Pinilit ni Victoria ang sarili niya na magpakatatag kasabay ng kanyang pagtango. "W—wag kang mag-alala, Nik, hindi ko kakalimutan ang pag-inom nito. Tsaka wala din naman akong balak na magbuntis dahil natatakot ako na masira ang katawan ko," aniya habang pinipigilan ang kanyang boses na pumiyok.
"Well, that's good to hear. Mabuti at naman at nagkakaintindihan tayo," anito at tinalikuran na siya.
Pinanood niya ang tuluyang paglabas ni Nik. Nang mapag-isa nalang siya ay saka niya hinayaan ang sarili na umiyak. Habang inaalala ang sitwasyon niya ay parang gusto na niyang umuwi at takasan ang buhay niya sa mansion ng mga Ardiente.
Pagkalabas ni Nik sa silid ni Victoria, nataon na naroon si Natalia sa isang sulok. Hinintay niyang makaalis ng tuluyan ang lalaki bago siya lumabas sa pinagkukublihan niya.
Ilang sandali pa'y lumapit sa kanya ang kanyang personal assistant na si Leah dala ang isang report.
"Madam Natalia, base sa napag-alaman ko, nanggaling sa isang gynecologist sina Sir Nik at Victoria noong nakaraang araw pero dahil sa NDA na pinirmahan ng doctor, wala na pong ibang impormasyon bukod pa doon."
Naiyukom ni Natalia ang kanyang mga kamay. Surely, something is going on between his son and Victoria!
"You may go now," aniya at sinundan na si Nik na kasalukuyan na papasok sa loob ng silid nito.
"Mag-usap tayo, Niklaus."
Napalingon naman si Nik sa pinanggalingan ng boses ng kanyang ina. Nakatayo ito hindi kalayuan sa kanya habang may malamig na titig sa mga mata nito.
"What is it, Ma?" Tamad niyang tanong.
"Are you sleeping with Victoria?"
Bahagya siyang nagulat sa naging tanong ng kanyang ina pero kalaunan ay hindi niya maiwasang matawa. "What kind of ridiculous question is that, Ma?"
"Answer me, Niklaus!"
"Pati ba naman ang bagay nayan kailangan ko pang ipaalam sa inyo?" Aniya at hindi na napigilan pa ang inis sa tono ng kanyang pananalita.
"I'm just concerned about you, Niklaus. Ayoko lang na magkaroon ng problema sa hinaharap dahil sa babaeng yan—"
"Then you shouldn't have brought her here," putol niya sa sasabihin sana nito.
Nagpakawala naman ng isang malalim na buntong hininga si Natalia. "Alam mo ang rason kung bakit nandito yang babaeng yan sa pamamahay natin, Niklaus."
"You also know that I'm not up for this. Marrying was the last thing that will be on my mind yet you shove it to me without giving me a chance to back out. Isa pa ay asawa ko naman ang babaeng yan, diba? We are also both adults. She's here because you want to use her then what about me? Anong makukuha ko sa setup na meron kaming dalawa? Diba wala? Kayo ni lang Daddy ang makikinabang dito. Kaya mas mainam na magkaroon naman siya ng silbi sakin habang nandito siya. And don't worry, Ma. Alam ko ang ginagawa ko. Hindi mangyayari kung anuman yang inaalala mo," aniya at tuluyan ng pumasok sa loob ng kanyang silid.
Naiwan naman si Natalia sa labas na nagngingitngit ang kalooban. Mukhang nagkamali yata siya na tuluyan niyang pinapasok si Victoria sa buhay nila. She didn't just successfully married her son, she even manage to entangle herself with Niklaus. Mukhang kailangan na niyang ipamukha sa babae kung ano lang ito sa pamamahay nila!
Kinabukasan ay maagang gumising si Victoria. Halos nauna pa nga siyang magtungo sa hapag kaysa mag-asawang Ardiente.
"Where is Niklaus?" Tanong ni Natalia kay Irene.
"Mukhang tulog pa po si Sir, Madam. Kumatok na ako kanina pero wala pong sumasagot."
Bumuntong hininga si Natalia bago napasulyap kay Victoria. "Mabuti naman at maaga kang gumising ngayong araw. I thought you will still act like a princess here na kailangan pang ipatawag sa tuwing kakain na."
"Pasensya na po kayo sa inasta ko noong nakaraang araw, Madam Natalia," aniya sa mababang boses.
"Forget it. Let's eat. Lalamig na ang pagkain," anito at nagsimula ng kumain.
Kumain narin si Victoria kahit pa parang ang hirap lunukin ng pagkain kapag kasabay niya ang ina ni Nik.
Nang matapos sila sa pag-aagahan, nauna ng tumayo si Madam Natalia. Humugot naman ng malalim na paghinga si Victoria bago siya nagsalita.
"Madam Natalia, may sasabihin po sana ako."
Dahan-dahan na napalingon si Madam Natalia sa kanya ay umangat ang isang kilay. "What is it?"
"M—magpapaalam lang po sana ako. Balak ko po sanang umuwi sa amin para bisitahin ang Nanay Vicky ko at kumustahin-"
"No."
Napakurap-kurap siya at pinukol ang ginang ng isang nagtatanong na titig. "P—po?"
"You didn't get me? I said no. Hindi ka pwedeng umuwi sa inyo," malamig nitong turan.
Unti-unting nangunot ang kanyang noo. Bawal na nga siyang tumawag sa kanila para kumustahin ang kanyang ina tapos ngayon bawal nadin siyang lumabas?
"Pero Madam Natalia—"
"My decision is final, Victoria. Hindi ka pwedeng lumabas at umuwi sa inyo. Nor you can talk to anyone outside. Makakalabas kalang sa mansion na ito kung hindi ka na magiging asawa ni Nik. But as long as you stay as my son's wife, you will also stay here and only here..."
Umawang ang kanyang labi dahil sa kalituhan. Bakit parang daig pa niya ang isang preso sa bahay na iyon?
Naunang umalis si Madam Natalia sa hapag habang naiwan naman ang asawa nito. Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Don Wilfred bago ito nagsalita.
"You are no longer a normal citizen like before Victoria. Asawa ka na ng gobernador ng La Paz. Marami ang pwedeng mangyari kapag nasa labas ka. We are only after everybody's safety. You may not like it but I hope you understand our point," seryoso nitong turan.
Wala na siyang nagawa pa kundi ang tumango kahit paman labag sa loob niya. "Masusunod po, Don Wilfred."
Tinanguan lang siya ng matandang lalaki bago ito sumunod kay Madam Natalia paalis. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago nilisan ang hapag nang makasalubong siya ng dalawang kasambahay na mukhang hindi nalalayo ang edad sa kanya.
Inihanda niya ang kanyang ngiti para sa dalawa. Mabuti at may kaedad siya sa mansion. Kahit na wala si Jessa sa tabi niya, baka makahanap siya ng kaibigan sa katauhan ng dalawa.
"Hi," nakangiti niyang bati nang tumapat na siya sa mga ito.
Nagkatinginan ang dalawa bago siya pinukol ng isang malamig na titig habang ang isa naman ay inirapan siya.
"Feeling close yarn," sarkastiko nitong turan.
Unti-unting napalis ang ngiti sa kanyang labi. Akala pa naman niya may magiging kaibigan na siya sa mansion para maibsan ang kalungkutan at pangungulila na nararamdaman niya pero hindi pala. Nagkamali pala siya.
"G—gusto ko lang naman makipagkaibigan sa inyo," mahinahon niyang wika.
"Kaibigan? Wala kaming balak makipagclose sa isang gold digger. Baka mamaya mahawaan pa kami sa ugali mo," tila nandidiri nitong sambit.
Humugot siya ng hangin para pakalmahin ang sarili niya. Pakikipagkaibigan ang balak niya at hindi pakikipag-away. Kung ayaw ng mga ito sa kanya ay hindi naman siya mamimilit.
Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago siya nagtungo sa hardin. Dinig pa niya ang bulong-bulungan ng dalawa at hagikgik habang naglalakad siya palayo.
Bumalik na naman ang bigat sa loob na nararamdaman niya. Miss na miss na niya ang Nanay Vicky niya. Kahit paman hindi sila gaanong makasundo, ito ang nakagisnan niya at kasama niya sa araw-araw hanggang lumaki siya. Gusto lang naman niya itong makita kahit saglit lang. Bakit parang kayhirap nun gawin sa ngayon.
At dahil nababagot na siya sa kaisipang panibagong araw na naman ang lilipas na nakatunganga siya, namitas siya ng isang bulaklak at sinimulang bunutin ang mga talutot niyon.
Ilang sandali pa'y bigla siyang nakaamoy ng sigarilyo. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at sinimulang suyurin ang hardin hanggang sa isang bulto ang bigla nalang tumayo mula sa gilid ng landscape.
"Ay kabayo!" Gulat niyang sambit.
Mukhang nagulat din ito sa presensya niya dahil natapon nito ang hawak na sigarilyo. "K—kayo pala Miss Victoria..."
Napakurap-kurap siya. "Kilala mo ako?"
Tipid itong ngumiti bago dinampot ang natapon na sigarilyo. "Bakit naman po hindi eh asawa kayo ni Gov Nik."
"Ganun ba? Pasensya ka na at mukhang nagulat kita," nahihiya niyang sambit.
"Naku, wala yun. Ako nga ang dapat humingi ng dispensa sayo dahil kayo ang nagulat sakin."
Unti-unti na siyang napangiti bago umiling. "Ayos lang. Wag mo ng isipin yun. Nga pala, kaano-ano mo nga pala si Nik?" Curious niyang tanong lalo pa at iyon ang unang beses na nakita niya ang lalaki mula ng dumating siya sa mansion.
"Hindi kami magkaano-ano ni Gov. Ako nga pala si Bryan, isa sa mga driver nila…”