Chapter 5
°Clare°
"Do you think this design will suit you?" Rinig kong tanong ni mama kay Hannah habang abala sila sa pagtingin sa isang koleksyon ng mga wedding gowns. Nasasaktan akong nakikita silang ganiyan at dahil sadista ako ay dito ko pa napiling tumambay sa lugar na malapit sa kanila.
Wala lang, gusto ko lang naman'g makitang masaya si mama. Kahit sa ganitong paraan. Nagpatuloy ako sa pagguhit sa aking sketch book habang pinakikinggan ang masasayang tawa nila mama at Hannah kasama na ng Designer na kanina pa sila Inuuto.
"Since we'll be choosing black as the color of my wedding , might as well lagyan na natin ng touch of black ang wedding gown?" Rinig kong suhestiyon ng matalino kong pinsan. Saan kayo nakakita ng wedding gown na meroong kulay itim?
Napaikot ang aking mga mata, tingin ba ni Hannah nasa teleserye siya at ginagaya niya yung nasa Wildflower?
"Are you sure ma'am?" Alangang tanong ng designer na sa tingin ko ay nakangiwi na. Alam na siguro niya ngayon kung gaano kaweird si Hannah?
"Of course yes! Magiging unique ang kasal ko kung ganoon ang gagawin natin!" Pilit pa ni Hannah na agad namang sinang-ayunan ni mama. Muli tuloy akong napabuntong hininga bago tinuon ang buong pansin sa pagguhit sa larawan ng lalaking iyon. Ganito ang ginagawa ko sa tuwing may gusto akong matandaan, ginuguhit ko sila sa sketch pad ko para hindi ko sila makalimutan. Malaki ang utang na loob ko sa lalaking iyon kaya ayokong makalimutan siya.
"Anak sino ba yang dina-drawing mo?" Tanong sa akin ni manang Tanya habang ibinababa sa lamesita ang mga miryendang hinanda namin kanina pagkarating ko dito sa mansion. Stress ako ngayon kaya kailangan ko ng pagkain.
Idagdag pa na iniisip ko kung paano ko mababayaran si kuya, nakakahiya naman kasi kung hindi ko maibabalik agad itong pera niya. Pinaghirapan niya ito at baka may importante pa siyang paggagamitan tapos ibibigay niya lang sa akin.
"Siya po yung nagligtas sa akin kanina." Nakangiti kong sagot kay manang sabay bitaw sa lapis at dampot sa pandesal na ginawa ko kagabi, ininit lang ni manang ito ngayon.
"Naglitas? Bakit napano ka ba?"
Nagtatakang tanong ni manang na ngayon ay nakaupo na sa upuan na nasa aking harapan. Teka, sasabihin ko ba kay manang na nanakawan ako at muntik ng mamatay? Alam kong mag-aalala lang siya...pero kaya ko bang magsinungaling sa kaniya?
Matiim kong tinitigan ang babaeng naging ina-inahan ko na nitong mga nakalipas na panahon. Hindi ko magagawang magsinungaling sa kaniya lalo na kung nagpu-puppy eyes siya sa akin ngayon.
"Nanakawan na po ako kanina at muntik ng mamatay pero niligtas ako ng lalaking yan at inabutan pa ng pera. Ang bait niya diba manang?"
Napatulala sa akin ang matanda, kung titigan ako nito ay animoy may sinabi akong nakakatakot na bagay.
Ilang minuto kaming nanahimik ni manang at nagkatitigan. Ngayon ko lang naappreciate kung gaano kacute itong nanay ko. Mataba ang magkabilang pisngi at bilogan ang mga mata, gusto kong kurutin ang mga pisngi niya pero alam kong isang malutong na kurot ang aabutin ko kung gagawin ko iyon kaya naman kinuyom ko na lamang ang aking kamao.
"Anak..." Nag-aalalang banggit ni manang.
"Bakit po?" Kunot noo kong tanong at akmang hahawakan na ang kamay nito para pigain ng bigla na lamang damputin ni manang ang sketch book sabay hampas sa aking ulo.
"Ikaw talagang bata ka! Bakit hindi mo ko tinawagan?! Bakit, lumaban ka ba kaya muntik ka ng mamatay?" Sunod sunod na tanong ng matanda habang puno ng pag-aalala nitong sinusuri ang kabuuan ng aking mukha.
"Ano ka ba naman Clare, hindi ka lumaki ng gubat para magpaka amazona sa isang criminal! paano kung nasaktan ka?!" Dagdag pa ng matanda na agad namang nagpatawa sa akin. Parehas kasi sila nung sinabi ng lalaking nagligtas sa akin. Parehas rin sila kung manermon.
