Kabanata 8

1307 Words
Nakaramdam si Tori ng pag-iinit ng kanyang pisngi dahil sa pagkapahiya. Pero sa kabilang banda, iyon naman talaga ang pag-aakala niya dahil iyon ang nakikita niya. "Irene!" Tawag ni Natalia sa kasambahay nila. Mabilis namang lumitaw ang babae sa kinaroroonan ng amo nito. "Ano pong iuutos ninyo, Madam?" "Ihatid mo na si Victoria sa magiging silid niya," maawtoridad nitong utos. Agad na lumapit sa kanya ang kasambahay at binitbit ang kanyang bag saka siya iginiya sa isang pasilyo. Habang naglalakad sila, napansin niya ang pagkakabukas ng telebisyon at sa hindi sinasadya, narinig niya ang balita na inuulat. "Kasalukuyan na nahaharap sa kontrobersya ang dating gobernador ng La Paz dahil sa pagbabayad nito ng reporters at paninira sa bagong halal na gobernador na walang iba kundi si Governor Niklaus Ardiente. Sa ngayon, kinakaharap ng dating gobernador ang galit ng taumbayan na naging dahilan kung bakit ito bumagsak sa ospital..." "Miss Victoria..." Napapitlag siya ng marinig ang boses ni Irene. Napakurap-kurap siya at napagtantong nakapako lang pala siya sa kanyang kinatatayuan. Napatikhim siya at hilaw na tumango. "Pasensya ka na," aniya at nagpatuloy na sa paglalakad. Pilit niyang iwinawaksi sa isipan niya ang tungkol sa dating gobernador. Alam niya mismo sa sarili niya na wala naman itong kasalanan sa nangyaring kontrobersya pagitan nila ni Nik. Siya mismo ang makakapagpatunay nun. Pero kung magsasalita naman siya, baka magalit si Madam Natalia sa kanya at paalisin siya. Huminga siya ng malalim bago umiling. 'Bahala na!' Ang importante ay naikasal na siya kay Nik. Yun lang ang dapat niyang iisipin. Mas mahalaga sa kanya ang pangarap niya. Nakarating sila sa isang nakasarang pintuan. Binuksan iyon ni Irene at bumungad kay Victoria ang isang malawak na silid. Umawang ang kanyang labi habang dahan-dahan siyang pumasok. "Ito ba ang magiging silid ko?" Tanong niya. "Opo, Miss Victoria." Inilinga niya ang tingin sa buong paligid. May maliit na chandelier sa itaas ng kisame, malawak na kama, isang lampshade. May sarili pang banyo sa loob. Tiles ang sahig at may makapal na carpet. "Wow!" Buong paghanga niyang sambit. Literal na ten times pa ang ganda ng silid niya kaysa sa mga cabin sa resort na pinagtatrabahuhan niya. Ilang sandali pa'y may napansin siya. Masyadong malinis ang buong silid para sa dalawang tao. "Ahm, Irene, dito din ba ang silid ni Nik?" Tanong niya. Mabilis na umiling ang babae. "Hindi po. Nasa taas po ang silid ni Sir Nik." Bahagya siyang nakaramdam ng panlulumo. Ibig sabihin, hindi na nga sila magkakaroon ng wedding ceremony, hindi rin sila magtatabing matulog? Pero ilang saglit lang ay pinilit niya ang sarili na mapangiti. Ang importante ay kasal siya kay Nik. Asawa na niya ang lalaki. Iyon ang paulit-ulit na isisiksik niya sa kanyang utak at wala ng iba. "Maiiwan na kita at may gagawin pa ako sa labas," ani Irene sa kanya. "Sige, thank you." Hindi na sumagot pa ang babae at nagtuloy-tuloy na sa labas. Nang mapag-isa nalang siya ay agad siyang tumakbo papunta sa kama at ibinagsak ang kanyang sarili. "Ang lambot!" Mahina niya sambit. Ilang sandali siyang nanatiling nakahiga sa kama bago pabalikwas na bumangon at nagtungo sa banyo. Nang makapasok siya sa loob ay kumpleto ang mga gamit mula sa shampoo, sabon at iba pang beauty essentials. Lumabas siya ng banyo at sinuyod ng tingin ang buong paligid. Ang kintab ng mga muwebles. May malambot at malaking sofa. May sariling TV pa. Kung may makakakita lang sa kanya, mapagkakamalan na talaga siyang baliw dahil sa pagiging ignorante niya. Isang malawak na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Ito ang buhay na gusto niya. May sariling silid na maganda at pogi tsaka mayaman na asawa! Wala na siyang mahihiling pang iba kundi ang mahalin din siya ni Nik balang araw... Kumumlimlim ang titig ni Nik sa telebisyon kung saan naroon ang balita tungkol sa dating gobernador. "Do we really have to go this far, Ma?" Tanong