PRIAM “Daddy!!” Napahawak ako sa dibdib nang malakas na tawagin ako ni Rouie. I just can’t concentrate anymore after seeing what Nyx was doing in her room! Kaya kahit kanina pa ako nakabalik dito sa opisina ko ay hindi na ako makabalik sa ginagawa ko. Gusto ko lang sana siyang tawagin para samahan muna si Rouie sa kwarto dahil mamaya pa ako matutulog. Hindi ko naman akalain na may ginagawa siya sa loob. And f**k! She did not even lock her room! “Daddy!!!” Mas malakas akong tinawag ni Rouie at lumapit pa talaga siya sa akin kaya halos manakit ang tenga ko sa lakas ng sigaw niya. “What is it, Rouie?” Kunot noong hinarap ko siya. Salubong ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin. “Why are you spacing out a lot, Daddy? You are not even working!” Kunot noong reklamo niya. Umayos ako

