Kabanata XI

3008 Words
Abandoned What just happened? What did I do? Bakit ako nandito? At bakit amoy suka ako? Maybe I should just shower? Nakakahiya naman kung tatanungin ko siya na ganito ang itsura ko, lalo na kung ganito ako kabaho! Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap sa kanya paglabas ng banyong ito. I acted so strange lately and I don't know what to do just to forget it. It is he we're talking about! The man who can make me crazy! Nilibot ko ang aking mga mata sa buong banyo. Mas malaki ito kumpara sa banyo ng hotel na tinutuluyan ko. At mas kumpleto ang mga gamit. Nakita ko ang kanyang shower gel na nakalagay sa toiletry rack. Nilapitan ko iyon at inamoy. Hmmm, just like the old times. Hindi niya pa din binabago ang gamit niyang shower gel. It was my favorite. Whenever we grab groceries and food for ourselves, I always recommend it to him. It smells oriental with a touch of woody scents. It's not that strong, and not too light. Tama lang sa pangamoy ko. Kung gagamitin ko naman iyon ay magiging magka-amoy na kami. But I have no other choice. Wala naman siyang shower gel ng babae. Ayokong tiisin ang amoy suka kong katawan.  Binuksan ko ang pintuan ng banyo at sumilip mula sa loob. Nanatiling ganoon ang pwesto niya. Ang pinag-iba lang ay ang ingay na nanggagaling sa kung saan. Salitaan ng mga tao ang aking naririnig, siguro ay nanonood ito sa telebisyon dahil nakatingin siya sa kanyang harapan. Nilipat niya ang tingin sa akin nang napansin niya akong nakasilip sa may pintuan. "Can I use your shower gel?" I hide my lips by pressing them hard together. Naglilikot ang aking mga mata dahil hindi ko siya matingnan ng diretso. I can't even think straight! He's half naked, by the way. "I just want to shower, I smell horrible." Inayos ko ang mga takas na buhok na tumatabon sa aking mukha at inilagay ito sa likod ng aking tainga. Hindi man lang siya sumasagot, tinititigan niya lamang ako habang nagsasalita ako. "Fine! I'll just change. No need to bother!" I yelled before shutting the door. Shutting it really hard so he could think that I am mad. I leaned on it and crossed my arms. Mas gusto niya sigurong gumamit si Dorothy ng kanyang shower gel kaysa sa akin. Well, of course! That's their things! They're free to share things because they have this thing for each other. The thing that we have before! Chloe naman kasi, umalis ka na lang diyan at sa hotel ka na maglinis ng katawan! Paano nga ako aalis kung hindi ko naman alam kung nasaan ang aking susi?  Napabalikwas ako sa katok niya sa pintuan. Bubuksan ko na sana nang narinig ko siyang magsalita. "You can use it," I twitched my lips from irritation. Pinakiramdaman ko siyang lumayo sa pintuan bago ako nagsimulang maglinis ng katawan. Hmp! Ipapagamit din pala, ipapahiya pa ako! Ipapahiya sa sarili ko. After I showered, sinuot ko ulit ang underwear ko. Sinikap kong hindi ito mabasa dahil alam kong wala naman akong pamalit. Maliligo na lang ulit ako kapag makauwi na ako sa hotel. I smell like him. I put on his T-shirt and faced the mirror. It hangs loosely on my body. Para akong hanger na binihisan ng ganito kalaking damit. Hindi ko na sinuot ang kanyang boxer, the shirt is enough to cover what's necessary. Lumabas na ako ng banyo at naabutan ko siyang may kausap sa kanyang cellphone. "Yes... no shrimp, please... two cups of tea... add lemon and honey to it... okay, thank you." Binaba na niya ang tawag and turned to me. "Nagpa-akyat na ako ng breakfast dito," anito. