Chapter 6 : "Babaerong kano?"

2239 Words
Chapter 6 °Clare° "Saan ka na naman ba pupunta?" Tanong ni Apple ng mapansin siguro nito ang biglaan kong pagmamadali. Tapos na ang exam namin at halata naman na uuwi na ako, kinunutan ko ng noo ang kaibigan at akmang sasagotin na ang tanong nito ng dumaan sa amin'g gilid ang professor namin sa Bio. "Ms.Harison buti naman at kahit papaano ay pasado ka." Wika ng babaeng professor. Tipid ko itong nginitian ngunit dahil hindi kami magkavibes ay sinimangutan lang ako nito. Sunod niyang hinarap si Apple gamit ang masaya niyang ngiti. "And congratulations Ms.Hernandez, perfect nanaman ang score mo sa subject ko." Tipid na ngumiti si Apple dahil sa sinabi ng guro. "Salamat po ma'am." Balik niya na ikinatango ni babaeng propesor. Ang swerte talaga ni Apple, sobrang saya sigurong maging siya? Maganda na nga tapos matalino at higit sa lahat meroon siyang pamilya na sobrang mahal na mahal siya. Hindi ko maiwasang mainggit, lagi naman yata akong naiinggit. Bigla tuloy nawala ang ngiti ko sa mukha dahil sa naisip ko. Masama ang mainggit pero laging yoon ang ginagawa ko. Damn, dapat ay matigil na ito. "Oh saan ka nga pupunta?" Balik ni Apple sa naudlot na topic namin bago umeksena yung prof. "Uuwi na ako sa bahay kasi nakakatakot ng mag gala." Hindi ako magaling magsinungaling pero sana this time umepekto ito. Kailangan at gusto kong makita ang lalaki na iyon. "Sigurado ka ba?" punong puno ng pagdududa nitong tanong habang pinaniningkitan ako ng tingin. Dahil sa intensidad ng titig ng kaibigan ko ay hindi ko na naiwasan pa ang mapaatras at sunod sunod na mapalunok. Hindi pwedeng malaman ni Apple na hahanapin ko ang lalaking iyon, lalo na at delikado ang lugar kung saan ko siya nakita. Ang alam ko kasi ay magulo ang bahayan na nandoon sa terminal, dikit dikit daw ang mga bahay at maraming mga tambay na walang magawa sa buhay. Pwede ko namang hindi na puntahan ang lalaking iyon, ngunit sa mga nakalipas na araw palaging siya ang tumatakbo sa isip ko. Siguro dahil may utang ako sa kaniya o dahil hindi ko pa siya napapasalamatan ng maayos kaya upang patahimikin ang isip ko ay napagpasyahan kong hanapin siya at kausapin. Wala naman sigurong masama don, diba? "O-Oo naman, ikaw uuwi ka na ba sa probinsya niyo?" Pag-iiba ko sa topic. Mukhang gumana naman dahil agad na nawala ang nang aakusa niyang tingin bago muling bumalik sa paglalakad. Maraming mga estudyante ang kasabay namin dito sa hallway at halos lahat ay meroong masasayang ngiti na nakapaskil sa labi. Tapos na kasi ang Exam, sino ang hibdi sasaya don? Matapos ang ilang linggong torture sa wakas ay makakapag relax na ulit kaming lahat. Ang iba ay uuwi sa mga pamilya nila habang ang iba naman ay magbabakasyon tulad na lamang nitong kaibigan ko. "Oo, excited na nga sina mamang at papang dahil makokompleto nanaman kami." Masayang kwento pa ni Apple. Tinanguan ko siya ng may ngiti sa labi. "Pasabi kina tito at tita na bibisita ako sa susunod ha!" Sana lang at payagan ako ni mama. Nag-aalalang napatingin muli sa akin si Apple, bumuka ang bibig nito para siguro may sabihin pero wala namang lumabas na salita sa bibig niya. May problema ba? Ayaw ba niyang bumisita ako sa probinsya nila? Sa-Sabagay, hindi pa naman ganoon