"Eloise," pgatawag ni Arkie sa dalaga at tinapik ang table nito gamit ang kanyang daliri habang nagsusulat ito ng notes "Hmm?" tugon ni Eloise habang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang binata. "She'll meet you later at the mall," sambit nito. Gulat na napatingin si Eloise sa gawi ni Arkie. Nakalimutan niya na ngayong araw pala ang pagkikita nilang dalawa ni Sarfel. "What's with your reaction? Don't tell me, nakalimutan mo?" nagdududang saad ni Arkie. She apologetically smiled at him and she hold the back of her nape, "Kinda." "Eloise!" may bahid na inis na singhal ni Arkie sa kanya. "No! It doesn't mean na hindi ako makikipagkita sa kanya. Niyaya kasi ako ni Jianne na pumunta sa mall mamaya at kumain sa Jollibee. I was trying to say, if okay lang ba sa kanya na may iba akon