"Anong tinatawa tawa mo diyang bata ka!" Sigaw ni manang kaya agad kong binura ang ngiting nakapaskil sa aking labi. Masama bang tumawa dahil na kyu-kyutan ko siya?
"Sorry na po, niligtas naman po ako nung lalaki."
"Kahit na!"
"Manang ang mahalaga po ay ligtas ako ngayon." Dapat pala ay hindi ko na lang sinabi kay manang. Napag-alala ko tuloy siya ngayon. Ayoko pa naman sa lahat ay yung pinag-aalala siya dahil bawal na sa kaniya yung nastre-stress at nagugulat. Inabot ko ang kamay ni manang atsaka ito piniga.
"Hindi ko na po uulitin yon, promise!" Paninigurado ko sa kaniya, kahit na alam ko naman na kasinungalingan yon. Tulad nga ng sinabi ko noon, mahirap kumita ng pera kaya napakahirap rin na pakawalan na lang iyon ng basta basta. Isipin niyo nagtrabaho kayo ng ilang oras para sa iilang sentimo tapos yung sentimo pa na iyon ay mananakaw ng kung sino, Hindi ba kayo tatakbo para kunin yung sentimong yon?
Napabuga ng hangin ang matanda sabay tingin sa larawan na nasa aking sketch pad, buong pagmamalaki akong napangiti dahil nakuha ko ang kabuuang itsura ng lalaking yon. Hindi naman sa pagmamayabang pero marunong talaga akong magdrawing, ito ang talent ko at hilig na hindi pwedeng ipangalandakan sa mundo dahil ayaw nila mama at papa.
"Ang gwapo naman pala ng lalaking naglitas sayo." Puna ni manang habang nakatitig sa imahe nung misteryosong lalaki. Agad na nawala ang aking ngiti ng habang nakatitig ako sa larawan ay muli kong naalala yung nangyari sa party na naganap noong nakaraang gabi. Yung lalaking naka maskara na sa tingin ko ay pumatay don sa kabit ni uncle. Bakit bigla ko siyang naalala?
"May problema ba 'nak?" Nag-aalalang tanong sa akin ni manang ngunit hindi ko siya nagawang sagutin. Imbes ay dinampot kong muli ang lapis at nagsimulang gumuhit sa mukha nung lalaking nagligtas sa akin. Ang weird pero parang magkaboses sila nung lalaking nasa party. Parehas ang pakiramdam at yung hawak.
Imposibleng mangyari yon pero dahil wala rin naman akong magawa ngayon ay sasakyan ko na lamang ang trip ng utak ko. Iginuhit ko ang maskara nung lalaking nasa puno at akmang dadagdagan pa ito ng bigla kaming mapapitlag ni manang sa gulat dahil sa biglaang pagsigaw ng kung sino na nasa loob ng mansyon. Ano nanaman ba iyon?
"Get out, ayoko ng mga designs mo!" Umalingawngaw sa bawat sulok ng hardin ang matinis at nakakabinging boses ng pinsan kong si Hannah. Kanina lang ay good mood sila ni mama tapos ngayon sumisigaw na sila. Anong problema ng mga tao sa loob ng bahay?
Napasimangot ako at tatayo na sana para tignan kung ano ang nangyayari ng biglang hawakan ni manang ang aking kamay.
"Clare hayaan mo na sila, ikaw nanaman ang pagbubuntunan nila ng galit pagnakita ka nila." Malungkot na suhestyon ni manang na mas lalong nagpasimangot sa akin. Tama ang sinabi ni manang, ako ang gagawin nilang punching bag kung lalapit ako sa kanila.
"Lagi na lang siyang busy!" Sigaw ni Hannah.
"Anak calm down, may importante lang sigurong inaasikaso si Riley." Pagpapakalma ni mama sa pinsan kong nag-aala titan na sa sama ng loob kahit na wala naman siya sa sariling pamamahay.
"No tita, lagi na lang siyang missing in action. Dapat kaming dalawa ang nagpla-plano sa kasal na ito pero lagi na lang siyang wala." Himutok pa ni Hannah.
"Why don't we just go out and buy something for your wedding. I'm sure you need some accessories at para makabawi ka gamitin mo ang Credit card ni Riley?" Suhestiyon naman ni mama na agad na nakapagpakalma sa paborito niyang pamangkin. Malungkot akong napangiti dahil sa tono ng pananalita ni mama.
Ang lambing lang kasi ng pagkakasabi niya non kay Hannah kahit na parang binastos na siya nito kanina. Hindi na nga ito nangupo tapos sinigawan pa niya si mama, kung hindi lang hawak ni manang ang kamay ko ay baka kanina pa ako nasa loob at sinesermonan si Hannah. She can't disrespect my own mother on our own house pero sino bang niloko ko? panigurado namang si Hannah pa rin ang kakampihan ni mama kahit na mali ito.
