Chapter 17 °Clare° I don't know if I should be happy or not but matapos mangyari yung scene na iyon sa banyo, naging tahimik na lamang si Xoul. Nang bumalik sina lola galing sa palengke ay hindi ko na rin siya nakausap dahil agad na lang itong lumabas ng bahay at doon sa tindahan sa may kanto ng yosi. Bawal iyon...gusto ko sanang bawalin siya kaya lang baka maging pakialamera naman na ako. Ano bang paki ko sa kaniya? He's my friend but does he sees me as his friend too? Parang isang maliit at sakit sa ulo'ng patatas lang ang turing niya sa akin. Bonus na lang yung pagiging engot ko. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang pinanonood ko si Xoul na manigarilyo. Prente itong nakatayo sa gilid ng tindahan na apra bang siya ang siga sa lugar na ito. Salubong nanaman

