Athena Kanina pa nagpupuyos ang loob ko sa aking pinapanood na pakikipag harutan ni Cordova sa kanyang kasayaw ngayon doon sa dance floor. Kanina pa rin nangangati ang kamay ko na manampal ng makakati at malandi. Kapal ng mukha ng malanding ito para hawakan si Jasmine. Pasalamat siya at hindi kami in good terms ngayon ni Jasmine dahil kung hindi kanina pa ito nanghiram ng mukha sa aso. Gusto ko na nga sana silang sugurin doon eh. Kaya lang pinipigilan lang ako ng mga kaibigan ko. "Hayaan mo ng mag saya iyong bata. Remember binasted mo na yan. Kaya wala ka ng karapatan na sitahin yan ngayon." Pang asar nilang sabi sa akin. Maging si Angela ay pinipigilan lang din ang galit ngayon. Pero pareho lang kaming naka kuyom ang kamao at madilim ang mga aura namin ngayon. Paano naman kasi

