CHAPTER 27 Huli na ng matutukan ko ng baril ang humila sa akin dahil mas maagap siyang agawin ang armas ko. Alam kong dati na siyang naroon at inaabangan lang niya ang pagdaan ko. Lalong tumindi ang kaba sa dibdib ko dahil nasisiguro ko, iyon na ang katapusan ko. Sinira ko ang pagkakataon ko sanang makatakas. Ngunit hindi na ako basta-basta pahuhuli. Kailangan ko paring lumaban. Alam kong may magagawa pa ako. "Dude, si Zanjo ito." Bulong niya sa akin. Mabilis niya akong niyakap. "Mamaya na tayo mag-usap. Kailangan na nating makaalis dito ngayon din." Pinakawalan ko ang isang malalim na hininga. Bumalik sa normal ang dati'y malakas na kaba sa aking dibdidb. Ngunit kasabay naman iyon ng di ko mapigilang pagluha. Naluluha ako sa saya dahil sigurado na akong makakaligtas sa mga humahabol sa

