Kinagabihan ng araw na iyon ay kinausap ni Devaki si Carciara sa pamamagitan ng chat tungkol sa inamin sa kanya ni Ricky kanina. Pagkabasa ni Carciara ay napatanong siya kay Devaki. "Bakit parang ambilis naman? Like ilang buwan palang kayo na nagkakakilala tapos gusto ka na agad? So weird." chat ni Carciara. "Diba, pati rin ako nagulat din kaya wala akong nasabi sa kanya na sagot kanina." chat ni Devaki. "Tama lang, di tayo maaring pilitin ng mga lalaki na sumagot sa tanong nila nang mabilis, si Lance nga ilang taon naghintay for my answer but kapag nakamit mo na, ang ganda sa feeling." chat ni Carciara. "Ayyyy friend, tanong mo kaya kay Lance kung alam niya yung sinabi sa akin ni Ricky." chati ni Devaki. "Sure, tanungin ko siya O Sige na matulog na tayo, may pasok pa bukas." chat ni Carciara. Pagkatapos nun ay tumigil sila at nahiga na pero ang sinabi ni Ricky kay Devaki ay hindi maalis sa isipan ni Devaki ng buong gabi. Pagkagising ni Devaki kinaumagahan ay hindi pa rin maalis sa isipan niya ang sinabi ni Ricky kahapon. Paglabas ni Devaki sa bahay niya ay nakita niya na naman sa labas si Ricky at naghihintay sa kanya kaya nilapitan niya agad ito at tinanong. "Seryoso ka ba talaga? Kung biro lang tatanggapin ko naman sorry mo." sabi ni Devaki. "Bakit? Hindi ka ba sanay? Kung ganun, masanay ka na." sabi ni Ricky.Dahil sa sinabi ni Ricky ay nagsisismula nang magalit si Devaki. "Wala ka bang gagawin na matino?" inis na tanong ni Devaki. "Meron, ang mahalin ka." pilyong sagot ni Ricky. "Di ka nakakatuwa, alis ." galit na sabi ni Devaki. Pagkatapos nun ay galit si Devaki na naglakad ngunit hinabol pa rin siya ni Ricky at patuloy siya na kinausap. Sa kabilang banda ay walang sagot si Devaki sa mga sinasabi sa kanya ni Ricky. Umabot ang hindi pagpansin ni Devaki kay Ricky hanggang sa pagpasok nila sa school. Pati si Lance at Carciara ay napansin din ito. Kaya nung sumapit ang breakitme ay kinausap ni Lance at Carciara si Devaki. " Totoo ba ang usap-usapan na gusto ka ni Ricky?" tanong agad ni Carciara."Di ko nga rin alam, kaya nga kinausap kita kagabi diba." sabi ni Devaki. "Ayyyy, may usapan ba na ganun? Akala ko kung ano-ano lang yun." sabi ni Lance. Nang marinig ni Devaki at Carciara ang sinabi ni Lance ay pareho silang nagulat. "So, di mo alam yun? Wala bang sinabi si Ricky sa iyo?" tanong ni Carciara. "Wala, kaya nga hindi kita masagot kagabi dahil hindi ko alam at hindi ko alam ang isasagot ko." sagot ni Lance. "Naku friend, kinakabahan ako for you. Mas mabuti na kausapin mo si Ricky mamaya tungkol diyan." sabi ni Carciara. Pagkatapos ng sinabi ni Carciara ay parang kinabahan din si Devaki. Natapos na ang klase sa buong araw, nauna na sila Lance at Carciara na umalis. Katulad ng dati ay sinabayan ni Ricky si Devaki. Nang napansin ito ni Devaki ay hindi na niya natiis at tumigil sa paglalakad at hinarap si Ricky sabay nagtanong." Huling tanong ko na sa iyo Ricky, seryoso ka ba talaga o hindi?" seryosong tanong ni Devaki. "Oo, seryoso ako, gusto mo ba ng patunay, liligawan kita araw-araw kung gusto mo." sagot ni Ricky. " Bahala ka na nga." sabi ni Devaki. Pagkatapos nang pag-uusap nila ay naglakad na ulit si Devaki at Ricky. Simula noon ay lagi na siyang hinhatid sundo si Devaki si Ricky. Lahat ng tao ay nakatingin sa kanila sa araw-araw ngunit si Devaki ay nasanay na rin sa ganitong mga pangyayari sa araw-araw. Natapos na ang buong Grade 11 year nila Devaki, Si Ricky ay patuloy pa rin ang panliligaw sa kanya hanggang sa panahon na iyon kaya balak na siyang saguytin ni Devaki.
Pagkatapos ng ceremony ay tinawag ni Devaki at Ricky para makapag-usap ng maayos. Pagkatapos nun ay pumunta si Devaki at Ricky sa lugar na malayo sa iba para mag-usap. "Bakit mo ko pinapunta dito?" tanong ni Ricky. "Wala lang HEHEHEHEHEHE about dun sa ginagawa mo sa akin at sa paulit-ulit mong tanong." sabi ni Devaki. "Bakit, may sagot na ba?" tanong ni Ricky. Pagkatanong ni Ricky ay tumango si Devaki. Pagkakita ng ginawa ni Devaki ay niyakap siya ni Ricky na may saya. "Sigurado ka dyan ha, wala nang bawain niyan." sabi ni Ricky. "Oo, syempre HEHEHEHEHEHEHE." dahil dun ay mas naging matamis ang pagtatapos ni Devaki sa Grade 11.