Chapter 9

1070 Words
Jasmine Lumipas ang ilang buwan at sa awa naman ng diyos ay medyo nasasanay na ako sa ugali ni Ma'am Athena. Hindi ko na lang ito masyadong pinapansin ngayon, buti na nga lang at di ko pa siya nagiging Professor. Kaya naiiwasan ko parin siya kahit paano. Nandito ako ngayon sa library at nagpapalipas ng oras. Vacant kasi namin ngayon ng isang oras kaya, dito na lang ang napili ko na puntahan. Mahirap ng mag pagala gala sa labas at baka ma tyempuhan pa ako ni Ma'am Athena at kung ano na naman ang ipagawa sa akin nito. Di ko talaga makalimutan ay iyong pinag linis niya ako ng cr ng aming department. Nalaman niya kasi na may meeting noon ang mga Professor namin kaya halos half day na wala kaming pasok. Pauwi na sana ako noon at papunta na sa parking lot ng nakasalubong ko siya. Agad niya akong tinanong kung bakit pagala gala pa ako eh may klase na kasi ng time na iyon. Kaya nasabi ko sa kanya na wala kaming pasok at may meeting kako ang aming mga Prof. Nung nasabi ko sa kanya iyon ay parang biglang nag ilaw pa ang mga mata nito sa tuwa. Na parang may isang magandang bagay itong naisip. " Ah ganun ba Cordova? Total sabi mo naman ay wala na kayong pasok, kaya halika muna sa office ko at may sasabihin ako sa iyo." Nakangiti nitong sabi sa akin. Na parang ang bait bait pa nito. Nag dududang tinignan ko naman siya. Na tinaasan lang naman niya ako ng kilay at naunang maglakad na. Napipilitan na sumunod na lang ako dito. Baka kasi magalit na naman ang isang ito pag di ko siya sinunod. Ang ikli pa naman ng pasensya niti pagdating sa akin. Nang makarating kami sa kanyang office ay pinaupo niya saglit ako. "Diba sabi mo kanina ay wala naman na kayong pasok kasi nga ay nasa meeting ang mga teacher nyo? Ngayon kaya kita pinapunta dito dahil may iuutos ako sa iyo." Naka ngisi na itong tumingin sa akin Bigla akong kinabahan sa kanyang sinabi. Ano na naman kaya ang ipapagawa ng dragon na ito. Di talaga complete ang araw nito na hindi ako pinapahirapan ah. Sa isip isip ko. Tsaka ayaw ko ang pag ngisi niyang iyon sa akin ngayon. Kinakabahan ako sa kanyang mga ginagawa. Bakit pakiramdam ko ay may hindi ito magandang pinaplano ngayon. "Total naman ay masyado ng maraming ginagawa ang ating mga janitor ay bakit di mo kaya sila tulungan kahit ngayon man lang ay medyo mabawasan naman ang kanilang ginagawa." Mabait na sabi nito habang nakangiti sa akin. "Ano po ang ibig ninyong sabihin Ma'am Athena?" Lakas loob kong tanong sa kanya. "Ang ibig kong sabihin ay, bakit hindi mo kaya linisin ang cr ng inyong department kahit sa may first floor lang. Nang sa gayon ay mabawasan naman ang mga trabaho ng ating mga masisipag na janitors." "Naiintindihan mo naman siguro ngayon ang sinabi ko diba Cordova?" Napansin ko pa dito ang pinipigil nitong ngisi ng tumingin ako sa kanya ng di makapaniwala. Imagine guy's ako na anak ng isang Business tycoon ay pag lilinisin niya lang ng cr. Hindi naman sa di ko kaya iyon kasi di naman ako pinalaki na spoiled ng parents ko. Pero naman kasi guys, dito pa talaga sa school. Ok lang sana kung iyong cr sa office niya lang diba. At Least iyon walang ibang nakakakita. Tsaka iniisip ko din na baka may makapag sumbong nito sa parents ko malalagot talaga siya sa mga ito. Lalo na kay Mommy sure na mag wawala iyon pag nalaman niya ang bagay na ito. Eh iyong gusto niya ay sa department namin na cr. Hays ibang klase talaga pag isang Athena Saint Claire ang iyong kalaban. Di ka talaga niya titigilan. "Ano Cordova mukhang ayaw mo yata eh o baka naman di ka lang talaga marunong kasi nga spoiled ka." Pang mamata pa niya sa pagkatao ko. Agad kumuyom ang aking mga kamay upang pigilan ang aking sarili na patulan siya. Kung di ka lang teacher malamang pinatulan na kita. Pasalamat ka at kahit paano ay crush kita. Kahit na ganyan kasama ang ugali mo. "Hindi naman sa ganun Ma'am. Iniisip ko lang po ay baka kasi mag taka ang mga janitors natin kung makikita nila ako doon na nag lilinis." Dahilan ko naman dito. "Oh don't worry. Sasamahan kita papunta doon at sasabihin ko sa kanila na nag volunteer ka na mag linis kasi naaawa ka sa kanila." Pilyang ngiti na sabi nito sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at di na nag komento pa. Ano pa nga ba ang magagawa ko kung ganito siya ka gusto na pahirapan ako. Baka ma badtrip pa ito at dagdagan pa ang ipagawa sa akin pag nag reklamo pa ako sa kanya. "Sabi ko naman kasi sayo ay pag sisisihan mo ang ginawa mong pang hahalik sa akin." Taas kilay ng sabi nito "Halika na at ihahatid na kita baka kasi tumakas ka pa." Sabi nitong tumayo na at nagpatiuna ng lumabas ng kanyang office. Nang maka labas kami ay agad nitong ni lock ang pinto at pumunta na kami sa aming department. "Ma'am Athena, ako na lang po ang pupunta at baka ma pagod pa po kayong mag lakad." Sabi ko na lang sa kanya. Nakakahiya naman kasi kung kasama ko pa siyang pupunta doon. Hinarap naman ako nito bigla at tinignan ako ng may pagdududa. "Baka naman hindi ikaw ang maglinis at e utos mo lang sa iba?" May pagdududa ang sabi pa nito. "Kung like nyo Ma'am ay video ko na lang po ang pag linis ko doon para di na po kayo mag duda pa." Medyo inis ko na sabi sa kanya. Kaasar lang kasi " Pinagsusungitan mo ba ako ha Cordova? Huwag mo akong mataas taasan dyan ng boses at baka pag nainis pa ako sa iyo lalo ay di lang yan ang abutin mo." Galit ng sabi nito sa akin. "Sorry po Ma'am medyo na palakas lang po ang pag kakasabi ko."sabay yuko ng ulo at di na ito tinignan pa. "Oh siya pumunta ka na at na bwisit na ako sa iyo." Tumalikod na ito at naglakad ng palayo. Grabi ang sama talaga ng ugali nito. Hays kainis! Bakit ba kasi antanga ko at nahalikan ko pa ang isang to? Pero okay na rin. Masarap naman ang malambot nitong labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD