Chapter 8

1061 Words
Jasmine "Oh tulala ka na naman dyan parang tanga lang ha Cordova?" Dinig ko na sabi ni Ma'am Athena sa akin. Pero di ko parin pinansin at tinitigan pa rin ito. Nakakaadik kasi ang angkin nitong kagandahan na kahit nagsusungit na ay napaka amo pa rin ng mukha nito. Naramdaman ko na lang ang pag sakit ng aking pisngi. Sinampal na pala ako nito. Bilis talaga ng kamay hindi ko manlang napansin iyon. Nagtatakang napatingin na lang ulit ako dito at kunot ang noo na tinanong siya. "Bakit mo naman ako sinampal Ma'am?" tanong ko dito sabay haplos sa nasaktan kong pisngi. "Paanong hindi kita sasampalin dyan ay para kang tanga na nakatingin lang sa akin at pangiti ngiti pa na parang timang." Diri diretso nitong sabi sa akin "May binabalak ka bang masama sa akin ha Cordova? Huwag ka ng mag tangka pa at di ka rin lang magtatagumpay." Ang may pagdududang tanong nito sa akin at tinignan na naman ako ng masama. "Naku wala po Ma'am, may iniisip lang po ako kanina na nakakatawa kaya ganun po." Pag dadahilan ko naman dito. "Siguraduhin mo lang talaga. Oh sya kumain ka na diyan at ng makaalis kana agad at naaalibadbaran ako dyan sa pagmumukha mo. Mukha ka pa naman m******s. Ay di lang pala mukha, kundi manyak palang talaga." Ang sabi nitong ng bwe bwesit at pangisi ngisi pa talaga. Para naman kinaganda niya ang pag ngisi niyang yan. Mukha siyang dyosang nag babato. Pahuli ko kaya ito sa mga tanod. Binilisan ko na lang ang pagkain ng dala nitong pansit at juice para matapos na agad at ng makaalis na ako sa office nito. Baka pag nagtagal pa ako dito ay mahalikan ko pa ito. Kanina pa ako nanggigigil sa kanya. Grabe talaga siya. Hindi na lang magpasalamat sa akin, kundi inaalipusta na naman ang aking pagkatao. Napaka sama talaga ng ugali nito. Magka gusto ka lang talaga sa akin hindi kita papansinin kala mo. Nang maubos ko na ang kinakain ko ay nagpaalam na agad ako dito. "Ma'am Athena alis na po ako. Salamat po pala sa meryenda." Di ko na hinintay na sumagot pa ito at agad ko ng kinuha ang gamit ko at lumabas na sa room nito. Pupunta muna ako sa locker ko at kukunin ko ang aking extrang damit at balak kong maligo muna bago pumunta sa aking next subject at amoy pawis na kasi ako. Dahil sa paglilinis ng office ni Ma'am Athena. After ko makapag shower ay dumiretso na ako sa room namin at 10 minutes na lang bago mag time. Mabilis lang na natapos ang aking klase kaya may time pa makakadaan muna ako sa aming Mall para saglit na bumisita dito. Medyo matagal na rin kasi nung huli kong pasyal dito. Kaya sasaglit muna ako ngayon. Baka kasi biglang magtanong si dad ng status ng Mall ay wala akong maisagot dito. Papunta na ako ngayon sa parking lot kung saan naka park ang aking kotse ng makita ko si Ma'am Athena na mukhang problemado. Tudo kunot kasi ng noo nito at ang mukha nito na parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Agad ko naman itong nilapitan kahit kinakabahan ako. Di ko naman maatim na iwan na lang ito doon, knowing na may problema siya. " Oh Ma'am mukhang may problema po kayo ah may maitutulong po ba ako?" Tanong ko agad dito paglapit palang sa kanya. "Ok lang ako Cordova, na flat lang ang tires ko. Pwede mo na akong iwan. Salamat na lang sa tulong mo" sabi naman nito sa akin at parang may tinatawagan ito sa cellphone nya. "Hay ano ba yan bakit di nila sinasagot ang tawag ko. Kung kailan naman sila kailangan." Dinig kong sabi ni Ma'am na nag aalburuto na naman. "Ganun po ba Ma'am. Di sabay na lang po kayo sa akin at hatid ko na kayo sa inyo. Pakuha nyo na lang po sa driver yung kotse nyo." Pag aalok ko sa kanya. Di rin kasi ako marunong magpalit ng gulong eh. Sana pala inaral ko na rin ito. Di sana dagdag ganda points ako dito kay Ma'am. Sa susunod nga pag aaralan ko na rin ang mag vulcanized. Malay mo ma flatan ulit ito di naka tulong pa ako sa kanya. Baka sakali maging mabait na ito sa akin pag nangyari iyon. "Huwag na Cordova at mag papasundo na lang ako dito. Sige umalis ka na." Sagot naman nito sa alok ko. At dahil matigas ang ulo ko at di ko kayang iwan na lang siya basta dito ay nagpumilit pa rin ako na sumabay na lang siya sa akin. " Sumabay ka na lang po Ma'am sa akin. Oh kaya maya na lang po ako aalis pag andito na ang sundo mo." Ang final ko naman na sabi ko dito Taas kilay naman akong binalingan nito nang tingin. Ngayon lang kasi nito akong narinig na nagsalita ng ganun sa kanya. Nilabanan ko naman ang tinging ipinukol nito sa akin. Kala niya siguro ay matatakot niya ako sa lahat ng oras. Hahaha pero sa loob loob ko ay nanginginig na ako sa takot hahaha Napa buntong hininga na lang ito at napipilitan na sumabay na lang sa akin. Nang hindi na ata nito ma contact ang tinatawagan nito. "Oh siya at dahil mapilit ka naman na ay sige hatid mo na lang ako sa amin." Ang sumusuko nitong sabi sa akin at nagpatiuna ng maglakad papunta sa kotse ko. Agad naman nitong tinuro sa akin kung saan ito nakatira. Malapit din lang pala sa village namin ang tirahan niya isang barangay lang ang pagitan. Habang nasa byahe kami ay nakatingin lang ito sa labas at hindi manlang ako kinausap. Nang makarating na kami sa kanila ay bumaba na ito at diri diretso na pumasok sa loob ng kanilang bahay ni hindi man lang nagpasalamat o nag alok man lang ng maiinom. Napapailing na lang na minaniobra ko na ang aking kotse pauwi sa bahay. Di na ako pupunta sa mall. Bukas na lang siguro. Medyo mapapalayo pa kasi ako pag pumunta pa ako doon. Magkasalungat na kasi ang daan nito. Nang makauwi sa bahay ay agad na akong dumiretso sa aking room at nag dive agad ako sa aking kama at balak ko muna umidlip bago magpalit ng aking damit. Mukhang napagod ako kanina sa pag linis ng office ni Ma'am ah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD