Athena Kanina pa ako nandito sa office ko at nag hihintay na dumating si Cordova. Halos mahigit isang oras na ang nakalipas pero kahit anino nito ay hindi dumating. Lalo lang tuloy nag iinit ang ulo ko habang tumatagal na naghihintay ako na dumating ito. Isang Linggo na rin mainit ang ulo ko. Sa lumipas na mga araw, wala na akong ginawa kung hindi ang pag initan ang mga tatanga tanga kong estudyante. Konting pagkakamali lang nila ay naka singhal na agad ako o di kaya ay pinapalabas ko na sila sa room. Sa kanila ko tuloy binubunton ang init ng ulo ko. Kaya tuloy yung dati na silang takot sa akin ay mas dumoble pa. Wala na rin pa hara hara pa sa hallway pag ako ay dumaan na. Para tuloy akong may sakit kung iwasan nila. Pati na rin ang aking mga fellow professor lalo na ang mga k