katagal ang friendship namin o baka ayaw niya lang akong mahirapang mag commute? Hinawakan ko ang kamay ng aking kaibigan atsaka ito piniga. "Hindi pa naman ngayon." Asik ko sa babaeng tinuring ko ng parang isang kapatid. Ilang buwan pa lang kaming magkaibigan pero sobrang lalim na ng koneksyon ko sa kaniya, sobrang laki ng tiwala ko kay Apple dahil alam kong hindi siya masamang tao. Ganito naman yata ako sa lahay ng tao, madaling magtiwala. "Sige na mauuna na ako." Paalam ni Apple ng tuluyan na kaming makarating sa b****a ng gate. Puno ng sensiridad kong nginitian amg kaibigan sanay yakap sa kaniya ng mahigpit. "Pasalubong ko ha!" Paalala ko pa dito na nagpatawa sa aming dalawa. "Sige, pasasalubungan kita ng mga libro at notes para hindi ka bumagsak sa susunod na exam." Natatawa nitong pahayag, napangiti lang ako dahil tama naman siya. Tatamarin din akong magreview next sem dahil hindi ako interisado sa topic. "Mag-iingat ka." Yoon na lamang ang binitawan ko sa babae bago ito tuluyang mawala sa aking paningin. Unti unting nabura ang ngiti na naka paskil sa labi ko. Dumidilim na ang kalangitan dahil sa papagabi na, nag-uuwian na ang mga estudyante at nagsisimula ng bumukas ang mga resto bar na nasa paligid. Ito na ang magandang pagkakataon para hanapin ang lalaking iyon. Napahawak ako sa aking dibdib at kahit na dumadampi ang malamig na ihip ng hangin sa aking balat ay pinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad. Hindi naman siguro ako gagabihin sa paghahanap sa kaniya, sandali lang ito. Gusto ko lang talagang ibigay na yung pera at makapagpasalamat para matahimik na itong isip ko. Sumakay ako ng mutor at bumaba sa terminal kung saan nanakaw ang aking bag, maingay ang paligid at mausok at dahil nadala na ako sa nangyaring aksidente noong nakaraang linggo ay inipit ko ang aking bag at mahigpit itong hinawakan. Pag talaga ako nanakawan pa dito, makikipag p*****n na ako. "Kuya pwedeng magtanong?" Tanong ko sa lalaking tingin ko ay driver ng jeep. Naka upo ito habang nagbibilang ng pera. "Nagtatanong ka na miss." Walang ganang sagot ng lalaki na napapadila pa sa daliri bago nagpatuloy sa pagbibilang ng pera. Napangiwi ako. Ano bang uunahin ko? Magtatanong o sasabihin ko kay kuya kung gaano karaming germs ang nasa pera? kung dilaan niya kasi yung kamay niya parang lollipop ito. Kawawa naman si kuya kung tatamaan siya ng sakit o virus, baka mamatay pa siya. Pero bakit ba concern pa ako kung mamatay ito? As if naman na makikinig siya sa akin eh parang sanay na sanay na siya. Isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan sabay labas ng isang piraso ng papel. Ito yung ginawa kong sketch sa lalaki. Iniharap ko ang drawing sa mukha ng driver kaya napatigil ito sa pagbibilang at nagtataka akong tinignan. "Kilala niyo po ba siya?" Mahinahon kong tanong sa lalaki. Napaawang ang labi ni kuya bago napailing. "Abay ineng huwag mong sabihin na customer ka rin ng gagong yan?" Naiiritang tanong ng driver. Customer? anong customer? "Po?" Hindi ko magets kung anong sinasabi ni kuya. "Abay Suki yan ng mga babae don sa kanto sa may Squatters area!" Padaskol na sagot ng matanda. Napakunot ang aking noon. Suki ng mga babae? Yung lalaking yon na nagligtas sa akin, suki ng mga babae? Sabagay...hindi