Kabanata 22

1343 Words
Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi bago dahan-dahan na lumapit kay Niklaus. Nilagyan niya ng kanin ang pinggan ng lalaki pati narin tubig ang baso nito. "A—anong gusto mong ulam?" Mahina niyang tanong. "Don't you know how to use honorific? Ngayong kasambahay ka na, you must call me Sir," anito sa mapang-uyam na boses. Napatikhim siya bago muling nagsalita. "Ano pong ulam ang gusto ninyo, Sir?" Pag-uulit niya. Parang nais na niyang maiyak. Pakiramdam niya pinaglalaruan siya ng lalaki. Pero wala naman siyang magawa dahil wala siyang kalaban-laban. Baka kapag nagreklamo siya mas mapagalitan pa siya. "I want the smoked salmon and duck confit," maawtoridad nitong utos. Napakurap-kurap naman siya. Hindi siya pamilyar sa pangalan ng mga pagkain na nakahain sa mesa kaya naman napakamot siya ng noo. Agad na tumikwas ang isang kilay ni Nik bago siya pinagtawanan. "Hindi mo alam kung ano ang sinasabi ko?" Sa pagkakataon na iyon ay labis na nangapal ang kanyang mukha sa hiya lalo na at natanaw niya ang ilang pang mga kasambahay na nakamasid sa kanila. "P—pasensya na po kayo, Sir. Ngayon lang po kasi ako nakaencounter ng ganyang klaseng pagkain," pagtatapat niya. Muli itong natawa bago napailing. "Nevermind. I will starve to death kung ikaw ang uutusan ko," anito at inalis na ang na ang atensyon sa kanya. Nakayuko namang siyang lumayo sa mesa at bumalik sa pwesto niya. Alam niyang pinagmasdan siya ni Madam Natalia kaya't mas lalo lang siyang nakaramdam ng panliliit. Nang matapos na kumain ang mga ito ay isa-isa naring nagsialisan ang tatlo. Si Nik ang pinakahuling tumayo mula sa upuan nito at naglakad pa palapit sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang baba para iangat ang kanyang mukha. "You are terrible at your job," anito bago siya tuluyang iniwan. Nanatili siyang nakatayo sa kinaroroonan niya. Kung hindi pa siya sinundot ni Yumi, hindi pa siya babalik sa huwisyo niya. "Ayos kalang ba?" Masuyo nitong tanong. Bakas ang awa sa mukha ng babae para sa kanya. Maging siya ay naaawa narin sa sarili niya. Akala niya noon, kagaya sa palabas ang magiging buhay niya kapag natupad ang pangarap niyang maikasal kay Nik pero sa pagkakataon na oyon6, napagtanto niyang napakahirap palang makibagay kapag hindi kayo pareho ng estado sa buhay. Tama si Andrea, langit si Nik at lupa siya. Kahit kailan naman hindi humalik ang langit sa lupa. Kung maibabalik lang niya ang panahon, mas pipiliin niyang sundin ang utos ng Nanay Vicky niya dahil tama ito. Hindi siya tatratuhin ng maayos ng pamilya ni Nik at maging si Niklaus mismo. "Okay lang ako, Yumi," pagsisinungaling niya. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Yumi bago nito tinapik ang kanyang balikat. "Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang trip ng mga boss natin. Bigla ka nalang pinakasalan tapos gagawin ka namang kasambahay. Ang gulo-gulo!" Huminga siya ng malalim bago tipid na ngumiti at umiling. "Wag mo ng isipin yan. Magtrabaho na tayo," aya niya sa babae at nagpatiuna na sa pagliligpit ng pagkain. Nang araw na iyon ay hindi siya kay Nik nakisabay kumain kundi sa mga kasambahay. Isang simpleng ulam lang ang para sa kanila, hindi kagaya ng pagkain nina Madam Natalia. "Ows, baka hindi kumain niyan si Victoria. Hindi ba nasanay nayan sa masasarap na ulam sa ilang araw niyang pananatili dito?" Mapangutyang sambit ni Layla na may kasama pang nakakalokong ngisi. "May choice pa ba siya? Eh hindi naman pala siya asawa kundi maid. Kawawa naman. Ang taas kasi ng lipad. Akala niya maloloko niya talaga sina Gov. Si Madam Natalia pa ba," segunda naman ng kasama nito at binuntunan din ng tawa. Maging ang iba pang mga kasambahay na kasama nila na hindi pa pamilyar sa kanya ay nakikitawa narin. Mas lalo lang siyang nakaramdam ng panliliit sa sarili niya. Parang nais na niyang tumakbo palabas ng mansyon at wag ng bumalik pa. "Oy itigil niyo yan ha. Hindi maganda yang may pinagtatawanan kayo," saway ni Lina sa mga ito. "Ito naman si Ate Lina, napaka-killjoy nagkakatuwaan lang naman kami," pagdadahilan ni Layla. Huminga siya ng