Chapter 16 °Clare° Nasa isang candy land daw ako, nagtatampisaw sa malamig na milk tea, nagtatalon sa malambot na jelly at lumalakad sa makintad na candy. Perpekto na ang lahat, masaya na ako dahil napapaligiran ako ng masasarap na pagkain ngunit... Nawala ang lahat ng may biglang mukhang sumulpot sa aking harapan, nanlilisik ang mga mata nitong nag aapoy na sahil sa galit. "GISING NA!" Dali dali akong napabalikwas ng bangon at kahit na kadidilat lang ng aking mga mata ay agad ko na itong ginamit upang hanapin kumg kanino ang mala demonyong boses na iyon. Ilang ikot pa ang ginawa ko hanggang sa makita ko ang lalaking nakasandal sa hamba ng pinto. Sinamaan ko siya ng tingin, alam ba niyang halos lumabas na itong puso ko dahil sa sobrang gulat?! Alam ba niya kung gaano kaganda ang pan

