RAD Hindi ko na alam kung anong dapat gawin. Hindi ko naisip na maaaring magbunga yung isang gabi pagkakamali. Isang linggo na akong hindi pumapasok sa trabaho dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay. Isang linggo na akong tinatanong ni Mika kung anong problema ko at ayokong makipagkita sa kanya. Wala akong mukhang maiharap sa mahal ko. Nagpunta ako sa OB para makasigurado, noong nagcongrats siya sa akin ay napangiti lang ako ng pilit. Magiging nanay ka na. Apat na salita, apat na salitang dumurog sa puso ko kasi mali, at hindi dapat. Pagkalabas ko ng pintuan ng kanyang clinic ay nag-unahan na ang luha ko, agad akong napahawak sa bibig ko sinusubukan pigilan ang mga hikbinng nagbabadyang kumawala. Iyak lang ako nang iyak nitong mga nakaraang araw, hindi ko na alam kung ano ba

