Jasmine Nandito na kami sa bar ng pinsan ko ni Tamara. Tamang inom lang ang ginagawa namin. Maya lang ay may napansin ako na magandang chix na nag sasayaw mag isa sa dance floor. Panay lang ang tingin ko dito. Naghihintay lang ako na may lumapit dito at baka may boyfriend na pala ito ay bigla na lang ako masapak maganda na iyong nag iingat. Niyaya ko naman agad si Tamara na sumayaw na kami. Kaso ayaw pa nya. Maya na lang daw. Mukhang nahihiya pa yata ang isang ito. Pag ganyan siya ng ganyan walang mangyayari sa kanya. Paminsan minsan na rin lang dumating ang palay para magpatuka. Kailangan mo rin kumilos para may matuka kang palay. Dami pa naman nagkalat na tandang dyan. Di ko na ito pinilit pa at mag isa na lang akong nag lakad sa gitna. Agad ko namang nilapitan yung babaeng napans