niya. "What's wrong?" Tanong nito. "The former governor is now in the hospital. Paano kung may mangyaring masama sa kanya dahil sa ginawa ninyong pagsisinungaling?" Napakurap-kurap naman ang ginang na tila ba wala itong ginawang mali. "And what do you want me to do? Sasabihin sa madla na nagsisinungaling lang ako?” Natigilan naman siya. He had ran for this position to make his father's dream come true at para narin tumulong at maglingkod sa mga tao sa lugar nila. Not to destroy the former governor's life. Isang malaking pagkakamali ang pagpayag niya na sirain ang imahe nito. Thinking about the situation right now, sana pala hindi niya hinayaan ang kanyang ina na ito ang kikilos para linisin ang pangalan niya. "Where do you think those reporters came from? Sa tingin mo talaga ang Victoria na iyon ang nagpatawag sa kanila? No, Nik. Walang ibang may kapangyarihan na kontrolin ang media kundi siya lang. I just did what I have to do. And please... please stop thinking about him. Walang mangyayaring masama sa kanya. It's just stress. Wala tayong kasalanan." Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago napasulyap sa hallway kung saan pumasok si Victoria. Lahat ng ito ay dahil sa babaeng yun. Hindi sana magkakadaleche-leche ang buhay niya kung hindi ito dumating! He can't wait for the day that she will disappear from his sight and in his life! Isang katok mula sa pintuan ang pumukaw sa atensyon ni Victoria. Nang buksan niya ang pintuan ay si Irene ang bumungad sa kanya. "Kakain na daw sabi ni Madam Natalia," anunsyo nito. Agad naman siyang lumabas ng silid. Kanina pa kumakalam ang kanyang sikmura dahil hindi siya nakakain ng maayos. Pagdating niya sa hapag, naroon na si Madam Natalia at Don Wilfred. "Magandang gabi po," magalang niyang bati sa dalawa. "Good evening, hija. Maupo ka na," ani Madam Natalia habang tanging tikhim lang ang naging tugon ng ama mi Nik. Speaking of Nik, wala ang lalaki sa hapag. Nasaan kaya ito? "If you're looking for Nik, baka mamaya pa ang uwi nun," ani Natalia nang mapansin ang kislap sa mga mata ni Victoria. "G—ganun po ba?" "Yes. At sanayin mo na ang sarili mo. He has a job unlike you," anito at nagsimula ng kumain. Napatikhim naman siya at ipinagsawalang bahala ang huling pangungusap na sinabi nito. Ibinaling nalang niya ang tingin sa pagkain na nasa mesa. Hindi niya alam kung ano ang pangalan ng karamihan sa nakahain pero isa lang ang napuna niya. Napakadaming ulam amg naroon para sa isang hapunan. Hindi pareho sa kanila na minsan may ulam, minsan wala. "Pasensya na po kung naparami ang kain ko," nahihiya niyang wika matapos niyang makaubos ng tatlong platong kanin at maraming ulam. Mahinang natawa si Don Wilfred habang ngumiti naman si Madam Natalia. "It's okay. I understand na ngayon kalang nakatikim ng ganyang klase ng pagkain. Marami pa oh. Pwede mong ubusin yan lahat," magiliw nitong wika. Nahihiya naman siyang ngumiti bago umiling. "Hindi na po. Busog na po ako." Matapos nilang kumain ay dumiretso na siya sa silid niya. Hanep! May tagahugas na siya ng pinggan. Hindi narin niya kailangan pang magligpit ng pinagkainan niya. Agad siyang nagtungo sa banyo nang makarating siya sa loob at naglinis ng kanyang sarili. Nang makapagbihis na siya ng kumportableng damit ay nahiga na siya sa kama. Muling sumagi sa isipan niya ang kanyang Nanay Vicky. Nag-aalala siya kung may ulam ba ito para sa hapunan. Ilang oras pa nga lang mula ng umalis siya sa kanila ay namimiss na niya ito. Bumuntong hininga siya at pinilit ang sarili na makatulog. Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagkakahimbing nang makarinig siya ng katok mula sa labas ng pintuan. Pungas-pungas siyang bumangon at binuksan ang pinto subalit agad siyang nahimasmasan ng makita si Nik na nakatayo sa labas. "Gov..." Mahina niyang sambit. "Are you going to just stand there? Hindi mo ba papasukin sa loob ng kwarto mo ang bago mong asawa?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD