Napatingin si Victoria kay Nik na bumagsak sa tabi niya. Habol nilang pareho ang kanilang paghinga. Magulo ang buhok nito at pawisan ang mukha sa kabila ng aircon sa loob ng silid subalit hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan ng lalaki. Bagkus ay mas lalo pa itong naging kaakit-akit sa kanyang paningin.
Nais niyang hawakan ang asawa niya at haplusin ang mukha nito pero pinigilan niya ang sarili niya sa pag-aalangan na baka pagalitan siya nito.
Ilang sandali pa'y bumangon na ang lalaki at hindi man lang siya sinulyapan. Pinulot nito ang suot na pang-ibaba at isinuot iyon saka balewalang lumabas ng kanyang silid na parang walang nangyari.
Dapat ay nasanay na siya dahil iyon lang naman ang papel niya sa buhay nito pero hindi niya parin maiwasan na masaktan. Kung gaano ito kainit sa tuwing magkasalo sila sa kama, ganun naman ito kalamig pagkatapos.
Gayunpaman, huminga siya ng malalim bago dahan-dahan na bumangon. Pagtayo niya mula sa kama ay nararamdaman niya ang pag-agos ng katas nito sa kanyang binti. Napagpasyahan niyang maglinis muna ng sarili bago siya tuluyang matulog.
At gaya ng utos sa kanya ni Irene, maaga siyang gumising kinabukasan. Matapos niyang makaligo ay nagtungo siya sa kusina para tumulong sa gawain doon.
"Magandang umaga po, Ate Irene," magalang niyang bati.
"Magandang umaga din, Victoria. Ito nga pala ang mga kasamahan natin, siya si Lina at Darwin, cook sila dito sa mansion," pakilala nito sa dalawa na halos hindi nalalayo sa edad nito.
"Siya naman si Yumi, madalas siyang tumulong dito para sa preparation ng pagkain nina Madam Natalia. Ngayon ay dalawa na kayong magtutulong-tulong para mas mapabilis pa ang gawain," dagdag pa nito.
"Nice to meet you po," palakaibigan niyang sambit.
Ngumiti sa kanya sina Lina at Yumi samantalang tango lang ang naging tugon ni Darwin.
"Ang ganda-ganda mo pala, Miss Victoria," magiliw na wika ni Yumi.
Nahihiya naman siyang ngumiti. Yan ang madalas na naririnig niya sa mga nakakakita sa kanya. Naalala niya pa nga noong may nakilala silang bakla ni Jessa sa bayan, ang sabi nito sa kanya ay napaseductive daw ng beauty niya at mukha siyang yayamanin kahit na simple lang naman ang suot niya.
Nais pa nga siya nitong kunin noon sa pageant pero nang magpaalam siya sa kanyang Nanay Vicky, napalo pa siya at nasermonan. At dahil ayaw niyang sumama ang loob nito sa kanya noon, sinunod niya ang kagustuhan ng ginang. Ang tanging pagsuway lang na ginawa niya ay noong napagdesisyunan niyang magpakasal kay Nik.
"Saka nayan, magsimula na kayong maghanda nang sa ganun mapabilis ang trabaho," singit ni Ate Irene sa usapan nila. "Yumi, turuan mo si Victoria sa mga gagawin niya, okay?"
"Okay po, Ate Irene!" Masigla nitong wika.
Nang umalis na si Irene sa kusina ay agad siyang hinila ni Yumi papunta sa countertop. Siya ang nagbalat ng mga bawang at sibuyas habang si Yumi naman sa mga karne. Ang dalawang cook naman ay nagsimula na sa pagluluto.
"Mabuti naman at mukhang may makakasundo na ako dito sa mansion," biglang sambit ni Yumi.
Nag-angat siya ng tingin at kunot noong napatitig sa babae. "Wala ka bang ibang close dito sa mansion?"
Marahan naman itong umiling. "Wala. Yung ibang kasambahay naman okay naman sila kaya lang syempre hindi ko sila kaedad kaya sa isang taon ko dito wala akong kaclose."
Sandaling natahimik si Victoria nang maalala niya ang dalawang kasambahay na nakasalubong niya na halos kaedad lang nila ni Yumi.
"Hindi ba't may dalawa ding kasambahay na halos kaedad lang natin? Yun bang si ano... Layla yata ang pangalan nun."
"Naku! Hindi kami close nun. At mag-iingat ka sa dalawang yun. Palibhasa ang backer nun dito ay ang dating mayordoma dito na matanda na kaya tumigil na sa trabaho kaya malakas ang loob nun mambully. Tsaka favorite ni Madam Natalia ang mga yun. Yung dati ngang kasambahay dito na kasama ko napaalis dahil sa kanila."
Hindi niya mapigilan na mapanguso. Kaya naman pala ang taray-taray ng babae nang sinubukan niyang makipagkaibigan dito.
"Oo nga pala. Hindi ba't asawa ka ni Gov? Bakit biglang naging kasambahay ka dito?" Curious nitong tanong.
Natigilan naman siya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa babae. Tumikhim siya at akmang sasagot na sana nang bigla nalang magsalita si Lina.
"Wag mo muna yang tsikahin si Victoria, Yumi. Trabaho muna," saway nito sa babae.
Napabuntong hininga nalang si Yumi samantalang siya naman, ipinagpatuloy na ang ginagawa niya. Makalipas ang tatlong dalawang oras ay naluto na ang lahat ng ulam na ihahanda sa hapag.
Napanguso siya habang pinagmamasdan ang masasarap na pagkain. Tatlo lang naman ang kakain sa hapag pero daig pa ang may birthday sa dami ng ulam. Kaya naman pala noong unang tungtong niya sa mansion, ang daming pagkain kasi ganito pala talaga ang patakaran sa mansion.
"Victoria, ikaw na ang mag-arrange ng mga ito sa mesa. Ikaw din ang mag-asikaso kina Madam Natalia at Don Wilfred kung sakali na may kakailanganin pa sila," utos ni Lina sa kanya.
Maliksi siyang kumilos at agad na tumalima sa sinabi nito. Matapos niyang maisaayos ang mga pagkain, sunod na dumating sa dining table sina Madam Natalia at Don Wilfred.
"Magandang umaga po," bati niya sa dalawa.
Tango lang ang naging tugon ng ama ni Nik samantalang si Madam Natalia ay tila hindi siya nakita. Napagpasyahan niyang puwesto ilang dangkal ang layo mula sa mesa.
"Pour me some water, Victoria," maya-maya'y utos ni Madam Natalia.
Agad siyang lumapit sa ginang at nilagyan ng tubig ang baso nito gaya ng utos ng babae. Maging si Don Wilfred ay nilagyan narin niya ng tubig ang baso nito bago siya bumalik sa kinatatayuan niya.
Tahimik siya habang pinagmamasdan ang mag-asawa na kumakain subalit nakailang subo palang si Madam Natalia, inihulog nito ang hawak na knife bago lumingon sa kanya.
"The knife slipped. Kumuha ka ng bago," maawtoridad nitong utos.
Agad siyang nagtungo sa kitchen subalit nakailang hakbang palang siya nang magsalita ang ginang. "What are you going to do with the knife on the floor? Hihintayin mo pa ba na masugatan ako bago mo iyan pupulutin?"
Napangiwi siya bago bumalik sa mesa at pinulot ang knife sa paanan ng ina ni Nik.
"Napakadali lang ng trabaho mo, hindi mo pa magawa ng tama," dismayado nitong wika.
Matapos niyang pulutin ang knife, tumayo na siya at bahagya pang yumuko. "Pasensya na po, Madam Natalia. Pag-iigihan ko po ang trabaho ko sa susunod," aniya sa mababang tono.
Habang pabalik siya sa kitchen, hindi niya maiwasan na mapasimangot. Ipinakasal siya nito sa nag-iisa nitong anak kahit ayaw nito sa kanya. Ginawa siya nitong kasambahay para lang pagdiskitahan. Pwede naman sanang hindi nito ihulog ang knife pero sinadya talaga ng ginang!
Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili niya bago bumalik sa kusina dala ang panibagong knife. Sakto naman at kakababa lang ni Nik. Bahagya pa itong nagulat nang makita siya.
"What's the meaning of this? Why is she wearing the mansion's servant's uniform?" Tanong nito kasabay ng pag-upo nito sa hapag.
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Madam Natalia bago hinarap ang anak nito. "Naisip ko lang na wala naman siyang ginagawang masama sa bahay na ito, so why won't she help the household chores in-exchange for her stay and the food she consumes hindi ba?"
Napakurap-kurap si Nik bago napalingon sa kanya. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin dahil sa pagkapahiya.
Isang mahinang tawa ang kumawala sa labi ni Nik bago ito nagsalita. "Ganun ba? Then what are you waiting for, Victoria? Come here and serve your new boss…”