"Briahlee at Livia" sagot ni Jianne na walang pag-aalinglangan. Agad na gumapang ang galit sa buong pagkatao ni Cris nang makumpiram niya na tama nga ang kanyang hinala. As much as he want to avenge Eloise, hindi niya na lang binalak pa dahil tiyak na hindi papayag si Eloise. “Sinabi mo na ba ito sa kanila?” pagtutukoy ni Cris sa tatlong lalake. Umiling si Jianne, “Hindi pa.” Pinaghalong inis at awa ang naramdaman ni Cris habang nakatingin sa walay malay na si Eloise. Dahil hindi man lang ito nanlaban sa ginawa ng mga iyon sa kanya. He clenched his fist na parang manununtok na siya and gritted his teeth. Lumabas siya sandali ng kuwarto upang bumili ng malamig na tubig sa vending machine. Naisipan ni Cris na iyon na lamang ang gawin bilang cold compress para maibsan ang pamamaga ng pi