Hannah is her favorite daughter while I'm just her biological daughter. Malaki ang pinagkaiba ng paborito sa hindi ginusto.
"Manang ano kaya ang pakiramdam na mahalin ng sobra?" Tulala kong tanong sa matanda habang pinakikinggan kung ano ang susunod na sasabihin ng mga tao sa loob ng mansyon.
"Bakit mo naman natanong yan?" Balik ng matanda na mukhang na mimisteryosohan pa sa simpleng tanong na pinakawalan ko.
"Hindi ko pa po kasi nararanasan yon maliban na lang po sayo." Nakatunganga kong asik.
"Anak hayaan mo at balang araw may ibibigay ang diyos sayo para lunurin ka sa pagmamahal." Mahinahong wika ng matanda, napangiti tuloy ako dahil sa Isipin na iyon.
"Sa tingin niyo po, kailan siya darating?" Wala sa sarili kong tanong habang tulalang nakatitig pa rin sa imahe ng lalaking nagligtas sa akin at sa lalaking nakasalamuha ko sa party.
Mahinang napatawa ang matanda pero hindi pa rin niya ako sinasagot kaya agad kong inalis ang tingin ko sa drawing at itinuon iyon kay manang na handa ng umalis ngayon. Sagad na ngumiti ang matanda, dumukwang pa ito upang bigyan ako ng halik sa noo sabay sabin'g.
"Malay mo dumating na pala siya."
Kumunot ang aking noo, wala pa naman akong nagiging kaibigan ngayon para posibleng maging boyfriend ko in the future. May itatanong pa sana ako kay manang pero naglakad na ito paalis kaya naman nanatiling nakabitin sa ere ang mga salitang dapat ay itatanong ko sa kaniya.
"Magiging masaya kaya kami sa pagmamahal na sinasabi ni manang?" yoon ang tanong na gumugulo sa isip ko hanggang sa hindi ko mamalayan at hapon na pala. Nang maubos ang lahat ng pagkain na hinanda namin ni manang ay napagpasyahan ko itong linisin bago umakyat at pumunta sa sarili kong kwarto.
Babagsak na sana ako sa queen size at victorian style kong kama ng maaninag ng aking mata ang isang sobre na nakapatong sa mamahalin kong vanity table. Ano naman yan? Wala naman yan kanina nang magpalit ako ng damit. Dahil sa kuryosidad ay nilapitan ko ito at pasabing binuksan.
Namilog ang aking mga mata ng bumungad sa akin ang ilang papel na tig-iisang libo, ang dami nito at mukhang bagong labas lang sa bangko! Binuklat ko pa ang pera ar binilang hanggang sa makatanggap ako ng text galing kay papa. Siya pala ang nag-iwan ng perang ito dahil hindi siya makakabalik dito sa bahay ng hanggang sa isang buwan. Ibig sabihin ito ang allowance ko...
Kung sinuswerte nga naman, mukhang mababayaran ko na agad si kuya! Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay ang hanapin siya at ilibre sa mall para makabawi sa ginawa niyang kabaitan. Dali dali kong tinago ang napakaraming pera sa drawer bago masayang humiga sa kama upang magpahinga. Buti na lang talaga at kahit papaano may pakialam sa akin si papa. Iniisip pa rin ako nito kahit na nasa malayo siya.
Nakaramdam ako ng haplos sa aking puso dahil sa isipin na iyon. Paano kaya kung maging mabait na ako kay papa simula ngayon? At least siya hindi niya paborito si Hannah tulad ni mama.
Inilabas ko ang aking cellphone at pinadalhan si papa ng mensahe. Simple lang yon pero sinigurado kong malalaman niya na nagpapasalamat ako. Ipinikit ko na ang aking mga mata at handa na sanang matulog ng maalala kong meroon nga pala kaming exam bukas hanggang sa susunod na araw. Ibig sabihin niyan hindi ko muna mahahanap si kuya para ibalik ang pera niya at pasalamatan siya.
Shit! Ayokong nagrereview pero kung gusto kong pumasa kailangan kong magsunog ng kilay. Saka na muna yang aksidente at nakawan case na yan dahil kung babagsak ako ngayon baka hindi na maging mabait pa sa akin si papa!
Dahil sa determinasyon at pagnanais na maging proud sa akin ang mga magulang ko ay pinilit kong magreview kahit na hindi ko gusto ang topic at ang kurso. Isinantabi ko ang takot at trauma na dulot ng aksidente. Pinilit kong maging matapang para kina mama at papa dahil gusto kong maging masaya sila ng dahil sa akin.