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. He fisted his hands and placed it on both sides of his oblique. "And please, put the boxer on!" He hissed. Pinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata. Hinilot niya ang kanyang sentido at tumalikod sa akin. Tiningala niya ang kanyang ulo. Para siyang nagpipigil at tila hirap na hirap. Napangiti ako. I still have that effect on you, Marco. "The shirt was long enough to cover my lower part. I don't need that boxer." Lumapit ako sa gilid ng kanyang kama. Ipinatong ko doon ang comforter na nadala ko kanina sa banyo. Mabuti na lamang at hindi ko iyon nabasa. Binuklat ko ang aking clutch at kinuha ang aking cellphone. "I think we have the same phone, can I please borrow your charger? It's hopeless." Inaro ko sa kanya ang aking patay na cellphone at winagayway. Tiningnan niya lamang ito bago ibinalik sa aking mukha ang tingin. "Please?" I pleaded. And then, he sighed and grabbed it to my hand. Umupo ako sa kama, crossed legged. I combed my hair using my fingers. I don't comb my hair using brush especially when it is still wet. Because combs and brushes can cause damage to hairs especially when it is wet. All I do is wait for it to air dry and that's when I start using brushes to comb my hair. Using drying and styling tools to the hair is also damaging that will cause dryness and split ends. My hair is jet black in color, ayokong lagyan ng iba pang kulay dahil mas gusto kong ganito ang buhok ko. Among my friends, ako lang ang natatanging iba ang kulay ng buhok. Theirs are dark brown while mine is black. Pinasadya nila iyon dahil gusto nilang ibahin ang kulay ng kanilang buhok. "Cover your legs," he ordered. Napalingon ako sa kanya at may galit sa kanyang mga mata. Ano na namang nagawa ko? "What now?" I asked. Kahit ano lang ang gawin ko napapansin niya pa rin. Kahit anong gawin ko, hindi niya nagugustuhan. Well, in the first place hindi naman talaga dapat ako nandito. Kung hindi lang ako nalasing ay makakauwi pa ako sa hotel. Well, Chloe, who the f**k told you to be wasted? In front of him? No one! It's your own doing. "Your panty-" he cuts off. Hindi niya matuloy ang kanyang sasabihin dahil nahihirapan siyang bigkasin iyon. Inirap ko ang aking mga mata sa ere at inayos ang aking upo. Kumuha ako ng unan at itinabon iyon sa aking mga binti. "Happy?" I asked sarcastically. And he just clenched his jaw. Narinig kong may nag-door bell. Bababa na sana ako para magbukas ng pinto pero naunahan na ako ni Marco. Kinuha niya sa isang kitchen crew ang tray ng aming pagkain at agad na sinarhan ang pinto. He even locked it! Hindi man lang nag-thank you! "Did you even say 'thank you' to that man?" I irritatedly said. He assembled the food on the two seated tables. The room in my hotel contains a queen sized bed, large sofa, bathroom and a cabinet. Samantalang ang kanya ay may table, sink at fridge pa! I just realized that it is a presidential room. Yaman! "Do you want to eat there or here?" He asks. Nilalatagan niya ng mga kubyertos ang aming plato. "It is fine there," I answered. Tumayo na ako at naglakad sa palapit sa lamesa. The food was even expensive! Sa plating at portion pa lamang nito ay alam ko na. Pinag-aralan ko ito noong high school dahil ito ang kinuha kong vocational major. The food looks expensive when the plating is expensive. Lahat ng ginamit pamula sa mantika hanggang sa plato ay mamahalin. Hindi ko pa naman dala ang wallet ko. I just brought one hundred pesos in