CHAPTER 24 "Tinamaan ka!" Nagkukumahog na lumapit si Love sa akin. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkataranta. Nakita kong umagos na ang dugo ko at pumatak sa lupa. Hinawakan ko ang sugat ko. Napaupo ako. Huminga ako ng malalim. Mabuti at naunahan ko ang dapat ay totodas kay Love. Napapikit ako. Taimtim na nagpasalamat sa Diyos na walang nangyaring masama sa kaniya. Lumuhod si Love sa likod ko. "Buddy! Tulungan mo akong dalhin siya sa hospital. Bilisan natin!" tawag ni Love kay Dave na nabigla din sa makapigil hiningang nasaksihan niya. Akmang bubuhatin na ako ni Love ngunit pinigilan ko siya. "Ano ka ba chief? Kaya ko pang maglakad. Balikat lang ang tinamaan sa akin. Daplis lang 'to kaya huwag kang OA." Nakangiti kong pagsaway sa kaniya. Napangiti din si Dave sa nakita niyang pagka-O

