CHAPTER 25 Sa nasaksihan ko ay parang nanikip ang dibdib ko at tumigil ang mundo ko. Ngunit sandali lang iyon. Mabilis akong nahimasmasan. Agad akong lumapit sa bangin na kinabagsakan ni Love. Nakita kong nakahandusay na siya sa mabatong bahagi na iyon ng bangin. Sumama ang dugo sa umaagos na tubig. Bago ako tuluyang makababa palapit sana kay Love ay nasukol na ako ng isa pang rebelde. Nagsisigaw ako. Nagwawala. Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan ni Love. Puno ng luha ang aking mukha. Tumingin ako kay Zanjo. Humuhugot ako sa kaniya ng awa para tulungan niya akong iligtas si Love kahit alam kong hindi na siya mabubuhay pa sa natamo niyang tama ng baril at ang maaring pagbagsak ng kaniyang katawan at ulo sa mabatong bahaging iyon ng bangin. Yumuko siya. Tanda ng walang magawa. Senyales