naman maitatanggi na gwapo ang lalaking yon. Ang ganda nga ng katawan niya. "Saan po ba siya nakatira?" Muli kong tanong sa kausap kong puno ng pagkadisgustong naka titig sa hawak hawak kong drawing. Ano? napapangitan ba siya sa drawing ko o talagang ayaw niya lang sa lalaking ito? "Pumunta kang squatters area tapos tanongin mo sa mga tambay kung nasaan yung babaerong kano." Yoon na lamang ang sinabi ni kuya bago ito padabog na napatayo ay naglakad paalis. Rinig ko pa yung binulong niya bago siya tuluyang makalayo. "Mas pogi raw siya kesa sa malanding kano na yon." Hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung anong klaseng tao ang lalaking akala ko ay tigapagligtas ko. Hindi naman siya masama dahil bukod sa pagligtas ay tinulungan din ako nito ng wakang hinihinging kapalit. He do even raised his middle finger to me, saying "f**k you" but does it count? Kasama ba ang "f**k you" na yon sa list ng bad peoples traits ko? Pinaling ko ang aking ulo sabay tingin sa daan papunta sa lugar kung nasaan ang squatters area. Ngayon pa ba ako aatras, kung kailan nandito na ako? Ibibigay ko lang naman yung pera tapos aalis na rin ako, hindi naman ako magtatagal sa lugar na iyon. Nilunok ko ang aking laway at kahit na takot at nagdadalawang isip ay pinilit ko pa rin'g igalaw ang aking mga paa papunta sa daan papunta sa squatters area. Makipot ang daan dito at madumi, hindi ako maarte kaya wala naman akong pakialam pero iba pa rin pala talaga pag naka kita ka na ng jackpot sa gitna ng daan. Ang daming mga asong nagtatahulan at mga tambay na nag-iinuman, inaaya pa nga nila akong makipag-inuman. Tsk as if tatagal sila eh malakas akong uminom. Plastik kong nginitian ang isang tambay ng sipolan ako nito sabay palo sa lantad niyang hita. s**t, b****a pa lang ito pero ganito na ang nangyayari. Paano pa kaya kung makarating na ako sa looban? Napatigil tuloy ako sa paglalakad at kabadong napatanaw sa daan papunta sa lugar ng lalaking nagligtas sa akin. Ano clare tutuloy ka pa ba? Baka naman gusto mong magdasal muna bago lumakad ulit at hanapin ang prince charming mo? Prince charming na mas matulis pa ang dila sa mga madrastang nasa fairytales. Tatalikod na sana ako para umatras ng bilang lumabas sa isang kanto ang kumpol ng mga aso. Tila ba nawawala na sa sarili ang mga ito dahil sa sunod sunod na pagtahol, akala ko nga ay hindi nila ako papansinin ngunit laking gulat ko ng mapatingin sa akin ang mga ito, ilang segundo pa akong nakipagtitigan sa mga ito. Kaya naman napansin ko ang matutulis nilang ngipin at ang gutom sa mga mata nila. Balak ko na sanang lumakad paalis ngunit naburilyaso ang plano kong iyon ng biglang kumaripas ng takbo ang mga aso papunta sa aking direksyon. "Hala!" Alam kong katangahan ang tumakbo dahil hahabulin pa rin ako ng mga ito pero mahirap kumalma kung meroong limang dambuhalang aso ang biglang magtatahol sayo! "Tulong!" Umalingawngaw sa buong lugar ang malakas at matinis kong sigaw habang tumatakbo palayo sa mga gutom na aso. napapalingon ang mga tao sa akin pero wala naman silang ginagawa para pahintuin ang mga hayop. Pota! bakit parang nagiging runner ako nitong mga nakaraang araw!? "Yung asoooo!" Sigaw ko pang muli habang minumura sa aking isipan kung sino mang