malalim bago ipinagpatuloy ang kanyang pagkain. Hangga't maaari ay ayaw niyang makakita ng gulo. Baka mas lalo lang na hindi siya magustuhan ni Madam Natalia kapag nakipag-away siya sa mga ito. "Kahit na. Itigil niyo na yan at baka yan pa ang pagmulan ng away," mahinahon subalit maawtoridad na wika ni Ate Lina. Napairap si Layla sa hangin habang ang kasama naman nito ay napaismid sa kanya. Agad niyang tinapos ang kanyang pagkain at tumayo na sa hapag. "Mauuna na po ako, Ate Lina, Kuya Darwin, Yumi," paalam niya bago nagtungo sa lababo at hinugasan ang pinagkainan niya. Lumabas na siya ng kusina at nagtungo sa labas. Bilin sa kanya ni Ate Irene kanina ay kailangan niyang magdilig ng halaman. Kinuha niya ang hose at nagsimula ng paulanan ng tubig ang mga maliliit na halaman na nasa paso. Subalit habang nagdidilig siya, muli na namang nanumbalik sa isipan niya ang pamamahiya ni Nik sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay napaiyak na siya sa sama ng loob. Siguro mas mainam pa na palayasin nalang siya kaysa ganito ang trato sa kanya. Tapos hindi pa siya pwedeng umuwi. Hindi niya rin makausap si Jessa para sana kahit papaano gumaan ang kalooban niya. At dahil malalim ang iniisip niya, hindi niya namalayan na napatulala na pala siya habang naka-on parin ang hose. Napapitlag nalang siya nang bigla nalang may humawak sa braso niya at itinuon sa halaman ang pandilig. Marahas siyang napalingon sa kanyang tagiliran at nakita ang isang pamilyar na mukha. "Bryan!" Nasorpresa niyang sambit. "Tinulungan na kita, tulala ka kasi," natatawa nitong wika. Napakurap-kurap siya bago muling nakapagsalita. "Naku! Pasensya ka na. Hindi ko namalayan," awkward niyang tugon. Hindi muna nagsalita su Bryan bagkus ay inabutan siya nito ng isang panyo. "Pahiran mo muna yang luha mo. Baka sabihin nila dito na pinaiyak ko ang asawa ng boss ko. Masesante pa ako." "Hindi na," tanggi niya pero mapilit ang lalaki. Nahihiya niyang tinanggap ang panyo at nagpasalamat saka marahan na pinahiran ang luha sa kanyang pisngi. "Wag kang mag-alala, kahit na makita ka nila na inaaway ako hindi naman sila magagalit. Baka matuwa pa," naiiling niyang bigkas. "Grabe. Hindi naman siguro," anito bago siya sinulyapan. Ilang sandali pa'y kumunot ang noo nito habang pinagmamasdan ang damit niya. "Bakit ganyan ang suot mo?" Napatingin naman siya sa damit na ibinigay ni Irene sa kanya bago nag-angat ng tingin kay Bryan. "Ah, eto ba? Kasambahay na kasi ako ng mansion kaya may uniform nadin ako." Kita niya ang gulat sa mukha nito. "Seryoso ka ba, Miss Victoria?!" Hindi makapaniwala nitong sambit. Tipid siyang ngumiti bago tumango. "Oo." "Pero diba asawa ka ni Gov?" Nalilito nitong tanong. "Kasambahay na asawa." Ilang sandali siya nitong tinitigan bago mahinang natawa. "Woah! Kakaiba yun ah. May ganyan pala? Kasambahay na asawa?" Naiiling pa nitong bigkas. Agad niyang iniangat ang kanyang palad at inilagay sa kanyang baba. "Syempre meron. Nakikita mo ako hindi ba?" Muli na naman itong natawa. "Oo nga no? Posible pala ang ganyan. Sabagay, iba talaga mag-isip ang mayayaman. Minsan mapapaisip ka kung normal pa ba ang takbo ng utak nila." Bigla naman siyang napaisip sa sinabi ni Bryan. "Ganun ba talaga kapag mayaman?" Agad naman itong tumango. "Yun ang sa pagkakaalam ko. Palibhasa marami silang pera. Kaya nilang gawin kahit anong gusto nila." Napatango-tango naman siya. Kaya naman pala kaswal lang kay Madam Natalia at Nik na pagdiskitahan siya. Mapera ito samantalang siya wala nga kahit piso sa bulsa niya. "Pero curious ako, paano mo nalaman ang ganyan?" "Ilang tao narin akong driver Miss Victoria. Kahit noong menor de edad pa ako sumasama na ako sa tatay ko na driver din sa isang mayamang pamilya sa Maynila. Kapag nasa siyuad ka, doon mo makikita kung gaano kabaliw ang mga anak mayaman." Agad na nabuhay ang kanyang kuryosidad. "Maganda ba doon sa Maynila?" Tumango naman si Bryan. Akmang magsasalita na sana ang lalaki subalit naunahan ito ng isang pamilyar na boses mula sa likuran nila. "I have been looking for you, Victoria…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD