Kabanata 18

1325 Words
"Oh, ganun ba? Nice to meet you, Bryan," magiliw niyang wika. Tipid naman itong ngumiti. "Nice to meet you din po, Miss Victoria." "Bryan, tawag ka na nina Madam!" Dinig niyang sigaw ng isang boses. Napalingon sila sa b****a ng hardin kung saan nakatayo ang isa sa mga kasambahay na nais niyang maging kaibigan kanina. "Susunod na ako, Layla," tugon ni Bryan bago ibinaling ang tingin sa kanya. "Sige po, Miss Victoria. Mauuna na ako," paalam ng lalaki. "Sige, Bryan. Walang problema," tugon niya. Naglakad na si Bryan paalis. Agad niyang napansin ang malagkit na tingin ng kasambahay sa driver ni Madam Natalia. Nang tuluyan ng makalagpas ang lalaki sa kanya naman nito itinuon ang mga mata. Hindi nakaligtas ang pag-irap nito sa kanya bago sumunod sa lalaki. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago bumalik sa pwesto niya kanina. Hindi niya alam kung ilang oras ang iginugol niya doon. Nang magsawa siya, saka lang niya napagpasyahan na pumasok sa loob ng mansion. Katatapos lang niyang maligo nang makarinig siya ng katok mula sa labas. Napatitig siya sa may pinto. Hindi naman siguro si Nik ang nasa labas diba? Kasi kung ang lalaki ang naroon, hindi naman ito kumakatok at diretso lang na pumapasok. Huminga siya ng malalim bago nagtungo sa pintuan at binuksan iyon. Isang hindi pamilyar na babae ang bumungad sa kanya. "Sino po sila?" Magalang niyang tanong. "Ako si Leah, personal assistant ako ni Madam Natalia. Nais ka daw niyang makausap kaya sumama ka sa akin," seryoso nitong turan. Tumango siya at tuluyan ng lumabas ng silid. Habang nakasunod siya sa babae, hindi niya mapigilan ang sarili na makaramdam ng kaba. Ano na naman kaya ang sadya ni Madam Natalia sa kanya? Baka hindi pa ito tapos sa panenermon sa kanya kaya siya pinatawag. Huminto sila sa isang nakasarang pintuan malapit sa isang malaking shelf. Kumatok ng tatlong beses si Leah bago ito nagsalita. "Madam, kasama ko na po si Victoria." "You may come in," ani ng boses nito mula sa loob. Pinihit ni Leah ang pintuan at bumungad sa kanya ang isang maaliwalas sa silid. May mesa sa gitna at isang swivel chair kung saan nakaupo si Madam Natalia. "Iwan mo muna kaming dalawa, Leah," anito habang ang atensyon ay nanatili sa kaharap nitong laptop. "Sige po, Madam," tugon ng babae at nagtungo na sa labas. Mas lalo pang nadagdagan ang kabang nararamdaman niya ngayong silang dalawa nalang ang naroon. Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi bago nilakasan ang kanyang loob na magsalita. "P—pinatawag niyo daw po ako, Madam..." Huminga ng malalim ang ginang bago ibinaling angga mata sa kanya. "Yes. May importante tayong pag-uusapan." "Ano po yun?" "You work at the resort right?" Agad siyang tumango bilang tugon. "Ano pang ibang trabaho ang napasukan mo bukod doon?" "Ahm, minsan po umeekstra po ako at namamasukan sa kapitbahay namin na medyo may kaya sa buhay bilang kasambahay habang nag-aaral ako." Napatango-tango naman si Natalia bago muling sinipat ng tingin si Victoria. "Then I guess you already know the chores in a particular house right?" Muli niyang tanong. "Oo naman po. Marunong po ako sa gawaing bahay," pagbibida pa nito at mukhang proud pa sa sarili. Napaismid si Natalia. "Kung ganun ay mainam yan. Starting tomorrow, tutulong ka na sa mga gawain dito sa mansion. Irene will teach you the things that you will do. Siya na ang bahala sayo since wala ka namang ginagawa dito buong araw kundi ang humilata lang. You're even consuming too much food gayong hindi ka naman namin kaano-ano." Gulat siyang napatitig sa ina ni Nik. Wala namang problema sa kanya ang tumulong sa mga gawaing bahay dahil wala rin naman siyang ginagawa pero ang sumbatan siya nito sa mga kinain niya ang masakit sa kanya. "What? May problema ka ba sa sinabi ko? Ayaw mong tumulong porket pinakasalan ka ng anak ko?" "Hindi naman po sa ganun—" "Let me make it clear to you, Victoria," putol nito sa sasabihin niya sana kasabay ng pagtayo ng ginang. