Kinagbihan ay hindi makatulog si Devaki dahil sa nangyari kanina, hindi niya rin makalimutan ang boses ng babae na nakausap niya kanina at nag-iwan ng malaking tanong sa kanya kung sino ang babae na yun ngunit inisip niya na baka kapatid ni Ricky yun at nakaaway siya kaya ganun ang tono ng babae at iba pang mga posibilidad kaya nakatulog na rin siya. Lumipas ang ilang araw at hindi parin makapag-isip si Devaki ng maayos dahil sa nangyari nung nakaraan. Malapit na ang Foundation Day at malapit na rin na dumating ang babae na nakausap niya nung nakaraan na nagpadagdag sa kaba niya. Dumating ang araw bago ang Foundation Day at normal na parin ang nangyayari. Habang nasa canteen mag-isa ay nag-iisp pa rin si Devaki kung sino ang babae na iyon. Nakita siya ni Carciara na mag-isa kaya pinuntahan niya ang kaibigan at kinausap. "Alam mo, ilang araw ka nang tulala alam mo ba yun, bukas na ang Foundation Day at malungkot ka pa rin, ayaw mo yun, may botth na naman." sabi ni Carciara. "Paano ako matutuwa kung malalaman ko na darating din sa araw na yun ang babae na nakausap ko nung nakaraan." sabi ni Devaki. "Eh di wag mong isipin, ang ganda mo tas aaksayahin mo oras mo para lang dun." sabi ni Carciara. "Sige na nga, at saka malapit na tayong magtapos ng Senior High School, dapat yun ang isipin ko." sabi ni Devaki. Pagkatapos nang usapan ni Devaki at Carciara ay lumakas ulit ang loob ni Devaki at tinanggal na sa isip ang babae na iyon.
Dumating na ang Foundation Day, at nanibago si Devaki dahil wala si Ricky para ihatid siya papunta sa school ngunit hindi niya na ito pinansin.kaya hinayaan niya nalang at naglakad mag-isa. Habang papunta siya sa school ay tumitingin sa kanya ang mga tao na katulad ng dati. Dahil nasanay na siya sa ganun kaya hindi na niya pinansin dahil Foundation Day naman. Wala siyang nakasama sa school dahil si Carciara ay may sakit at pumunta si Lance sa bahay nila para alagaan din si Carciara kaya pinabayaan na ni Devaki. Sa kabilang banda ay hindi niya macontact si Ricky simula pa nung umaga na lalong nagpataka sa kanya kung nasaan na si Ricky at hindi na niya rin nakita ang babae na tumawag sa kanya na nagsabi na magkita sila ni Ricky sa gate. Sa dami ng iniisp ni Devaki ay hindi na lang niya inisip at naglakad mag-isa sa buong Foundation Day. Habang naglalakad si Devaki sa mga stalls ay may nakita siya na fortune telling kaya sinubukan niya kahit hindi siya naniniwala. Pagpunta ni Devaki sa manghuhula ay umupo agad ito dahil wala namang tao. "Ano ang matutulong ko?" tanong ng manghuhula. "Uhm, tanong ko lang po kung may mangyayari ba na maganda sa akin ngayon?" tanong ni Devaki. Pagkatanong ni Devaki ay binigay niya ang kamay niya sa manghuhula at pagkahawak ng manghuhula sa kamay ni Devaki ay nanlumo siya. "Bakit po?" tanong ni Devaki. "Pasensya na ngunit kabaligtaran sa tinatanong mo ang mangyayari sa iyo, sa madaling salita ay may masamang mangyayari sa iyo, hindi sa trahedya kung hindi sa tiwala mo, masisira ang tiwala mo sa isang tao ngunit may darating na liwanag sa iyo ngunit hindi mo ito mapapansin dahil sa sakit na naramdaman mo." sabi ng manghuhula. Dahil sa sinabi ng manghuhula ay kinabahan si Devaki na umalis sa stall na yun. Napagod si Devaki sa paglilibot kaya pumunta siya sa canteen para kumain. Habang kumakain na mag-isa ay may lumapit sa kanya na isang babae at nagsalita. "Ayos lang yan ate, makakahanap ka rin ng iba." sabi ng babae at umalis.
Hindi na lamang pinansin ni Devaki ang babae at nagpatuloy sa pagkain. Nais ni Devaki na pumunta ng cr kaya nagpunta para mag-ayos ng sarili tama naman at walang tao sa cr kaya malaya siyang nag-ayos. Habang nag-aayos siya ng sarili sa salamin ay may nakita siya na dalawang babae na paparating at nagtago siya baka mag-uusap sila, at wala naman siyag balak alamin ang pinag-uusapan nila ngunit pinagtataka niya ay bakit nagtago siya sa cr at hindi niya din alam ang dahilan kaya hinayaan niya nalang. Pagtago niya ay narinig niya ang sinabi ng babae. "Girl, galing naman ng kasintahan mo sa basketball, ang galing maglaro pero kulang sila noh." sabi ng unang babae." May sakit daw yung kasintahan ng kasama nila at wala naman silang pangdagdag kaya hinayaan nalang nila at saka di naman kompetisyon yun." sabi ng isa pang babae. "Pero paano yung FAKE GIRLFRIEND ng kasintahan mo dito? Andun kaya yun sa laro kanina?" tanong ng unang babae. "Ewan, pero ang alam ko. AKIN SI RICKY, AKIN LANG." sabi ng isa pang babae. "So yung fake, paano yun?" tanong ng unang babae." Mas maganda naman ako dun, nung nakausap ko nga yun nung nakaraan parang wala naman siyang alam na kaya lang siya niligawan ng buong Grade 11 ng jowa ko dahil may pustahan sila at ang manalo ay magkakaroon ng sports car isa-isa." sabi ng isang babae. "Kita mo naman, sinigaw ka na sa buong school, for sure, mapapahiya yung fake." sabi ng unang babae. "Hmp, deserve niya yun." Pagkatapos ng usapan ng magkaibigan ay umalis na sila. Wala nang nagawa si Devaki kung hindi umiyak.