Pagkatapos marinig ni Devaki ang pinagsasabi ng dalawang babae sa cr ay grabe ang kaniyang pag-iyak sa cr. Hindi siya umalis sa kanyang pinagtataguan sa cr nang ilang oras at umalis lamang ng hapon na. Pagkaalis niya ay blangko ang utak niya. Hindi niya alam kung ano ang susunod niyang gagawin pagkatapos ng nangyari sa kanyang pamamahiya nang hindi niya alam. Habang nasa gitna si Devaki ng paglalakad ay nakasalubong niya si Ricky na pagod kakatakbo at kakahanap sa kanya. Nang makita ni Ricky si Devaki ay agad siyang pumunta rito. "Love, kanina pa kita hinahanap, saan ka ba nanggaling? Hindi kita nakita ng buong araw." sabi ni Ricky. Pagkatapos magsalita ni Ricky ay walang siyang narinig kay Devaki na sagot ng ilang minuto at habang nakatingin si Ricky kay Devaki ay nakita nito ang mugto ang lungkot sa mukha ni Devaki. Ilang minuto na hindi na walang narinig sa kanilang dalawa habang nakatingin sa bawat isa ng nagsalita si Ricky. "Love? May problema ba?" tanong ni Ricky. Pagkatanong ni Ricky ay saka sumagot si Devaki nang mahina. "Kamusta naman ang laro mo kanina?" mahinang tanong ni Devaki. "Ayun nga eh, talo kami kasi wala ka kanina, wala rin si Lance kaya wala akong katulong sa paglalaro at pagsalba sa mga kagrupo ko." sagot ni Ricky. "Ibang laro ang tinutukoy ko." sabi ni Devaki. "Huh? Love, ano bang sinasabi mo?" nagtatakang tanong ni Ricky. "Hindi mo sasabihin o ipapaliwanag ko ang larong sinasabi ko? Alam ko kasi, yung laro mo na yun, ginagawa mo na nang isa at mahigit na taon. Ano, kamusta? Nanalo ka ba?" mahinang tanong ni Devaki. "Love, hindi ko alam ang sinasabi mo." sabi ni Ricky sabay hawak sa kamay ni Devaki at nagsalita. "Kung ano man ang iniisip mo, hindi totoo yun, tanda mo, I WILL FOREVER BE YOURS." dagdag ni Ricky. Pagkatapos magsalita ni Ricky ay ngumiti si Devaki at nagsalita. "Sige, paniwalaan mo ang nais mong paniwalaan, sana maayos na kayo ng kasinatahan mo at sana maganda ang kotse na napalalunan mo sa laro niyo." Pagkatapos magsalita ni Devaki ay pilit niyang tinanggal ang kamay ni Ricky sa kanya at nagsalita."TINATAPOS KO NA ANG LARONG ITO, yung kataga mo na I WILL FOREVER BE YOURS, totoo naman yun kaso hindi para sa akin ang kataga mo na yun. Sana sa babaeng pinaglalaanan mo ng kataga na yun, patunayan mo ang kataga mo na yun dahil alam ko na nasaaktan din yun sa ilang taon na pagtitiis sa iyo. PAALAM, RICKY."
Pagkatapos magsalita ni Devaki ay nagsalita si Ricky. "So ayun, alam mo na pala, naging kasintahan ko siya bago pa ako lumipat sa school na ito at hindi alam ng pinsan ko ang tungkol sa bagay yun at sinabi ko sa mga kaibigan ko na huwag sabihin sa kanya. Ang pustahan namin ay may ligawan ako na malapit sa isa kong kamag-anak nang hindi niya alam at mapasagot ko ito at sa isang importanteng gawain sa school at ipapakilala ko ang kasintahan ko sa lahat at dapat alam naman ng lahat ng tao sa school ang totoo kong kasintahan bukod sa malapit sa kamag-anak ko at kamag-anak ko kaya ang buong school ay alam yun dahil sinabi ito ng mga kaibigan ko sa post nila ngunit hindi ko alam bakit hindi niyo nakita yun basta ang alam ko kailangan ko ng sasakyan na walang tulong ng magulang ko dahil magkaaway kami kaya ginawa ko iyon. kaya nung nililigawan kita ay lagi silang nakatingin dahil alam nila ang relasyon ko at pinagsasabayan ko ang panliligaw sa iyo. Ang kasintahan ko ay si Levicia, siya ang pinakamagandang babae na nakitya ko, mahal na mahal ko siya kaya di ko siya kayang iwan, PASENSYA NA, PARA LANG SA LARO AT SALAMAT DAHIL MAY KOTSE NA AKO." sabi ni Ricky. Hindi na nagsalita si Devaki at umalis nang dahan-dahan, hindi pa nakakalayo si Devaki ay biglang mag tumawag kay Ricky at rinig na rinig ito ni Devaki. "Bro, asan ka na, kukuhain pa natin ang kotse na matagal natig gusto, tagal mo kasing ligawan yung babae na iyon, akala mo naman kagandahan eh hindi naman, naghihintay na rin si Irene dito." sabi ng tumawag. " Oo, susunod na ako diyan." sabi ni Ricky at nagmadali nang tumakbo nang parang walang nangyari. Nang nakalayo na si Ricky ay dahan-dahan pa rin na naglalakad si Devaki nang hindi nito namalayan na may tumutulo na palang luha sa mga mata nito. Hindi niya na alam ang gagawin niya at wala na din siyang masabihan ng problema niya dahil ayaw niyang magalit si Carciara at baka mabinat at ayw niya rin na malaman ni Lance dahil hindi niya alam ang maari nitong gawin kay Ricky at ayaw niyang malaman ng mga magulang niya dahil baka mapagalita lang siya. Wala nang nagawa si Devaki kundi umiyak habang naglalakad.