Pagkatapos kumain nila Carciara at Devaki ay nagpatuloy sila sa pamamasyal. Habang naglalakad ay nadaanan nila ang dati nilang paaralan na pinagtapusan nila ng Senior High School. Nang makita ni Devaki ang gate ng paaralan ay napahinto ito at naalala niya ulit ang mga masasamang nangyari sa kanya at ang panloloko sa kanya ni Ricky at nakaramdam ng lungkot. Nakita ni Carciara ang lungkot ng kaibigan kaya kinausap niya ito. "Alam ko na kahit ilang taon man ang lumipas, hindi mo makakalimutan ang nangyari sa iyo sa lugar na ito ngunit sana patawarin mo na ang mga nanloko sa iyo dahil hindi ka makakalaya sa nakaraan mo kung hanggang ngayon ay nakatali ka pa rin sa galit mo sa kanila." nag-aalalang sabi ni Carciara. "Alam mo, matagal ko nang napatawad ang mga tao na nanloko sa akin at saka may

