Twin Brother

1817 Words
3 years later… Van Doren General Hospital NYX Napapakunot noo ako at aminado akong nadidistract sa pakikipag-usap sa mga magulang ng baby na kasalukuyan kong chinecheck up. Kanina pa vibrate nang vibrate ang phone ko. Bago pa ako magpapasok ng susunod na pasyente ay sinabihan ko na si Kiran na mamaya na kami mag-usap dahil may trabaho pa ako. Pero mukhang wala talagang balak ang sira ang ulo na lalaking ‘yon na tumigil sa pamemeste sa araw ko dahil lang hindi ako nakasipot sa dinner namin kagabi kasama ang mga katrabaho niya! “Sūck your rotten dìck, mǿtherfūcker…” Gigil na bulong ko at saka nag concentrate sa ginagawa kong pakikipag usap sa mga magulang ng pasyente ko. I gently placed the stethoscope on the baby’s chest and listened intently. “His heart rate is strong and steady,” sambit ko at saka sumulyap sa mga magulang ng bata. “His lungs sound clear, too…” “Really, Doc?” tanong ng ina ng bata. I just nodded and immediately checked the baby’s weight and height. “Hmm! I guess you are feeding him well. He is gaining weight fast,” komento ko at saka ipinasa ang bata sa nurse na nag-aassist sa akin bago muling binalingan ang mga magulang ng bata. “Let us talk about vaccinations. We can schedule his next set–” Napatigil ako sa pagsasalita nang basta na lang kumatok sa nakabukas na pinto ng clinic ko dito sa Van Doren Hospital ang isa sa mga bodyguards ni Daddy na palaging naghahatid-sundo sa akin. The fact that my dad doesn’t want me to learn how to drive is already pissing me off. Bago pa lang ako pumasok sa medical school ay pinagbawalan na akong mag-aral na magmaneho kahit na gustong-gusto ko sanang matutong mag drive dahil mas convenient at hindi hassle sa pagpasok at pag-uwi galing sa school. Pero pinipilit niya na distraction lang daw sa pag-aaral ko kung matututo akong mag drive dahil baka kung saan-saan lang ako pumunta kasama ang mga kaibigan ko. Ang akala ko ay magbabago rin ang pananaw ni Daddy pagkatapos kong mag-aral. Pero hanggang sa naging ganap na akong doktor ay hindi niya pa rin ako pinayagan na matutong magmaneho. As time goes by, I am feeling like I am getting close to losing my freedom. Habang tumatagal ay palala nang palala at pahigpit nang pahigpit ang pagdidisiplina ni Daddy sa akin. It is quite suffocating, to be honest. Kahit na ang pagpili ko ng hospital kung saan ko gustong magtrabaho ay kinokontrol niya. Kung hindi ko lang talaga mahal ang trabaho ko ay hindi ako magtitiis na magtrabaho sa hospital na pag-aari ng mga Van Doren. Being in a toxic and forced relationship with Kiran Van Doren is already draining, let alone work in a place where escaping from his damn shadow is quite impossible! “What is it?” Pigil na pigil ang inis na tanong ko sa bodyguard ni Daddy. Mukhang wala siyang balak na umalis kahit na nakikita naman niya na may pasyente pa ako! “Tumatawag daw si Kiran sayo. Sagutin mo daw agad dahil wala siyang balak na maghintay kung kailan mo sasagutin ang tawag niya.” Nakita kong napatingin sa akin si Leesha, ang pediatric nurse na madalas na kasama ko dito sa clinic. She’s already with me the moment I started my pediatric residency here. Siya ang parating nakakakita at nakakarinig sa mga iringan namin ni Kiran sa tuwing pupunta siya dito sa hospital. Bukod sa bestfriend kong surgeon na si Zia ay si Leesha ang isa sa nakakaalam kung gaano ko sinusuka ang pagkakaroon ng koneksyon sa mga Van Doren. “I am still working. Can’t you see that I have a patient here?” Mariin at gigil na sambit ko. Hiyang-hiya ako sa mga magulang ng pasyente ko. Well, this isn’t the first time that this kind of humiliation happened to me. Sa totoo lang ay madalas na may ganitong eksena dito sa clinic ko at nakakahiya na talaga sa mga nakakarinig na pasyente pero baka nasanay na talaga ako sa kahihiyan na binibigay ng pamilya Van Doren sa akin kaya kumapal na ang mukha ko at hindi na gaanong tinatablan ng kahihiyan. “Unahin mo nang sagutin ang tawag ni Kiran. Alam mo namang mas importante pa siya sa kahit na ano,” mariing katwiran ng bodyguard kaya tuluyang naglapat ang mga labi ko dahil sa tindi ng nararamdaman na gigil. These bunch of idiots don’t know how to really read a room! Manang-mana talaga ang mga tauhan ng mga Van Doren sa kanila. Mga walang modo! “Mamaya na sabi. Tatapusin ko lang ‘to,” mariing sambit ko at saka pilit na nginitian ang mga magulang ng pasyente ko. “I’m sorry about that,” agad na paumanhin ko at saka ipinagpatuloy ang pakikipag usap sa mga magulang ng pasyente ko. “As I was saying… we can schedule his next set of vaccination in a couple of weeks–” Muling napatigil ako sa pagsasalita nang narinig ang mariing mura ni Kiran sa labas nitong clinic ko. Nakita kong gumalaw ang bodyguard at saka sumalubong sa kanya pero nakarinig na naman ako ng tunog ng pagpalo o pagsipa kaya alam kong nanakit na naman si Kiran ng tauhan nila! “Nagtatrabaho pa daw siya–” “Sa tingin mo may pakialam ako?!” Iritadong pigil ni Kiran sa pagpapaliwanag ng bodyguard. “Leesha,” tawag ko sa kasama ko at saka sinenyasan siya na siya na ang makipag usap sa mga magulang ng pasyente ko dahil siguradong magtatalo na naman kami ni Kiran kapag pumasok siya dito. “Okay, Doc.,” sambit ni Leesha at saka kinausap ang mag-asawa. “Dito na lang po tayo, Sir, Ma’am…” Saktong paglabas nila Leesha ay pumasok naman si Kiran na mariin na kaagad ang tingin na ipinupukol sa akin. Hindi ako nagpasindak sa galit niya. I am quite used to seeing him lashing out. Tatlong taon ko na siyang pinagtitiyagaan kaya imposible na hindi pa ako masanay. “Where the hell is your phone?” tanong niya at saka iginala ang tingin sa ibabaw ng table ko. Walang pagdadalawang isip na lumapit siya doon at saka pinulot ang phone ko at saka tumingin sa akin. Hinagis niya at pinaglaruan sa kamay ang phone ko habang nakatingin sa akin. Tiningnan ko lang siya. “Anong silbi ng phone na ‘to kung hindi rin lang kita makakausap kung kailan ko gusto?” nakataas ang kilay na sambit niya at saka walang pagdadalawang isip na hinagis sa pader ang phone ko. Basag ang screen pero buo pa pero siguradong hindi ko na magagamit. Nagkibit balikat ako habang nakatingin sa kanya. Hindi na bago sa akin ito kaya kahit na magwala pa siya dito sa clinic ko ay hindi na ako nasisindak. “Hindi ba sinabi sayo ng bodyguard na may pasyente pa ako–” “The hell I care if you have a patient!” Mariin na pigil niya at saka lumapit sa akin. “My friends from Germany will visit me the day after tomorrow. We will have dinner at Red Lily. Subukan mong hindi na naman sumipot. Your dad is one call away, Larsen. Stop testing my patience,” mariin at halatang gigil na babala niya at saka nagmura at tinadyakan ang table ko. Hindi pa siya nakuntento sa basta pagsipa lang sa table ay hinawi pa ang mga papeles na nasa ibabaw at walang itinira na kahit isa sa mga naka display doon. Basag lahat pero hinayaan ko lang siya. “Nyx…” Napatigil sa pagpasok dito sa clinic ko si Zia nang makita ang ginagawang pagwawala ni Kiran. Tumigil si Kiran nang makita siya at saka naglakad palapit sa akin. “Your dad is just a bullet away from getting himself killed because of his insolent daughter. ‘Wag mong sagarin ang pasensya ko sayo!” Mariin at iritadong bulong niya sa akin bago sumulyap kay Zia at tuluyang lumabas dito sa clinic ko. “Are you okay, Nyx?” Bakas na bakas ang pag aalala sa mukha niya nang lumapit sa akin. Kahit gaano katindi ang iritasyon ni Kiran sa akin ay hindi pa naman niya ako nagawang pagbuhatan ng kamay kaya nagkibit balikat ako at saka nakangising tiningnan si Zia. We became best friends when I started my residency here at Van Doren Hospital. Matanda siya ng tatlong taon sa akin at kaedad lang ni Kiran pero kung mag usap kami ay parang mas matanda pa ako sa kanya. Zia is quite timid and softhearted. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sa lambot ng personality niya ay kinaya niya na maging isang neurosurgeon. “Hey! I heard you are taking a break from opening some skulls?” Nakangising biro ko. Tumawa siya nang mahina. “Yeah. I’m attending CME seminars abroad,” tipid na sagot niya. Ngumuso ako at saka hinawakan ang kamay niya. “Do you wanna spend the weekend with me?” Nakangising tanong ko. Kumunot ang noo niya kaya mas lalong lumuwag ang ngisi ko. “Let's go to the bar tonight! Tsaka ‘di ba ang sabi mo ay tuturuan mo akong mag-drive? Let’s do that this weekend, Zia! I’m bored!” Napasimangot siya at saka umiling sa akin. “I’m afraid we can’t do that this coming weekend, Nyx,” sambit niya. Umungol ako. “Why? But I want to spend the weekend with you!” Agad na reklamo ko. Umiling siya nang sunod-sunod. “I can’t, Nyx–” “Bakit nga?” pangungulit ko. “I’ve mentioned to you about the arrival of my twin brother, right?” “What the heck? So, darating na talaga siya? Tuloy na tuloy na ba talaga? Hindi ba pwedeng doon na lang siya tumira sa US para walang kontrabida sa pag gala natin?” reklamo ko. Kahit na hindi ko pa naman nakikilala ang kakambal niya ay hindi ko na agad siya gusto dahil sa mga kwento pa lang ni Zia ay parang masyado nang kill joy ang kakambal niya. Tumawa lang siya dahil sa naging reaksyon ko. “He doesn’t have plans of staying here for good, Nyx. Mabilis namang ma-bored si Priam kapag nandito siya sa Pilipinas kaya matagal na siguro yung isang buwan na nandito siya,” paliwanag niya at saka ngumiti sa akin. “Nyx…” mahinang tawag niya sa akin. Halata ang pag aalangan sa mga mata niya kaya kumunot ang noo ko. “Why? May sasabihin ka ba sa akin?” usisa ko. Tumitig siya sa akin at saka alanganing umiling at saka yumuko at pinisil ang palad ko. “I-I’ll just tell you some other time…” mahinang sambit niya. Tumango lang ako at saka ngumiti sa kanya kahit na nararamdaman ko na parang may mali sa mga ikinikilos niya nitong mga nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD