Pagkatapos ng naging pag-aaway nila Raphinia at Timothy ay walang nagawa si Raphinia kundi sumakay na lamang sa sasakyan ni Timothy. Habang nasa biyahe ay walang tunog na naririnig sa parehong panig, hanggang hindi na natiis ni Timothy ang katahimikan at nagtanong. "Bakit ka nga pala naglalakad" tanong ni Timothy. "Naisipan ko lang pumasok ng walang sasakyan para makapag-exercise at akala ko din maaga akong makakauwi." sagot ni Raphinia. Kakatapos lang sumagot ni Raphinia ng biglang nagtanong si Timothy. "Bakit mo ako iniiwasan?" biglaang tanong ni Timothy. "Alam mo na siguro ang dahilan." mahinahong sagot ni Raphinia. "Alam ko pero hindi ko matanggap na iyon lang ang dahilan." mahinahon ding sagot ni Timothy. "Ano pa ba ang gusto mong dahilan? Bukod sa kaibigan ka ng namayapa kong asawa,

