CHAPTER 23 Sa Gamu, Isabela ako nadestino bilang 2nd Lieutenant ng 5th Infantry Division ng Philippine Army na kung saan ang pinakauna sa aming misyon ay buwagin ang mga naghahari-hariang NPA sa buong lambak ng Cagayan at sa kalapit probinsiya. Nagsimula na ang misyon ko bilang tagapagtanggol laban sa mga rebelde. Isa na ako sa mga kalaban ng grupong kinabibilangan ni Zanjo. Alam kong mangyayari na ang kinatatakutan kong digmaan sa pagitan naming dalawa. Si Love ang naghatid sa akin pauntang Gamu, Isabela. Ako ang nagdrive sa sasakyan namin na hiniram ko kay Mommy at si Love na lang ang magbabalik niyon pauwi ng Manila. Tahimik siya sa aming biyahe na para bang napakalalim ng kaniyang iniisip. Alam kong nalulungkot siya dahil ito na ang simula ng tuluyan naming paghihiwalay. Ngunit gusto

