"Lester, dalian mo baka ma-late tayo sa flight! Nandito na 'yung taxi!" Sigaw ni Chantle mula sa labas. Napakamot ako sa aking ulo at sinarado na ang maleta. Sinisigurado ko lang kasi na wala kaming makakalimutan. Papunta kami ngayon sa Coron para sa aming honeymoon. It's been two weeks since our wedding, pero ngayon lang kami nagkaroon ng panahon para magbakasyon dahil naging abala kami sa aming mga trabaho. "Lalabas na po!" sigaw ko pabalik. Nahalukipkip at nakakunot ang noo ni Chantle paglabas ko. Mukhang iritado na naman siya sa mabagal kong pag-kilos. Ngumiti ako sa kanya ngunit inirapan lang niya ako. "Let's go," iling niya pagkatapos ay pumasok na sa loob ng taxi. Napakabugnutin talaga ng misis ko. Habang nasa byahe kami ay panay ang kalabit ko kay Chantle, ngunit hindi niya a