ponsyo pilato ang nagmamay-ari sa mga nakakatuwang aso na humahabol sa akin ngayon. Sana lang maawa sila sa mga napagtri-tripan ng aso nila. Muntik pa akong madapa ng makatapak ng jackpot na mula sa mga nilalang na humahabol sa akin ngunit nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa makarating sa tindahang meroong isang matanda. Awtomatiko kong nahablot ang walis ng matanda atsaka iyon itinutok sa mga asong tuwang tuwa yata sa akin. Sagad ang ngiti nila at kumikintab ang mga ngipin na anikoy hinasa pa upang ibaon sa aking balat. "Shu! lumayo kayo sa akin kung ayaw niyong maging hapunan!" Pagbabanta ko sa mga ito. Tinahulan nila ako kaya naman hinablot ko ang matanda at hinarang sa aking harapan. "Iha ano ba-" "Shu uwi, ipri-prito ko na talaga kayo!" Pagbabanta ko pang muli sa mga ito. Pilit na kumakawala ang matanda pero ramdma kong parang natatawa pa ito sa nangyayari. Natatawa pa siya kahit na pinangsasangga ko siya. Kakaiba si lola! "Iha kumalma ka, hindi naman nangangagat yang mga yan." Mahinhing paliwanag ng matanda na ikinatawa ko ng pagak. Lola, hindi nga po halatang nangangagat sila! Matiwasay akong nagdedesisyon kung papasok ako sa lugar na ito tapos bigla akong hahabulin ng mga ito. Wow, hindi nga po talaga halatang trip nila akong kagatin. Kaya nga hinatid pa ako ng mga aso na ito papunta dito sa looban! "Lola paalisin niyo po!" Utos ko sa matanda habang winawasiwas pa rin ang walis na hawak hawak niya kanina. "Shu alis! Umuwi na kayo!" Taboy ng matanda sa mga hayop na agad rin namang sumunod sa kaniya. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero parang nakita kong napasimangot yung isang aso bago ito napaungol at nakayukong naglakad palayo. Napapikit pikit ang aking mga mata dahil sa gulat. "Anong klaseng aso po yon lola?" Tanong ko sa matandang hawak hawak ko pa rin ang braso ngayon. Napatawa muli sabay harap sa akin. "Si Xoul ang may ari ng mga asong yan, mababait naman sila pero mukhang trip ka." Sagad ang ngiting paliwanag sa akin ng matanda. Naipon sa aking pisngi ang hangin at ng hindi na ako makahinga ay pinawalan ko na ito na parang isang bata. "Dapat pong sermonan ang Xoul na yon, hindi dapat niya pinakakawalan yung mga alaga niya! Napaka pabaya!" Pasalamat siya at hindi ako nakagat ng mga asong yon. Paano kung nadapa ako tapos nakagat at namatay? sino na lang ang kukuha sa katawan ko at ipapalibing ito? "Hayaan mo na iha, ano ba ang pinunta mo rito?" Tanong ni lola kaya naman muli kong naalala ang pakay ko. Nandito nga pala ako para puntahan yung lalaking nagligtas sa akin. Pinahid ko muna ang aking mga pawis bago kinuha ang sketch book sa aking bag. Inilagay ko ito sa pahina kung nasaan yung mukha ng lalaking iyon atsaka ipinakita kay Lola. "Kilala niyo po ba siya?" Naningkit ang mga mata ng matanda, inayos pa nito ang salamin bago unti unting napangiti ay napatingin sa akin. O-Okay ang weird ni lola, para siyang nakatitig ngayon sa multong takot sa tao. "Iha siya yung may ari ng mga asong humabol sayo." Bulong ng matanda na nag palaki sa aking mga mata. Gusto ko sanang mapamura dahil sa gulat sa masamang balita ni lola pero pinigilan ko dahil matanda ang kaharap ko. "Siya si Xoul." Dagdag pa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD