Chapter 23 °Clare° Rinig na rinig mula sa manipis na yero nitong bahay ni Xoul ang malalakas na patak ng ulan, ito na ang pangalawang beses na naka punta ako rito ngunit ito ang unang beses na pnakapasok ako. Muli kong inilibot ang tingin ko sa kabuuan ng kaniyang bahay, mliit lang ito at kasing laki lang ng banyo ko sa kwarto ngunit malinis naman. Meroong lamesa na gaawa sa kaho at dalawang monoblock dito sa pagitan ng sala at kusina. Meroong lababo dito sa kusina at sa gilid ng lababo ay ang kalan at gasul na nasa ibaba, sa kabilang gilid naman nitong lababo ay ang maliit na refrigerator at ang isang set ng mga plato,mangkok,baso at kutsara at tinidor. Para sa isang lalaki ay masasabi kong malinis at maayos ang bawat parte ng bahay ni Xoul. Nakakamangha na kahit busy siya sa tra

