Episode 9 (Simula ng Problema)

1004 Words
Ang mga naunang buwan sa relasyon nila Devaki at Ricky ay maganda at maayos. Si Ricky ay palagi pa rin na hinahatid-sundo si Devaki sa kanilang bahay at lagi pa rin silang sabay umuwi. At kapag mnag-uusap sila ay laging sinasabihan ni Ricky si Devaki ng "I will forever be yours." hindi man ito nasabi ni Ricky nung sinagot siya ni Devaki ngunit binabawi niya ito sa pamamagitan ng pagsabi niya nito sa araw-araw kaya natutuwa din sa araw-araw si Devaki. Hindi na katulad ng dati, hindi na sila masyadong tinitingnan ng maraming tao, nasa isip ni Devaki na baka natanggap na at nalaman ng mga tao na sila na ni Ricky kaya lalo siyang naging masaya dahil dito. Hindi na rin sila masyadong nag-uusap ni Carciara dahila silang magkaibigan ay may kanya-kanya ng relasyon ngunit kahit ganun ay hindi pa rin mababago ang pagiging magkaibigan nila. Tingin ni Devaki ay ayos na ang lahat sa buhay niya, maayos ang kaniyang pag-aaral lalo na at malapit na siyang magtapos sa Senior High School at sa susunod na taon ay mag-aaral na siya sa kolehiyo.Maayos din naman ang kanyang relasyon kay Ricky at madali naman kausap ang kasintahaj niya na lalo niyang pinagpasalamat. Malapit nang matapos ang ikatlong markahan at magsisismula ang ikaapat at huling markahan nila Devaki. Hindi niya masyadong nasasamahan ang klasintahan na maglaro ng basketball dati dahil siiya ay maraming ginagawa sa pag-aaral kaya ngayon na malapit nang natapos ang klase at paunti na ng paunti ang mga gawain ay lubos ang tuwa niya dahil mabibigyan na niya ng oras ang nobyo. Araw ng Sabado, kahit walang pasok ng araw na yun ay pumunta si Ricky sa school para maglaro ng basketball kasama ang mga kaibigan.Sinabi ni Ricky ang gagawin niya kay Devaki dahil akala nito ay hindi ulit siya pupunta ngunit nag-iba ang hangin at naisip ni Devaki na pumunta.  Bilang kasintahan ay sumama si Devaki bilang suporta kay Ricky.. Pinipigilan siya ni Ricky dahil baka may gagawin siya ngunit mas matigas ang ulo ni Devaki at hindi sumunod kaya wala nalang nagawa si Ricky at tutal ay kasama rin naman si Carciara doon dahil pati si Lance ay maglalaro din, naisip din ni Devaki na oras na rin para makapag-usap ulit sila ng kaibigan niya dahil matagal-tagal na silang hindi nag-uusap. Pagpunta nila Ricky at Devaki sa court ay nakita nila si Lance at Carciara sa upuan ng mga manonood, kahit malayo sa laruan ay doon pinili ni Lance para makausap niya pa rin si Carciara pag oras ng pahinga dahil alam niya na hindi siya tatawagin kapag nasa taas kaya doon niya naisip. Dahil doon ay doon na rin naispo ni Devaki na umupo para makausap si Carciara habang naglalaro sila sa baba kay pumayag si Ricky. Binigay ni Ricky ang gamit niya kay Devaki at sinabi na pumunta na sa upuan na sinasabi niya dahil magsisimula na sila.  Tulad ng napag-usapan ay pumunta si Devaki sa kinauupuan ni Carciara saka nag-usap tungkol sa mga nangyari. "Alam mo bes, andaming nangyari, pareho na tayong may kasintahan at kanya-kanyang responsibilidad ngunit alam ko na hindi mawawala ang pagiging magkaibigan natin." sabi ni Carciara. "Oo naman at saka lagi naman tayong nagkikita sa school, kahit na magkaiba na tayo ng klase at mga nakakasama ay magkaibigan pa rin tayo , promise ko sayo yan." sabi ni Devaki. Habang naglalaro ang mga lalaki sa baba ay patuloy pa rin silang nag-uusap ni Carciara tungkol sa mga nangyari sa kanila. Habang nag-uusap ay parang may napansin si Carciara. "Teka, parang may naririnig akong cellphone ngayon, parang tumatawag." sabi ni Carciara. "Huh, wala naman sa phone ko nor sa phone mo, hawak natin mga phone natin, malalaman agad natin kung mat tumatawag at saka wala namang nagriring sa mga phone natin." sabi ni Devaki. Nagsasalita pa si Devaki ay narinig ulit ni Carciara ang phone kaya sineniyasan niya si Devaki na tumahimik, nang tumahimik si Devaki ay pati rin siya ay narinig din ang tunog kaya hinanap nila kung saan galing. Patuloy pa rin na  tumutunog yung ring kaya naisip nilang hanapin sa mga bag ng mga kasintahan nila dahil naglalaro pa rin ang mga ito at hindi mapapansin kung mapapakilaman nila ang phone ng mga ito. Nang magsisimula sila na maghanap ay nawala ang tunog ngunit hindi na nila pinansin at ginawa pa rin ang plano. Nakita ni Carciara ang phone ni Lance at kaagad na binuksan. Pagkabukas ni Carciara ay wala namang nakarecord na misscall kay Lance kaya tinanggal na nila ang hinala kay Lance kaya sumunod kay Ricky.  Pagkahanap ni Devaki ng phone ni Ricky a kaagad nitong binuksan ang phone. Pagkabukas ng phone ay saka tumunog ulit at kapareho ang tunog sa naririnig nila kanina at narinig nila yun sa phone ni Ricky kaya agad nitong nirespond ni Devaki baka importante yun at saka nobya naman siya kaya sa tingin niya ay ayos lang na irespond yung tawag kaya ginawa niya. Pagkarespond niya ay may narinig siya na babae na nagsalita ng "Hello" na parang naiinis na. Nang marinig ito ni Devaki ay sumagot ito. "Uhm, hello, sino po sila?" tanong ni Devaki. "Sino ka ba? Sabihin mo nalang kung sino ka." mataray na sagot ng babae. "Uhm ako ang kasintahan ni Ricky, maari ko bang malaman kung ano nais niyo sa kanya, wag kayong mag-alala, sasabihin ko sa kanya." sabi ni Devaki. "Hmp, sige, tell him na pumunta sa school gate sa araw ng Foundation Day ng school nila, I will wait hanggang mag-10 ng tanghali dun, bilisan niya lang, maikli pasensya ko." mataray na sabi ng babae at binaba na ang tawag. Narinig din ni Carciara ang buong sinabi ng babae at nang pagkababa ng tawag ay nagsalita si Carciara. "Ang sama ng feeling ko sa babae na yan, sasabihin mo o hindi?" tanong ni Carciara. "Kailangan kong sabihin." sabi ni Devaki. Nasabi nga ni Devaki ang sinabi ng babae pagkatappos ng laro ngunit parang may kaba sa parte ni Ricky nang marinig niya ang sinabi ni Ricky.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD