Sa sobrang lungkot at sa balangko na pag-iisip ay patuloy sa paglalakad si Devaki. Sa paglalakbay niya ay hindi niya alam kung nasaan na siya napunta ng nang may makita siyang waiting shed, pagkakita niya dito ay dahan-dahan siyang naglakad papunta dito. Pagpunta niya dito ay umupo siya sa upuan nito at hindi alam kung bakit siya umupo. Habang nakaupo si Devaki ay may binatilyo na nagmamadali na pumunta sa kinaroroonan niya dahil lingid sa kaalaman ni Devaki ay malapit nang bumuhos ang ulan. Lumakas na ang ulan pagdating ng lalake sa waiting shed. Pagdating ng lalake sa kinaroroonan ni Devaki ay naupo ito at parang namumugto din ang mata. Nang makita ni Devaki ang mukha ng binatilyo ay nagtanong ito. "Maari ko bang malaman kung bakit ka malungkot?" tanong ni Devaki. "Bagsak ako sa test namin sa Math, nakailang bagsak na ako sa mga test dun at baka mapagalitan na ako ni lolo, siya nalang ang meron ako dahil nawala na ang mga magulang ko nung bata pa lang ako." sagot ng binaitlyo. "Hindi mo naman kailangan sabihin ang buong detalye sa akin tungkol sa pamilya mo pero kahit anong mangyari ay huwag kang susuko, keep on trying lang,for sure ay maiintindihan ka ng lolo mo dahil apo ka niya, maliit lang ang problema mo kung ikukumpara sa problema mo." sabi ni Devaki. "Bakit, ano ba ang problema mo?" tanong ng binatilyo. "Mahirap sabihin eh, ayokong sabihin baka mas dibidibin mo pa ang problema ko, ganyan pa lang ang problema mo, dinidibdib mo na, kung sasabihin ko pa problema ko, baka ano na ang mangyari sa iyo." sabi ni Devaki. "Hindi naman lahat ay kailangan mong sabihin. Kahit kaunti lang, okay lang." sagot ng binatilyo. "Sige ha, pinahiya ako ng taong mahal ko sa maraming tao nang wala akong kaalam-alam." paglalahad ni Devaki. "Mukhang mabigat nga yan at siguro wala kang masabihan dahil ayaw mong malaman nila na mali ang pinili mo. Ayos lang na umiyak ngunit dapat mong sabihin ang lahat sa kanila upang malaman nila." sabi ng binatilyo."Sasabihin ko sa kanila ang nangyari pero sasabihin mo rin sa lolo mo ang nangyari sa iyo, DEAL?" anyaya ni Devaki. "DEAL!!!!" sabi ng binatilyo. Pagkatapos nilang mag-usap ay huminto na ang ulan. Dahil sa usapan ni Devaki at ng binatilyo ay nagmadali na siyang umalis para sabihin a magulang niya lahat, wala na siyang pakialam kung pagalitan siya basta masabi niya na, pati rin si Devaki ay hindi ang dahilan kung bakit nais niyang sabihin sa mga magulang niya ngunit alam niyang ito ang mas makakabuti.
Sa pagmamadali ni Devaki na umalis ay hindi na natanong nang binatilyo ang pangalan ni Devaki at hindi na rin natanong ni Devaki ang pangalan ng binaitlyo. Pagdating ni Devaki sa bahay niya ay diretso na niyang sinabi sa mga magulang niya ang nangyari at hindi na niya inisp ang kasunod na mangyayari. Pagkasabi ni Devaki sa kanyang mga magulang ng nangyari ay wala nang nagawa ang kanyang mga magulang kung hindi yakapin siya habang umiiyak ngunit sabi ni Devaki ay ayos lamang siya at magiging maayos din ang lahat at sinabi niya rin na kakayanin niya iyon. Kinabukasan, maagang umalis si Devaki sa tahanan niya. Pagkalabas niya ng pinto ay wala na siyang nakita na lalaki na naghihintay sa harap ng pintuan niya. Ngunit hindi na niya ito inisip dahil mas mahalaga ang makapagtapos ng Grade 12 kaysa umiyak sa lalaking hindi karapat-dapat paglaanan ng luha kaya nagpatuloy siya. Pagdating niya sa school ay parang walang nangyari, hindi na rin siya pinansin ng mga tao at parang ordinaryo na lamang ang lahat. Pagpunta niya sa classroom niya ay parang niormal lang ang galawan kaya hindi na niya pinansin pa. maayos naman ang buong umaga ni Devaki. Pagpunta niya sa canteen mag-isa ay agad siyang pinuntahan ni Carciara na parang nag-aalala. "Bes, okay ka lang? Kamusta ka?" alalang tanong ni Carciara."Ayos lang ako bakit ba parang may nangyari sa aking masama, ako lang toh, ang kaibigan mong maganda." biro ni Devaki. "Alam ko na ang ginawa sa iyo ni Ricky, sabay namin na nalaman ni Lance." sabi ni Carciara. "Huh? Pati si Lance, nalaman, saan niyo nalaman?" tanong ni Devaki. "Nalaman lang namin sa messages namin kanina, hindi kasi kami nag-open ng phone namin the whole day kahapon tapos habang naglalakad kami habang gumagamit ng phone ay nakita namin ang pagmamalaki sa ibang babae na sinabi niya na ang buhay niya at sa basketball court niya pa sinabi kahapon kaya halos lahat ng estudyante ay alam ang nangyari." paliwanag ni Carciara. "" Kaya pala may nagsalita sa akin kahapon na okay lang daw at may mahahanap daw ako na bago, yun na pala ang nangyari. Alam mo ba, nagpahula ako sa isa sa mga stalls kahapon and sabi nang manghuhula ay may sisira daw ng tiwala ko, akal ko nagbibiro siya yun pala totoo. Nasaan nga pala si Lance?" tanong ni Devaki. "Kakausapin niya lang daw si Ricky, hindi niya bubugbugin yun, may tiwala ako sa pag-iisip ng kasintahan ko, alam niya na nasa school siya at maraming makakakita kaya hindi niya gagawin ang iniisip mo. Ang tanong, kamusta ka?" tanong ni Carciara. "Eto, nagmomove-on paunti-punti pero kakayanin ko, ako pa ba, baka si Devaki toh, at saka mas iniisip ko kung paano makakapagtapos nang pag-aaral hindi siya." sabi ni Devaki. "Alam ko naman yun pero kung gusto mo ng may makakausap, nandito lang ako." sabi ni Carciara. Pagkatapos nila mag-usap ay sabay a sila na kumain sa canteen.