Chapter 28 Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga pinakikita ni Love na kakaiba. Hindi siya ganoon sa akin. Nang tinanong niya kung sino kami ni Zanjo ay alam kong malaki ang naging epekto ng pagtama ng ulo niya sa batuhan. Kinabahan ako. "Hindi mo ako nakikilala chief?" tanong ko. "Ano bang nangyari sa akin? Nasaan ako at sino nga kayo?" tanong muli niya. Bago ako sumagot ay dumating na si Dave kasama ang doctor ni Love. "Dok? Hindi niya ako nakikilala. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kaniya." Naluluha kong balita sa padating na doctor. "Mawalang galang na ho muna pero puwedeng sa labas na ho muna tayo maghintay para ma-eksamin ko pa muna ang pasyente?" pakiusap ng doctor sa amin. Hinawakan ni Zanjo ang braso ko. Naguguluhan ang mukha kong tumingin sa kaniya. Muli

