Ilang araw nang sinagot ni Carciara si Lance ay parang maraming nangyari. Una na ang pagkakaibigan nila Carciara at Devaki, kung dati ay lagi silang magkasama ngayon ay hindi na dahil si Lance na ang kasama lagi ni Carciara at naiintindihan naman yun ni Devaki. Dahil dito ay naging mas malapit sila ni Ricky. Lagi sila ang magkasama sa pag-aaral at sa paglalakad pauwi. Isang hapon, sabay ulit na naglakad si Devaki at Ricky sa pag-uwi. Habang naglalakad ay kainausap ni Ricky si Devaki. "Alam mo, ang ganda mo pala." sabi ni Ricky. "Kung mambobola kalang, sorry dahil hindi tatalab sa akin ang ganyan na mga galawan." sagot ni Devaki. "Pero seryoso, maganda ka kahit wlalang make-up sa mukha." sabi ni Ricky. "Anong pag walang make-up eh hindi naman talaga ako nagmemake-up araw-araw kapag may importanteng events lang, hindi counted ang birthday ni Lance dahil si Carciara ang dapat maging maganda nang panahon na yun." sabi ni Devaki. Hindi pa nakakapagsalita si Ricky ay nagsalita muli si Devaki, " Ano? Wala ka na bang ibang mahirit na pick-up line dyan?HAHAHAHAHAHA." asar na tanong ni Devaki. "Teka lang, nag-iisip pa ako ng pick-up line." sagot ni Ricky. "Eh di inamin mo rin na pick-up line lang ang sinabi mo sa akin at hindi talaga compliment." sabi ni Devaki. "Pero sa totoo, maganda ka talaga." sabi ni Ricky. "Alam mo, naglolokohan lang tayo dito, tama na, baka mapagod ang utak mo kakaisip ng pick-up lines." sabi ni Devaki. Pagkatapos nang usapan nila ay sabay silang nagtawanan at tahimik na naglakad pauwi.
Kinaumagahan, ay maaga na nag-ayos si Devaki. Maaga siyang nagising at nag-ayos ng sarili. Paglabas niya sa pintuan ay nakita niya agad sa tapat ng pinto nila si Ricky. Nagulat si Devaki sa nakita niya kaya agad siyang nagutngo sa kinaroroonan ni Ricky at nagtanong. "Bakit ka nandito? Manliligaw ba kita?" tanong ni Devaki. "Bakit? Bawal bang magsabay na maglakad ang magkaibigan?" tanong ni Ricky. "Pwede naman kaso wag yung hihintayin mo sa labas ng walang pasabi. Hindi ko nga alam na darating ka." sabi ni Devaki. "Sige, sa sususnod ay sasabihin ko na, okay?" tanong ni Ricky. Tumango si Devaki, pagkatapos nun ay sabay na silang naglakad ni Ricky papunta sa school. Habang naglalakad sila ay maraming mga tao ang nakatingin sa kanila. Para bang mga artista na may mga fans sa paligid. Nagpatuloy ito hanggang sa pumasok na sila sa paaralan . Habang naglalakad sa hallway ay panay pa rin ang tingin ng mga tao sa kanila kaya hindi na napigilian ni Devaki na tanungin si Ricky. "Bakit ba silang lahat ay nakatingin sa atin?" nag-aalalang tanong ni Devaki. "Hayaan mo na, baka naiinggit lang sila sa kasama mo na gwapo na katulad ko." pagmamayabang ni Ricky. "Manahimik ka nga, tuwang-tuwa ka pa habang ako ay insi na inis na dito." inis na sabi ni Devaki. "Huwag mo na kasing isipin baka sumama lang ang araw mo." asar na payo ni Ricky. Nang papalapit na si Devaki sa kanyang classroom ay nagmadali siyang naglakad papunta sa classroom. Pagpasok niya sa room ay nagmadali siyang umupo sa kinauupuan niya na katabi ni Carciara. Pagkaupo palang ni Devaki ay tinanong agad siya ni Carciara. "Kayo na ba ni Ricky?" tanong ni Carciara. "Huh, eh kayo nga ni Lance na totoong magkasintahan hindi tinitingnan ng mga tao bakit kami ni Ricky na friends lang?" tanong ni Devaki. "Syempre alam na ng mga tao na may gusto sa akin ni Lance kaya hindi na sila nagulat nung naging kami eh kayo ni Ricky, wala nga kaming alam tas biglang nagsabay kayo." sabi ni Carciara. "Aksidente lang kami na nagsabay ni Ricky pero friends lang kami." depensa ni Devaki. "Talaga lang huh baka may jowa ka na di ko pa alam." sabi ni Carciara. "Wag kang mag-alala, sasabihan agad kita." sabi ni Devaki. At nagsimual na ang klase.
Pagkatapos ng buong araw ay naglakad na si Devaki pauwi. Ngunit hindi ito natuloy dahil sinabayan ulit siya ni Ricky. Nainis na siya kay Ricky at nagsalita na." Hindi ka ba talaga titigil? Ako ang napapasama sa iyo." inis na sabi ni Devaki. "Bakit ka maiinis sa akin? May ginawa ba ako sa iyo?" inosenteng tanong ni Ricky. Sasaktan na sana si Ricky ni Devaki nagunit nakapagtimpi pa si Devaki at umalis nalang at naglakad ng mabilis ngunit hinabol pa rin siya ni Ricky at nagsalita. "Kung tungkol pa rin kanina ang dahilan nang galit mo ay pasensya na kasi nasabi ko sa kanila na gusto kita." sabi ni Ricky. Dahil sa sinabi ni Ricky at napahinto si Devaki at nagsalita. "Ilang buwan palang tayo na magkakilala tapos gusto mo na agad ako?" tanong ni Devaki. "Bakit, bawal ba na umibig sa taong kakikilala palang? At saka matagal na kitang gusto, nung nasa cr ka palang, na-love at first sight ako sa iyo." pag-amin ni Ricky. Dahil doon ay hindi nakapagsalita si Devaki at naglakad ulit ng mabilis ngunit himabol pa rin siya ni Ricky at nagtanong. "Pwede ba kitang ligawan?" tanong ni Ricky. "Pag-iisipan ko." sagot ni Devaki. At nagpatuloy sila sa paglalakad.