my clutch! I sat on the chair opposite to him and start sipping the tea. Nalasahan ko agad ang pinagsamang lemon at honey. Just how I like it. "What's this?" Tanong ko nang hindi ako naging pamilyar sa mga pagkain sa hapag. Magkaiba namang ang pagkain naming dalawa. "That's Pasta Toss and this is Corn Beans Salad," he answered. And then, I nodded. "It's on the breakfast menu," he said. Tiningnan ko siya ngayon dahil hindi siya naging kontento sa responde ko. "Okay, thank you." Sabi ko at nagsimula nang tumusok ng pasta gamit ang aking tinidor. "You're welcome, he said without looking at me. Nagsimula na kaming kumain, I don't want to interrupt the smooth atmosphere around us if I asked him questions. Gusto ko nang umuwi pero hindi ko naman alam kung paano. I don't know where in Batangas we are. "Does my car with me?" Hindi ko na napigilan at natanong ko agad siya. Ang dami ko pang tanong sa kanya pero I will make it slow. Wala sa loob ng clutch ko ang susi pero sigurado akong dala ko iyon sa event. "Basement," he answered. Sinasagot niya ang mga tanong ko nang hindi man lang tumitingin sa akin. "Which part in Batangas are we?" Paanong magkasama tayo dito? Hindi ko iyon isinatinig. "Near the mall," Oh! It's the hotel in front of SM. That's why it's luxurious. Sa pangalan pa lang. Matagal ko na itong nakikita noon kapag pumapasyal ako sa mall. Nababalita ngang mahal magcheck in dito dahil high maintenanced ang mga gamit maging ang lugar. "Dito ka ba nag check in?" Or ikaw ang may ari? Pwede iyon. Mayaman na siya. "Yes," he answered without looking at me. Napakunot ang aking noo, I am now covered and yet hindi niya ako tinitingnan? "Where is my shoes and my keys? Wala iyon sa clutch ko." I asked. "Cabinet," kaya pala hindi ko makita ang mga iyon, nakatago! Pinagmasdan ko siyang kumain. Noon pa man ang maskulado ang dating nito. Kahit sa galaw nito ay kakikitaan ng kakisigan. "Bakit tayo magkasama ngayon?" Ito ang tanong na kanina ko pa gustong sabihin sa kanya. Hindi ko lang alam kung saan ko ipapasok. "You don't remember?" He asks. Tumalim ang kanyang tingin sa akin. He supposed to answer me with a statement or at least a phrase but instead, he answered me with a question. How brilliant! Bakit? Nagtatanong lang naman ako! I don't fully remember what happened. Basta ang alam ko lang ay reunion party ang dinaluhan ko at may nakasayaw akong lalaki pero hindi siya iyon. Nakakasiguro akong hindi siya iyon. Kaya nagtataka ako, why we ended up being together in one room?  Hindi ko siya sinagot at nagsimula na ulit kumain. Nagbilang ako ng dalawang minuto bago ko siya ulit tanungin. I eased the atmosphere first before asking another question. "Kailan ba matutuyo ang damit ko?" I asked. Nang makaalis na ako dito. Ayokong maabutan pa ako ng girlfriend niya at magsimula pa ang gulo. "You can't just really stay huh?" He hissed. Why would I stay here? I don't even have a business here. "I just need to run some errands," I said. I frowned at the thought na babyahe na naman ako ng malayo. Gusto ko nang magpahinga sa hotel. "Where are you going?" He asked. Why do you even care? "House," bakit ba parang nagpapaalam ako sa kanya? Ano bang pakialam niya sa mga gagawin ko? Bakit hindi si Dorothy ang tanungin niya niyan? Hindi ko na dapat pinapaalam sa kanya ang mga gagawin ko. I am nothing to him. "Calatagan?" Tanong niya. Saan pa ba? Iyon lang naman ang bahay ko dito.  "Yeah," tamad kong sagot. Natapos din ang diskusyon na iyon. Nasagot naman niya ang ilan sa mga katanungan ko. Natuyo din naman ang aking damit kaya hindi na ako magtatagal pa dito. At habang malapit kami sa isa't isa, bumabalik ang lahat. Lahat, kasama pati ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang hirap ng ganito. Yung pakiramdam na para kang inaatake ng mga bato na wala kang ibang magawa kundi ang takpan ang iyon sarili gamit ang mga braso. Ang depensa na mayroon ako ay balewala dahil may mga butas pa din na pwedeng atakihin. At ganoon siya, habang kasama ko siya, binabato niya sa akin ang katotohanan.  Siya. Ako. Kami. Pero wala. "I gotta go now, thank you." I said while putting my shoes on. Lalabas ako ng hotel na ito pa din ang aking suot. Pagdating ko sa hotel, maliligo agad ako. "Can I have the name of your accountant? I will process the transfer of my payment. Wala akong dalang pera ngayon." Tumayo ako ng tuwid at tiningnan siya. He crossed his arm while looking at me. I grabbed my phone to take note of the name that didn't even happen. "You don't have to," he said while roaming his eyes on my body. "I need to-" he cut me off. "Hindi kita sinisingil," he hissed. Nagtagis ang kanyang panga. "I know but I still owe you. I don't want to have depths." I said. Especially on you. "Hindi kita sinisingil," pag-uulit niya. This time, it's much harder. Pursigido na hindi ko na muling ulitin pa ang pangungumbinsi ko. "Okay, if that's what you want. I'll leave now." Pamamaalam ko. Tinahak ko na ang pintuan palabas. Huminga ako ng malalim, biglang gumaan ang aking dibdib. Kanina ay para akong pinagsakluban ng langit kapag magkalapit kami. At para naman akong hinihigop ng lupa sa tuwing titingnan ko ang kanyang mga mata. Ang kanyang mga titig ay nagsisindi ng apoy sa aking kalamnan. Naglakad ako sa pasilyo patungong elevator. Pinindot ko ang down button at pumwesto na sa tapat ng pinto. Nang bumukas ito ay laking pasasalamat ko nang wala itong laman. Dahil hindi ko din gugustuhin na may makasabay ako. Agad na akong pumasok at ito'y sumarado. Tiningnan ko ang aking repleksyon sa pintuan. Lumandas sa aking pisngi ang mainit na likido na nagmula sa aking mga mata. Hinayaan ko itong tumulo. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong umuwi ng Pilipinas. Nakakailang araw pa lamang ako dito at puro pag-iyak at pagtangis na ang aking ginawa. Bumabalik ang lahat ng alaala sa aking utak. I promised myself that I would be productive when I came back here. But that didn't happen. Ang makita siyang muli pagkalipas ng anim na taon ay parang langit. Alam kong madami na ang nagbago at hindi na kami tulad ng dati. Iba na nga ang kanyang mahal. Naaasiwa na nga siya kapag malapit ako. Nagagalit na siya sa kung ano man ang gawin ko. At naririndi sa tuwing nagsasalita ako. He's annoyed when he's with me. Hindi na dapat ako umasa na may patutunguhan pa itong nararamdaman ko.  Nagpakita lang siya ng magandang loob, bibigay ka na? Nasaan na ang inaalagaan mong pride, Chloe? Nasaan na ang itinayo mong haligi para hindi ka na ulit mabuwag? Tumunog ang elevator hudyat na nasa basement na ako. Pinalis ko ang luha sa aking mga pisngi at walang pagaatubiling lumabas na sa building na iyon. Hinanap ko ang aking sasakyan sa mga nakaparadang kotse. Pamilyar ako sa aking plate number kaya agad ko itong nakita. Hinanap ko sa aking clutch ang susi at agad itong pinatunog. Nabuhay ang makina at umilaw ito. Binuksan ko na ang driver's seat at pumasok. Inilagay ko sa aking tagiliran ang clutch, hinawakan ko ang manibela at