End Everything

1627 Words
NYX I just got out of the shower when I heard my phone beeped. Bago na naman ang phone ko dahil sa tuwing sisirain ni Kiran ay pinapalitan niya rin ng bago. Noong unang beses na nagalit siya sa akin at sinira niya ang phone ko ay halos hindi ako nakatulog sa sobrang gigil sa kanya. Ni hindi ko magawang umiyak dahil mas gusto kong sakǎlìn na lang siya sa isip ko. Pero ngayon na tatlong taon na niyang paulit-ulit na ginagawa ang gano’n ay hindi na ako nag aaksaya ng emosyon. Watching him venting out his frustration on anything he can reach is just a normal sight to see. Sanay na ako at mas natatakot ako na wala na akong takot at pakialam na nararamdaman sa tuwing nagagalit siya sa akin. Baka mamaya ay sa sobrang kawalan ko ng pakialam sa mga ginagawa niya ay may ibang tao na palang napahamak dahil sa akin. Yumuko ako at pinulot ang phone ko. Wala namang ibang magsesend ng message sa akin ngayon kundi si Kiran lang. Ngayong gabi bibisita ang mga kaibigan niya sa kanya na galing pa sa Germany at gusto niya akong ipakilala sa mga ‘yon kaya kailangan kong sumama sa dinner nila. Asshǿle: Be here at Red Lily before 7 pm or else you will see someone get hammered because of you. “Get lost, āsshole!” Inis na bulalas ko habang nagtatype ng reply sa kanya. Me: I’ll be there! Nakairap na binitawan ko ang phone ko at saka nagpatuloy sa pagbibihis. Alas sais pa lang pero gusto kong dumating ng mas maaga sa Red Lily dahil ayaw kong makipag away kay Kiran ngayong gabi. Nag-aalala ako kay Zia dahil hindi siya pumasok sa hospital ngayong araw. Hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko pero kanina ay nag iwan siya ng message na masama lang ang pakiramdam niya at kailangan niya lang na magpahinga buong araw. Tatlong taon na kaming magkaibigan at sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa ay kahit na hindi siya nagsasalita ay nararamdaman ko may hindi siya sinasabi sa akin. I know it’s quite weird but me and Zia have that connection that it’s hard to explain. Palagi niyang sinasabi sa akin na kung hindi lang daw niya kilala ang kakambal niya ay iisipin niya na ako talaga ang kakambal niya dahil unang kita pa lang namin ay meron na kaagad kaming koneksyon na hindi maipaliwanag. If soulmates are true, then perhaps Zia and I are soulmates. Bago ako umalis sa bahay ay nag-aalala pa rin ako kay Zia kaya nag-iwan ako ng message sa kanya. Me: Hey, Zia! What’s up? Are you feeling better? I’m on my way to meet Kiran and his friends. We will have dinner near your place. I can drop by if you want. Kung papayag siya na dumaan ako sa unit niya sa Skyline Villa ay kayang-kaya kong gawan ng paraan na makatakas sa bodyguard. Paglabas ko sa kwarto ay napamura ako sa gulat nang makita si Kuya Filipp na nakatayo sa harapan mismo ng kwarto ko! Mariing napapikit ako at gigil na tiningnan siya. He’s topless and looked like he just got out of the gym! Kumikintab pa sa pawis ang leeg, dibdib at mga braso niya kaya alam kong galing siya sa gym na nasa baba lang mismo nitong bahay namin! “Why the hell are you standing there like you’re fūcking ready to attack whoever coming out of this room, Filipp Larsen?!” bulalas ko. Kapag may kailangan siya sa akin ay siya mismo ang lalapit at hindi basta lang maghihintay sa akin kaya nakakagulat na makita siyang nakatayo dito sa labas ng kwarto ko at mukhang naghihintay lang na lumabas ako! “You’re just overreacting,” depensa niya at saka tumitig sa akin kaya tumaas ang kilay ko. “What is it? What do you want, huh?” sunod-sunod na tanong ko. Hindi ako sanay na parang nag aalangan pa siya na sabihin sa akin ang sasabihin niya. Nakita kong bumaba ang tingin niya sa katawan ko at kumunot ang noo. “Are you going somewhere?” usisa niya. Umismid ako at saka nagkibit balikat. Siguro ay hindi pa siya gaanong pinepeste ng fiancée niya dahil mukhang busy pa sa pag-aaral sa Germany ang babaeng ‘yon. “I’m having dinner with that āsshole,” sagot ko. “Are you constantly going out with that bastard?” usisa niya. Muling umismid ako at hindi nagsalita. Narinig kong nagmura siya at saka hinawakan ang braso ko. Kumunot ang noo ko nang humigpit ang kapit niya sa braso ko kaya nag angat ako ng tingin sa kanya. Halatang iritado siya habang nakatingin sa akin. “Kuya–” “Don’t tell me that son of a bìtch is forcing you to sleep with him, Nyx–” Namilog ang mga mata ko at saka agad na umiling sa kanya. “Of course not, Kuya! Why the hell would I let that āsshole sleep with me?!” Mariing bulalas ko at saka hinawi ang braso niya. The last time I slept with someone was three years ago–No! I did not even sleep with him! Sa loob ng comfort room nga lang namin ginawa at sobrang bilis pa! “Tell me right away if that motherfūcker would try to touch you,” mariing paalala niya na agad kong tinanguan. Gigil na gigil siya at hindi ko alam kung bakit naisip ni Kuya Filipp na gagawan ako ng masama ni Kiran. Well… Kiran is really capable of doing that. Pero hindi pa naman niya sinusubukan na gawin sa akin kaya hindi ko pa naiisip ang bagay na ‘yon. “Nandito na siya, Kiran. Ihahatid ko na dyan.” Palapit pa lang ako sa sasakyan ay narinig ko na ang bodyguard na kausap si Kiran sa phone. Hindi ko siya pinansin at basta na lang pumasok sa loob ng sasakyan. Habang nasa byahe kami papunta sa Red Lily ay tingin ako nang tingin sa phone ko para tingnan kung nagreply na ba si Zia sa akin. Hindi ako mapakali at ayaw kong balewalain ang nararamdaman kong kaba kaya nang nasa lobby na ako ng Red Lily ay sumubok pa akong tawagan si Zia para siguraduhin na okay lang siya. After so many attempts to call her and she didn't answer, I decided to just go to her place to personally check on her. Alam kong mahihirapan akong tumakas lalo na at nandito na ako sa Red Lily kaya agad na nag isip ako ng paraan para makalabas dito at mapuntahan si Zia sa unit niya. “Babayaran kita basta pahiramin mo lang ako ng uniform mo.” Isang staff ng hotel ang inalok ko para magpahiram sa akin ng pwede kong gamitin para makalabas dito sa hotel na hindi napapansin ng mga bodyguards sa labas. Nang pumayag ang staff ay agad akong nagpalit ng damit at saka nakisabay sa ilang staff na palabas dito sa hotel. Agad na sumakay ako taxi at nagpahatid sa Skyline Villa kung saan ang unit ni Zia. Habang nasa byahe ay hindi ako tumigil sa pagtawag sa kanya pero hindi niya talaga sinasagot ang mga tawag ko. Sobrang nakakapagtaka ‘yon dahil kahit kailan ay hindi nag silent ng phone si Zia. She would rather take her phone off than put it into silent mode! Nagmamadaling bumaba ako sa taxi at saka agad na pumasok sa Skyline Villa. Kilala na ako dito dahil kay Zia kaya hindi na ako nahirapan na makapasok. Habang nasa elevator paakyat sa unit niya ay nanlalamig ang mga palad ko sa kaba. Hindi ko maipaliwanag pero sobrang kinakabahan ako ngayon. Pagtunog pa lang ng elevator ay bumaba kaagad ako at halos takbuhin na ang hallway papunta sa unit ni Zia. Kahit ang code sa pinto nitong unit niya ay ko kaya agad akong pumindot sa security panel para makapasok sa loob. “Zia?!” Agad na tawag ko pagpasok pa lang sa loob ng unit niya. Tahimik na tahimik ang buong unit pero alam kong nandito siya dahil wala naman siyang ibang pupuntahan kundi dito lang. Bihirang bihira siyang umuwi sa bahay nila kaya hindi ako nagdalawang isip na dito siya puntahan. “Zia! I'm here! Where are you?!” Inuna kong puntahan ang kwarto niya dahil natanaw ko na wala siya sa living room. Pagbukas ko sa kwarto niya ay napasinghap ako dahil nakabukas ang pinto papunta sa balcony kaya agad na naglakad ako papunta doon. “Zia—” Napamura ako nang malakas nang naabutan siya sa pinaka gilid ng balcony at nakaupo sa railings! “Z-Zia! Hey!” tawag ko pero hindi siya lumilingon sa akin. I felt like my heart was on my throat while looking at her trying to jump off the balcony! “Zia!” Malakas na tawag ko at hindi na nagdalawang isip na lapitan siya nang makita kong itataas na niya ang mga kamay niya at mukhang tatalon na! Buong lakas na niyakap ko ang bewang niya at saka hinila siya pababa. Hindi naman siya pumalag pero nang makita ko ang mukha niya ay parang may kung anong tumusok sa dibdib ko. Putlang-putla ang mga labi niya. Halatang hindi siya nakatulog dahil parang bibigay na ang mga mata. “Zia! What the hell?!” Naiiyak ako sa galit at pag aalala habang yakap-yakap siya. “N-Nyx… I wanna dìe. I wanna end everything here. Please… Let me just dìe, hmm?” Kitang-kita ko ang pagmamakaawa sa mga mata niya kaya tuluyan na akong napaiyak at mas humigpit ang yakap sa kanya. “No! Don't dìe, Zia! I will dìe if you dìe! Do you understand that?! Mamąmątąy din ako kapag namątąy ka!” Umiiyak na bulalas ko habang mas humihigpit ang yakap sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD