"Asus! Si Voltaire na naman 'yan, no?" nanunukso nitong wika. Agad na tumaas ang ibabang labi ni Eloise upang ipakita na mali ang iniisip nito. "Siya agad? Tsk!" asik niya rito. "Kung hindi siya, sino?" usisa ni Jianne habanf nalalakad sila sa kabilang hagdan na siyang nagkokonekta sa likod ng building. "Iyong batang nagbigay sa 'kin ng kuwentas," simpleng sabi ni Eloise. "Anong kuwentas? Iyong asul na bato?" tanong niya habang nakatingin dito. "Hmm," tugon ni Eloise at tumango siya. "Hindi pa rin kayo nagkikita?" she asked. Eloise shook her head. "Gusto kong tanungin si Mama tungkol sa batang lalaki na 'yon. Pero, alam ko naman na hindi na nila 'yon maaalala pa dahil sa labing isang taon na ang nakalipas," malungkot na wika ni Eloise at napabuntong hininga. Nanghihinayang siya

