Jasmine Lumipas ang isang Linggo at malapit na ang finals namin. Brokenhearted rin si Tamara, nahuli kasi nito si Ma'am Angela na may ibang lalaki kaya hanggang ngayon ay di ko pa rin nasasabi dito ang tungkol sa amin ni Ma'am Athena. Magkaibigan nga talaga ang mga ito. Parehong mapanakit ng damdamin. Sabagay ganda at talino lang naman meron ang mga ito eh. Hayst bakit parang sobrang bitter ko naman ngayon. Ganito yata kapag broken eh. Ayaw ko na rin kasi dagdagan pa ang dinadala nito. Mas ok na rin iyon at ng di na rin ito masyado pang magtanong sa akin. Ayaw ko na rin kasi ma alala pa ang nangyari sa aming dalawa. Tama na nasaktan ako at hindi ko na da dagdagan ang pananakig nito sa akin. Nag mo move on na ako. Tsaka wasting time lang na pag usapan pa ang ganoong bagay. Wala din

