Inihanda na ni Nik ang kanyang ngiti nang lumabas siya ng kanyang sasakyan. Agad naman siyang sinalubong ng mga tao sa naturang lugar at isa-isang nakipagkamay sa kanya. Nagdala din siya ng meryenda para sa mga ito.
"Magandang araw po, Gov...
"Maraming salamat sa snacks, Gov!"
"Nagagalak po kami at napasyal kayo..."
"Susunduin niyo na po ba si Victoria?"
Tipid siyang ngumiti bago tumango. Hindi naman siya nahirapang hanapin ang babae dahil agad itong humarap sa kanya habang may dalang bag. Nilapitan niya ito at matamis na nginitian.
"Where's your mother?" Masuyo niyang tanong.
Bahagya namang nagulat si Victoria sa inasta ni Nik. Kaninang umaga lang inis na inis pa ito sa kanya tapos ngayon ang sweet na nito. Mas lalo tuloy itong gumagwapo sa paningin niya.
"N—nasa bahay siya," nauutal niyang sagot.
"Puntahan na natin siya nang makabalik na tayo sa mansion."
Napalunok siya bago inilinga ang tingin sa paligid nila. At para hindi sila marinig ng mga kapitbahay niya, marahan niyang hinila sa isang tabi.
"H—hindi makakasama si Nanay sa atin. M—masama ang pakiramdam niya," pagsisinungaling niya.
Baka kapag sasabihin niya sa lalaki na ayaw ng kanyang ina na magpakasal siya dito ay hindi ito tumuloy.
Nakita niyang napasulyap si Nik sa kabuuan ng lugar nila. Dahil mahirap lang sila, halos dikit -dikit lang ang bahay nila. Katunayan, donation lang naman ng pamilyang Ardiente ang lupa na kinatitirikan ng mga bahay nila.
"Kung ganun ay umalis na tayo," anito at hinawakan ang kanyang kamay.
Napatingin siya sa magkahugpong nilang mga kamay. Sa labis na tuwa ay hinigpitan niya ang pagkakahawak doon. Mabilis na nagpaalam si Nik sa mga taong naroon. Siya din ay nagpaalam na sa kaibigan niyang si Jessa.
"Ingat ka doon ha. Itext mo ako," ani Jessa.
Agaran naman siyang tumango. "Wag kang mag-alala, kukwentuhan kita sa mga mangyayari sa buhay ko," tugon niya bago tuluyang sumakay sa kotse ni Nik na naghihintay sa kanila.
Pag-usad ng sasakyan, sumulyap pa siya sa munti nilang tahanan. Nakasara ang pintuan at bintana ng kanilang bahay. Marahil ay ayaw nga talagang makita ng Nanay Vicky niya ang kanyang pag-alis.
Nang tuluyan na nilang nalisan ang lugar kung saan siya nakatira ay ibinaling na niya ang kanyang tingin kay Nik.
"Maraming salamat sa pagsundo mo sa akin, Nik," nakangiti niyang wika.
Sinulyapan siya ng lalaki pero napansin niyang wala na ang ngiti sa labi nito. Katunayan ay nakabusangot na ang mukha ni Nik.
"Sa tingin mo talaga bukal sa loob ko itong pagsundo ko sayo? This is my Mom's idea and not mine. Kung ako lang ang masusunod, I won't care kung makabalik ka man sa mansion o hindi!"
Mabilis na napalis ang ngiti sa labi niya kasabay ng pangingilid ng mga luha sa kanyang mga mata. Nagpapanggap lang pala ito kanina habang nasa harap ng mga kapitbahay nila?
"A—akala ko—"
"Akala mo ano? Na okay na tayo? Na natutuwa ako sayo? That's not gonna happen! I still hate you for ruining my peaceful life. Kung pwede lang sana kitang sipain palabas ng sasakyan ko, ginawa ko na."
"I don't know of your stupid o nagtatanga-tangahan kalang. Kung maayos ang takbo ng utak mo, you should've known by now that I don't want you at kung hindi ka desperada, dapat tumanggi ka na sa alok ng mga magulang ko."
"Grabe ka naman kung magsalita, Nik," humihikbi niyang sambit.
Sarkastiko naman itong natawa. "Bakit? Hindi ba totoo na desperada ka? Ah, maybe you want my money. Seeing how poor your community is, no wonder you're so eager in marrying me. Kaya ngayon palang, magkaliwanagan na tayo Victoria. I don't want you. I don't want to marry you. And I want you out of my life!"
