko na namang naalala na nagkaroon na kami ng ganitong paguusap noon. Mahaba at nakakabinging katahimikan ulit ang bumalot sa amin. Hindi napuputol ang tingin namin sa isa't isa. Natauhan lang kami nang may kumatok sa pinto. "Nandyan na siguro yung pina-deliver natin," nag-iwas ako ng tingin sa kanya at nagtungo na sa pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD