Hindi ako kinikibo ni Chantle habang kumakain kami. Panay ang tingin ko sa kanya pero nakatuon lang ang mga mata niya sa pinapanuod.
Sinilip ko ang orasan sa aking cellphone. Pasado ala una na ng madaling araw. Sinulyapan ko ulit si Chantle, tapos na siyang kumain ng pizza. She's sipping her orange juice now. I wonder If she's sleepy? Sanay ba siyang matulog ng ganitong oras?
"Hindi ka pa ba inaantok?" I tried so hard to sound casual. Tinatanya ko rin kung sasagutin ba niya ang tanong ko.
"Ayos lang, sanay naman akong magpuyat."
Magsasalita sana ulit ako kaso ay inabot niya ang remote at pinatay na ang TV pagkatapos ay tumingin siya sa akin.
"Pero papasok na ako sa kwarto... alam ko namang pagbabawalan mo akong mapuyat kasi nga kapatid ang tingin mo sa akin, 'di ba?" I can feel the sarcasm in every word.
Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya. Ayoko nang mag-away pa kami dahil hindi naman talaga ako mananalo sa kanya kahit kailan.
Niligpit ko na ang mga pinagkainan namin nang pumasok na sa kwarto si Chantle. Pagkatapos ay tumawag na ako kay Tito William para ipaalam na nandito si Chantle. Sa unang ring pa lang ay sinagot na kaagad niya ang tawag. Mukhang hindi pa rin sila natutulog hanggang ngayon.
"Lester, bakit?" bungad kaagad ni Tito William.
"Tito..."
Napatingin ako sa pintuan ng kwarto dahil muling lumabas si Chantle. Nagkatinginan kami. May nakasabit na tuwalya sa kaliwang balikat niya habang may bitbit ang sa tingin ko'y pantulog.
She rolled her eyes. Dumiretso siya sa banyo. Here we go again, she's mad again. Napailing na lang ako.
"Lester, nandyan ka pa ba? Bakit hindi ka na nagsalita?"
"Uh," tikhim ko. "Tito... nandito po sa condo ko si Chantle."
"Ano? Nandyan si Chantle? Ayos lang ba siya?"
"Opo. Ayos lang siya. Ihahatid ko na po sana siya kanina kaso-"
Natigilan ako nang bigla na lang may umagaw sa cellphone ko. Tumingin ako kay Chantle nang siya na mismo ang kumausap sa Papa niya.
"Kung susunduin n'yo ko rito, aalis ako at sa susunod na paglayas ko, siguradong hindi niyo na ako mahahanap..." malamig niyang sabi. Binalik niya ang cellphone sa akin pagkatapos ay tuluyan nang pumasok sa kwarto.
Natulala ako sa kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwala na ganoon na lang katindi ang galit niya sa kanyang mga magulang. Kung tutuusin ay wala naman talaga sa katwiran ang pinaglalaban niya. O baka naman may gusto lang talaga siyang patunayan sa mga magulang niya.
Kinausap ko ulit si Tito William ngunit si Tita Jessica yata ang nakarinig ng mga sinabi ni Chantle dahil puro hagulgol ang naririnig ko sa kabilang linya. My heart broke because Chantle can talk to her parents like that. Noong ako ang nasa edad niya, takot na takot akong lumaban sa mga magulang ko. Kahit na may hindi ako gusto ay hindi ko sinasabi sa kanila dahil takot akong magalit sila sa akin ng husto.
I'm like a shadow. I am visible to them during my brightest days, but they don't know me during my darkest days. All I want is to have a vacation with my Mom and Dad, iyong kami lang tatlo at hindi kasama ang kanilang mga pamilya. Gusto ko rin naman kasing maramdaman na buo ako, gusto kong maramdaman na may pamilya ako.
"Lester, anak, kausapin mo naman si Chanty na umuwi na rito. Makikinig 'yan sa 'yo," pagmamakaawa ni Tita Jessica.
"Opo, Tita."
"Pero siguro ay hahayaan muna namin siyang manatili d'yan. Kung ayos lang sayo at kung hindi siya nakakaabala sa trabaho mo," si Tito William.
"Uhm, ano, okay lang naman po. Hindi naman po siya nakakaabala sa akin," mahinang sabi ko.