Mas lalo pa siyang napaiyak sa kanyang narinig. Umiwas nalang siya ng tingin at ibinaling sa labas ang mga kanyang mga mata.
"Stop crying damn it!" Singhal nito sabay hampas ng manibela.
Halos mapatalon siya sa gulat dahil sa ginawa nito. Dali-dali niyang pinahid ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Subalit kahit anong gawin niya, patuloy parin sa pagtulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata kaya para hindi siya makagawa ng anumang ingay, kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi at tahimik na umiyak.
Hindi niya namalayan na nakarating na pala sila sa mansion ng mga Ardiente. Kung hindi pa huminto ang sasakyan, hindi niya mapapansin. Napapitlag pa siya ang hinawakan ni Nik ang kanyang baba at pinaharap siya sa mukha nito. Napalunok siya nang unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanyang mukha.
"Ayusin mo yang sarili mo. You wanted to marry me, right? Then you must endure how I will treat you. This is me, Victoria. If you want to survive then bear it. Kung hindi mo kaya, the gate is wide-open. Leave and run away from me," malamig nitong turan bago marahas na binitawan ang kanyang baba.
Naunang lumabas ng kotse si Nik. Hindi din siya hinintay ng lalaki at nauna na itong pumasok. Dinukot niya ang panyo mula sa kanyang bag at pinahiran ang kanyang mga luha. Nandito na siya. Wala ng atrasan pa.
Huminga siya ng malalim bago bumaba sa sasakyan ni Nik. Bitbit ang kanyang bag na naglalaman ng kanyang mga damit, nagsimula na siyang maglakad papasok.
Nang makarating siya sa bulwagan, bumungad sa kanya ang mga magulang ni Nik na nakaupo sa sofa. Nasa kabilang upuan din si Nik habang may isa pang lalaki na sa hula niya ay nasa mga edad kwarenta na ang kasama nila.
"Where's your mother, Victoria?" Tanong ni Madam Natalia.
"P—pasensya na po kayo pero hindi po makakarating si Nanay. Masama po ang pakiramdam niya," mahina niyang tugon.
Umagat ang sulok ng labi ni Natalia. Mas mainam nga na hindi ito sumama. Based on the information that reached her hand, nakaririmarim ang mukha ng ina ni Victoria. Baka kapag nakaharap niya ito, masuka lang siya.
"Kung ganun ay halika na rito. Maupo ka sa tabi ni Nik," maawtoridad nitong wika.
Napasulyap muna siya sa lalaki bago siya maingat na naupo sa tabi nito. Nang makapwesto na siya, nakita niyang naglabas na ng mga papel ang lalaking kasama nila at inilapag sa kanyang harapan.
"Pirmahan mo yan, Victoria," utos ni Madam Natalia.
Napalunok siya at dinampot ang papel. Tumambad sa kanya ang isang marriage contract na may pangalan niya at ni Nik mismo. Sa nanginginig niyang mga kamay, walang pag-aalinlangan niya iyong pinirmahan. Nang matapos siya ay si Nik naman ang pumirma bago nito ibinalik sa lalaking nagbigay sa kanila.
"Is that all?" Tila naiinip na tanong ni Nik.
"Yes, Governor Nik. This paper will serve as a document that you are legally married..."
Napalingon siya kay Nik. Legally married? Agad-agad?
"What?" Salubong ang kilay nitong asik.
Mula kay Nik, dumako ang kanyang mga mata sa ina ng lalaki. "H—hindi po ba kami magpapakasal ni Nik?" Hindi niya napigilan na itanong.
Ilang sandaling nanatiling tahimik ang lahat subalit maya-maya lang ay mahinang natawa si Madam Natalia. "Oh darling dear. Ano bang inaasahan mo? Na magsusuot ka ng bridal gown at maglalakad sa simbahan?" Sarkastiko nitong tanong.
Hindi naman siya nakapagsalita. Hindi ba't ganun naman dapat ang nagpapakasal? May wedding gown kahit simple lang. May cake at may handaan?
"Stupid," narinig niyang bulong ni Nik.
Huminga naman ng malalim si Natalia bago nagsalita. "Walang ganyan, Victoria. All we need is your sign and that paper. Isa pa ay kasunduan lang naman ito kaya hindi na kailangan ng celebration. This is not a fairy tale Victoria. This is a deal. I hope you got my point…”