Athena Masayang masaya ako ngayon na lumalangoy dito sa dagat. Paano naman kasi ay natanaw ko na ang chopper kung saan nakasakay si Cordova. Kung hindi niya sana sinagad ang pasensya ko di hindi na sana kami umabot pa sa ganito. Wala eh. Pinuno na niya ako masyado. Kaya tuloy umabot pa sa kidnappan para lang makausap ko siya. Siguro naman eh di na nya ako matatakasan pa. Kahit na may lahi pa sya ni palos ay wala na siyang kawala ngayon. Pinag patuloy ko na lang ang aking pag langoy. Maya na lang siguro ako papasok sa loob. Napag usapan kasi namin ni Dad ay siya muna ang kakausap dito. Kikilatisin nya daw muna ang kanyang magiging manugang at sisiguraduhin daw muna nito kung ano ang totoong nararamdaman sa akin ni Cordova bago niya ito ipaki usap sa akin. Naniniguro lang daw sya