"Habang bakasyon niya ay d'yan muna siya sa'yo. Turuan mo siya, huwag mong gawing Prinsensa d'yan. Hayaan mo siyang gumawa ng gawaing bahay para matuto, huwag kang maging masyadong mabait sa kanya. Pero alagaan mo pa rin, okay? Malaki ang tiwala namin sa'yo, Lester. Alam kong kaya mong putulin 'yang mga sungay ni Chanty."
"Opo, Tito. Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para madisiplina ng maayos si Chantle. Parang..." napalunok ako. "...kapatid ko na rin naman siya."
"Salamat. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin sa batang 'yan. Masyado yatang naging spolied kaya naman naging ganyan siya ngayon."
"Hayaan niyo po, Tito, tutulungan ko po kayo na mapaayos si Chantle."
Tatlong oras lang yata ang tulog ko dahil sa naging pag-uusap namin ni Tito William. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para disiplinahin si Chantle.
Dahil malapit nang sumikat ang araw ay naisipan kong bumili na ng almusal namin sa pinakamalapit na fastfood chain. Wala kasi akong kahit na anong stock ng pagkain. Siguro'y magha-half day lang ako ngayong araw para makapag grocery.
Pagbalik ko ay gising na si Chantle. Matalim na tingin agad ang sinalubong niya sa akin habang nakahalukipkip. Umaga pa lang ay hindi na maganda ang mood niya?
"Saan ka galing? Ang aga-aga umaalis ka!" sita niya na para bang ang laki ng kasalanang ginawa ko.
"Bumili ako ng almusal natin," simpleng sabi ko sabay pakita sa mga pinamili ko. Unti-unti namang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.
"Kala ko naman... hindi ka kasi nagpapaalam," nag iwas siya ng tingin pagkatapos ay tinalikuran na ako.
"Tara, kain na tayo. Papasok pa ko sa opisina mamayang alas otso," nilapag ko sa mesa ang mga pinamili ko. Hinila ko na ang nagtatampong si Chantle para pagsaluhan namin ang agahan.
"May sinabi nga pala ang Daddy mo sa akin."
Hindi niya ako pinansin.
"Uy, ayaw mo bang pakinggan ang pinag-usapan namin?" kinalabit ko siya sa tagiliran kaya naman nagulat siya.
"Ano ba? Hindi nakakatawa!" sinamaan niya ako ng tingin. Those killer eyes and stare, kung literal lang na nakakamatay ang mga ito, siguradong matagal na akong nakabaon sa ilalim ng lupa.
"Okay," nagkibit balikat ako. "Ang sabi ng Daddy mo ay pwedeng dito ka muna raw habang bakasyon niyo. Pero mukhang galit ka naman yata. Sige sasabihin ko na lang sa kanya na ihahatid-"
"Talaga? Pwede raw na dito muna ako?" ang galit sa mukha niya nawala na. Malapad na ngiti na ang nakapinta sa mukha niya ngayon.
"Oo, pwede," I patted her head then pinched her nose. "Basta dapat good girl ka, okay? Pag hindi... ihahatid na kita sa inyo."
"Good girl ako, promise!" she raised her right hand.
"Sige na, kumain ka na d'yan. Half day lang ako ngayon sa opisina. Gusto mong sumamang mag grocery mamaya?"
Mas lalo pang lumiwanag ang kanyang mukha. "Syempre gusto ko! Mga anong oras ka ba makakauwi?"
"Hmm... depende sa traffic. Pero bago mag alas dos siguro ay nandito na ako. Bigyan na lang kita ng pera para makapag order ka ng lunch mamaya."
"Okay!" she said, happily.
Panay ang text sa akin ni Chantle pagpasok ko sa opisina kaya naman sinita ako ni Caleb.
"Hindi maalis ang hawak sa cellphone, ah? May textmate?" pang-aasar niya.
"Si Chantle 'tong katext ko. Nasa condo kasi siya ngayon."
"Oh, bakit?" nanlaki ang mga mata niya. "Huwag mong sabihing nagtanan kayong dalawa?"
"Gago, hindi!" binatukan ko siya. "Kinausap ako ni Tito William na doon muna siya sa akin para madisiplina ko raw."
"Kaya mo bang disiplinahin ang batang 'yun? Sama ng ugali."
"Hindi," depensa ko. "Mabait si Chantle, matigas lang talaga ang ulo niya kung minsan."
"Oh, paano ba 'yan, sa 'yo siya nakatira ngayon... tabi kayong matulog?" makahulugan niyang tanong.
"Syempre, hindi! Doon siya sa kwarto ko, doon ako sa sala," napailing ako. "Huwag mo ngang lagyan ng malisya ang pag-aalaga ko kay Chantle. Sabi ko naman sa 'yo... kapatid lang ang tingin ko sa kanya."
"Oh, wala naman akong sinasabi, ah? Ba't masyado kang defensive?" asar pa niya ngunit hindi ko na pinansin.
Mabuti na lang ay mabilis na lumipas ang mga sumunod na oras. Nagmamadali akong umuwi dahil ayon sa huling text ni Chantle ay hindi na raw siya um-order ng pagkain para sabay na lang kaming mag-lunch. Ang kulit talaga ng batang 'yun. Sabing 'wag magpapalipas ng gutom, eh.
Pag-uwi ko ay naabutan ko si Chantle na kakalabas lang sa kwarto't nakabihis na.
"Ready ka na?" tanong ko dahil mukhang handa na siyang umalis.
"Hindi pa. Magkikilay lang ako saglit," pumunta siya sa banyo.
"Sa grocery store lang tayo pumunta, Chantle, hindi sa party," puna ko. Umupo muna ako at nanuod ng balita. "Dalian mo na, kakain pa tayo. Gutom na ako."
"Teka lang kasi, wag kang magmadali," pasigaw niyang sagot para marinig ko. "Ayokong minamadali ang pagkikilay ko. Maghintay ka lang d'yan."
"Alam mo naman kasing aalis tayo, bakit hindi ka pa kanina nag-ayos?"
Sumilip siya mula sa pintuan ng banyo. She's done with her right eyebrow, and wow, it is properly made. Magaling talaga ang batang 'to sa ganito.
"Nilinis ko kasi 'tong unit mo. Nagwalis ako kanina," pumasok ulit siya sa banyo para tapusin ang ginagawa.
"Wow, marunong ka palang mag-walis?" pabiro kong sabi.
"Syempre! Anong akala mo naman sa 'kin?" mukhang iritado na naman siya dahil sa sinabi ko. "Huwag mo muna akong istorbohin. Seryoso ako sa pagkikilay, eh."
Hindi ko na siya inistorbo gaya ng sabi niya dahil baka mapikon na naman siya sa akin. Ayokong awayin na naman niya ako dahil sa simpleng bagay lang.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong ko nang nasa byahe na kami ni Chantle. Nakatuon ang mga mata niya sa kalsada, tila malalim ang iniisip. Kung hindi ko pa siya kinausap ay hindi siya magsasalita.
"Kahit saan."
"Tahimik mo. Wala sa mood?" hindi ko na napigilan pang magtanong.
"Huh?" peke siyang tumawa. "Hindi, ah. Okay lang ako," tumingin ako sa kanya, nagbaba siya ng tingin sa kanyang cellphone.
"Come on, tell me... anong problema? Pwede mo naman sabihin ang lahat sa akin. Makikinig ako," itinuon ko ulit ang atensyon sa daan.
"Wala. Si Jarren lang..."
Dumiin ang kapit ko sa manibela nang marinig na naman ang pangalan ng lalaking iyon.
"Bakit? Anong ginawa niya?" pinilit kong gawing normal ang boses ko para maipagpatuloy ang usapang ito.
"May girlfriend na pala siya tapos nilalandi pa 'ko."
Wow! That boy, huh? Sa murang edad ay kaya na niyang pagsabayin ang mga babae?
"Paano mo nalaman?"
"Nag-message sa akin 'yung girlfriend niya, sabi'y wag ko raw landiin si Jarren. Eh, si Jarren naman ang unang lumapit sa akin, malay ko bang may girlfriend pala siya! Ako pa tuloy ang nagmukhang masama."
"Kita mo na... 'yan ang ayaw mangyari ng mga magulang mo kaya pinaghihigpitan ka nila. Ayaw nilang masira ka nang dahil lang sa ganyang bagay."
"Alam ko, okay?" humarap siya sa akin. "Tama na kayong lahat... ako nang mali. Masaya ka na?"
I sighed heavily. Panibagong away na naman ito.
"Hindi naman kasi gano'n ang punto namin, Chantle," tinigil ko ang sasakyan dahil naipit kami sa traffic. Mukhang uulan pa yata.
"No... tama kayong lahat. Mali ako," dama ko ang sinseridad ng boses niya ngayon. Walang halong galit. Walang halong pagiging sarkastiko. "Actually, hindi ko naman talaga gusto si Jarren, eh. Tinutusko lang kasi siya sa akin ng mga kaibigan ko. Ayos lang naman kahit na may girlfriend siya dahil hindi naman ako nasaktan."
"Hindi mo naman kasi dapat minamadali ang ganyan. Bata ka pa naman," payo ko. "Dapat pinagtutuonan mo ng pansin ay ang sarili at ang pag-aaral mo. Ang pag-ibig, marunong naman 'yang maghintay. Kusa 'yang darating... hindi hinahanap."
"Wow, Kuya Lester, expert ka pala sa ganyan?" sa wakas ay narinig ko na ang tawa niya.
"Syempre, ganyan talaga pag matanda na," halakhak ko.
"Hindi ka naman masydong matanda, eh. 26 ka pa lang naman."
"Matanda na 'yun kapag ikaw ang kasama ko," biro ko ulit. "May 'kuya' na kasi ngayon ang tawag mo sa akin."
"Syempre, sabi ni Mommy dapat daw ay matuto akong tawagin kang Kuya Lester kasi baka isipin ng ibang tao na hindi ako marunong rumespeto."
"Ayos lang naman sa akin kahit Lester lang. Pero sige... ikaw ang bahala."
"Hmm," tumingin siya sa kalsada. "Tutal mukhang matatagalan pa tayo dahil sa traffic, magkwento ka naman. Palagi na lang tungkol sa akin ang pinag-uusapan natin, eh," bumalik ang tingin niya sa akin.
"Ano bang gusto mong malaman?"
"Uhm, nagka-girlfriend ka na ba? Parang wala akong natatandaan na may ipinakilala ka nang girfriend."
"Well, hindi girlfriend. Let's say, we're dating? Hindi kasi ako mahilig sa label. Pag type ako ng babae at type ko siya, magde-date na kami."
"Ay gano'n?" she pouted. "Pero hindi mo naman sila sinasaktan?"
"Hindi naman siguro," napaisip ako sa naging tanong niya. "Tinitigil naman nila kapag ayaw na nila sa akin."
"Ahh," tango niya. "Ilang taon ka nung magka-first kiss ka na?"
What? Pati ba ang bagay na ito ay pag-uusapan namin?
"Hmm, 16 or 17, I guess? Hindi ko na masyadong matandaan."
"What about.. experience? You know... uhmm... that thing?"
"Chantle," gulat na sabi ko dahil hindi ako makapaiwala na kaya niyang itanong ang tungkol sa bagay na iyon.
"Bakit? Tinanong ko na rin naman ng ganyan si Kuya Evan at Samuel, ah."
Mariin akong napapikit. Okay, fine.
"I only had one. I was drunk... hindi ko na rin masyadong matandaan dahil lasing ako noon. That was during my college days."
"Sino 'yung babae?"
"Honestly, hindi ko nakilala dahil nga lasing ako noon," amin ko. "Okay, so next question," pag-iiba ko na sa usapan. Ayoko nang humaba ang tungkol dito dahil masyado pag bata si Chantle sa ganitong usapan.
"Hmm... paano kung may gusto pala ako sa 'yo... kaya mo ba 'kong hintayin?"
Sa lahat ng tanong niya, ito ang pinaka nakakagulat. Nanlamig ako sa bigla. Hindi ko na maramdaman ang aking sarili.
Ang mapupungay na mga mata ni Chantle ay nakatitig sa akin, tila naghihintay ng sagot.
Napalunok ako, hinahanap ang tamang salita para sagutin ang kanyang tanong.
Fck?
"JOKE!" bigla siyang humalakhak. "Grabe, nakakatawa ang reaksyon mo Kuya Lester. Biro lang syempre, huwag mong seryosohin. Alam ko namang kapatid lang ang tingin mo sa akin," aniya sa pagitan ng tawa.