nagset ng mode sa aking sasakyan. Huminga ako ng malalim bago ito pinaandar. Tama nga ako, ito ang hotel sa tapat ng mall. Pamilyar ako dito kaya hindi ako maliligaw pabalik sa Bauan. Tumagal pa ng trenta minuto ang aking biyahe pabalik sa Bauan. Hindi naman gaanong kabigat ang trapiko kaya madali lamang ang itinigil ko sa daan. Dumaan muna ako sa gas station para magpa-full tank. Mahabang biyahe ulit ang tatahakin ko at mabuti na iyong handa. Pinarada ko na sa tabi ng hotel ang aking sasakyan at pinatay ang makina. Bumaba na ako dito at dire-diretso ang lakad patungong kwarto. Napadako ang aking tingin sa mga pasalubong kong dala para sa aking mga kaibigan. Hindi ko pa pala ito naipamahagi sa kanila, siguro ay mamaya na lamang at papupuntahin ko sila dito. Nagtungo na ako sa banyo at agad naligo. Kiniskis ko pa ang katawan dahil nakakapit pa din sa akin ang bango ng kanyang shower gel. Natapos na ako sa panliligo, naghanap ako sa cabinet ng aking pwedeng suotin. Mainit ang klima ngayon sa Pilipinas. Palibhasa'y summer kaya tiktik ang init. Nahahalina akong magbeach kaya lang ay hindi pa kaya ng aking oras. Binunot ko ang loose off shoulder white top at ipinares ito sa aking itim na ripped jeans. Kinuha ko rin doon aking puting espadrillesat saka isinuot ang mga ito. Malapit sa dagat ang abandoned house namin. Kung makakapuslit ako baka makapaglangoy ako kahit kaunting oras. Ginawa ko munang panloob ang aking creamy white two piece. At magdadala na lamang ako ng pampalit at tuwalya, kung sakali. I grabbed my satchel and turned to the door. Nilock ko na iyon at dumiretso na sa baba. Binuhay ko ang makina ng aking sasaksyan at agad na itong pinaandar. Patungo ako ngayon sa Calatagan. Mommy loves the sea, kaya pinili ni Daddy na magpabahay malapit sa dagat. Lumipat lang kami ni Daddy ng Bauan noong tumungtong na ako ng high school. Hindi kasi namin kayang manatili pa sa bahay na magpapaalala lamang sa amin kay Mommy. It's sad and very quiet. Matagal ang naging biyahe, naging mahaba ang trapiko kaya paniguradong hahapunin ako. Nang nakarating na ako ay ipinarada ko na ito sa may silong ng puno. Natatanaw ko mula dito ang makalawang at puno na ng mga ligaw na halaman na aming gate. Nilapitan ko ito, sa bawat hakbang na ginagawa ko ay pumipitik ang aking sentido. Unti-unting pumapasok ang mga alaalang naiwan ko sa bahay na ito. Hinawakan ko ang malaking kandado at nanuot sa aking balat ang lamig nito. "I'm here," I whispered. Na tila ba may kausap ako. Bumuga ang malakas na hangin, ang aking buhok ay sumabog at agad ko itong sinikop at tinalian. Napangiti ako. Ito ang minahal ko sa lugar na ito. Ang sariwa at malamig na hangin. Dala ko ang susi ng kandado at walang alinlangan ko itong binuksan. Pumasok ako sa loob at bumungad sa akin ang hardin ni Mommy. Hindi na ito naalagaan dahil sabi sa akin ni Tita Mercy, nagkasakit daw ang nagbabantay nitong bahay namin. Ang dalawang palapag na bahay sa aking harap ay antigo. Kahit nagtutuklapan ang mga pintura, nangangalawang ang mga bakal, nagbitak ang mga haligi ay nakatindig pa din ito. "Finally," I breathes. Nag-iinit ang gilid ng aking mga mata habang pinagmamasdan ko ang bahay sa aking harapan. Dito ako nagsimula, dito ako unang gumawa ng mga alaala. Sa hindi ko malamang dahilan, bumuhos ang aking mga luha. Walang hikbing lumalabas sa aking bibig. Tanging pagluha lamang ng aking mga mata habang gumagala ang aking mga mata sa kabuuan ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD