NYX Sa halos isang linggo na pag-stay ko dito sa bahay nina Priam ay mas lalo kong nakilala si Rouie. She may be spoiled but she knows how to be considerate and sensitive. May mga pagkakataon na wala talaga siyang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao pero kapag sinasabihan ko siya at kinakausap ng seryoso ay alam kong nakikinig siya sa mga sinasabi ko. Kagaya na lang kanina na sinigawan niya ang assistant ng Daddy niya dahil lang ginawa nito ang trabaho nito kay Priam. Sa isang linggo na kasama ko silang mag-ama ay unti-unti kong napagtanto kung bakit palaging nakadikit si Rouie sa Daddy niya. And it’s because she doesn’t want to be left behind. Kaya kahit na batang-bata pa siya ay pinipilit niya na makatulong kay Priam. Ang akala ko ay kaya parati siyang nasa loob ng opisina ng Daddy

