Den Sa mga narinig ko kay Raine ay nanghina ako, hindi ko alam kung sino ang dapat kong suportahan, si Mika ba na naging kaagapay ko noong nahihirapan ako or si Raine na matagal ko ng kaibigan. Ramdam ko naman ang pagsisisi niya sa nangyari, naniniwala ako sa lahat nang sinabi niya dahil kilala ko ang kaibigan ko, hindi siya sinungaling. Kitang kita ko rin yung pinagbago nang mga ngiti niya simula ng maging sila ni Mika, her eyes becomes very expressive whenever she looks at her with adoration kaya hindi ako nagdududa na sobrang mahal niya si Mika. "Sure kang dito ka lang?" tanong ko kay Raine nang maihatid ko siya sa bahay niya. Tumango naman siya at mukhang drain na drain na siya kaya napailing na lamang ako. "You need some rest. Ang daming doctor na nakapaligid sayo pero haggard ka n