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kanya at gamit ang isang daliri nito, iniangat ni Madam Natalia ang kanyang mukha. "I let you marry Nik dahil kailangan but to be honest, I don't like you for my son. Mas maraming babae pa ang bagay sa anak ko given the status that we had. But since you made your way here by jumping in my son's bed as it was broadcast in the whole country, I let you stay. But lately, I don't like where this situation is going." "This is a reminder for you, Victoria, para hindi mo makalimutan kung saan ka dapat lumugar. Langit ang estado namin at lupa ka. I hope you will bear that in mind," dagdag pa nito bago ibinaba ang daliri nitp. "Nagkakaintindihan ba tayo?" Malamig nitong tanong. Napalunok siya bago tumango. "Naiintindihan ko po." "Good. You can go now and ask Irene for your uniform," dagdag pa ng ginang at bumalik na sa upuan nito. Ilang beses siyang napalunok bago umatras at marahan na lumabas ng silid. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili niya bago nagtungo sa servants' quarter upang hanapin si Irene. Pagdating niya doon ay sakto namang palabas ito ng silid. Tipid siyang ngumiti bago nagsalita. "Magandang hapon po, Ate Irene. Balak ko po sanang hingin yung uniform na susuotin ko bukas." Mukhang alam na ng babae ang tungkol sa trabaho niya dahil hindi man lang niya ito nakitaan ng gulat sa mukha. "Sandali lang," ani ng babae at muling bumalik sa loob. Ilang sandali pa'y lumabas na ito na may dalang isang plastic at ibinigay sa kanya. "Yan ang magiging uniporme mo. Kagaya yan sa amin at free size kaya kakasya yan sayo." "Maraming salamat po. Saan nga po pala ako maa-assign bukas?" "Hmm, agahan mo ang paggising bukas. Kailangan alas kwatro ng madaling araw dapat gising ka na dahil tutulong ka sa kusina na maghanda ng pagkain. Ikaw rin ang magiging bagong tagasilbi nina Madam Natalia at ng mag-ama niya sa hapag. Tapos tutulong ka din sa paglilinis ng buong mansion." Napatango-tango siya. "Sige po. Maraming salamat." "Good luck sa una mong araw bukas," mahinahon na wika ni Irene. Tipid naman siyang ngumiti. "Maraming salamat po." Mula sa servants quarter, nagtungo na siyang muli sa kanyang silid at sinipat ng tingin ang mga uniform na ibinigay ni Irene sa kanya. Limang piraso iyon ng kulay pale blue iyon na blouse at slacks. Humugot siya ng hangin bago inilagay sa closet ang kanyang damit. Mas mainam narin na bigyan siya ng mga ito ng trabaho nang trabaho para hindi naman siya mabagot habang nasa mansion siya. Ilang sandali pa'y natigilan siya. Ayaw ni Nik at Madam Natalia sa kanya... Pinakasalan lang siya ni Nik dahil sa eskandalong pumutok sa media. Hindi niya maiwasang isipin kung hanggang kailan siya mananatili bilang asawa ni Nik at ano ang magiging kapalaran niya oras na hindi na siya kailangan ng mga ito. Itatapon lang kaya siya na parang basura pagkatapos siyang mapakinabangan? "Ano ng balita?" Tanong ni Arnulfo, ang dating gobernador ng La Paz. "Sa ngayon ay hindi parin namin nakikita ang babaeng nalink kay Governor Niklaus at sinasabing asawa niya sa kasalukuyan. Masyadong mahigpit ang seguridad niya pati na ang tunay niyang katauhan," tugon ng kanyang tauhan. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang cellphone. Lahat ng impormasyon tungkol sa eskandalo ng kasalukuyang gobernador ay bigla nalang nawala sa media bilang pangangalaga sa privacy ng asawa kuno nito subalit hanggang ngayon ay mainit parin ang balita lalo na at siya pa ang nadidiin na may pakana ng mga reporters gayong wala naman talaga siyang kinalaman sa nangyari. Wala naman sanang problema sa kanya na mapalitan siya sa pwesto dahil normal naman iyon sa pulitika. Ang tanging nais niya ay malinis ang pangalan niya. At naniniwala siyang magagawa lang niya iyon kapag nakita niya ang babae na asawa ni Niklaus at makumbinsi na tulungan siyang linisin ang pangalan niya…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD