Kabanata X

2996 Words
Remembering the Endearment Naramdaman kong ako ay lumulutang. Bumubukas ang aking mga mata ngunit agad ding pumipikit dahil sa bigat na nararamdaman. Ang mga pine trees ay mistulang naiiwan dahil nauuna ako sa pag-usad. Buhat ako ng isang lalaking hindi ko mapangalanan, ang aking paningin ay nagdidilim pa rin. Kumalam ang aking sikmura. Pakiramdam ko ay umaakyat sa aking lalamunan ang mahapding likido na kailangan kong ilabas. Pumiglas ako sa kanyang pagkakabuhat kahit ako ay nanghihina. "Stay still, Chloe." Inayos niyang muli ang pagkakabuhat sa akin at nagpatuloy sa paglalakad.  "I'm gonna p**e," I whispered. Pumiglas akong muli para maibaba niya ako. Nasusuka na ako at hindi ko na kayang pigilan pa. Napaduwal ako at agad na tinakpan ang bibig. Nakita niya siguro ang ginawa ko kaya tumigil siya sa paglalakad. Pagkababa niya sa akin ay agad akong sumuka. Sinikop ko ang aking buhok para hindi iyon masukahan. Tumulong ang lalaking bumuhat sa akin kanina sa pagsikop sa aking buhok. Hinawakan ko ang aking tiyan nang naramdaman ang muling pagkulo nito. Tila ba nahihigit ang aking mga bituka pataas sa aking pagduwal. Siya na mismo ang humawak at tinipon ang mga hibla ng aking buhok na tumatabon sa aking mukha. Kinangailangan ko ng makakapitan kaya humawak ako sa pine tree na aking katabi lamang. Kung hindi, baka maramdaman ko na lamang na ako'y nakalumpasay na sa semento. Ano bang iniisip ko? Na kaya kong uminom nang hindi nalalasing? Nonsense! Na kaya ko pa ring maging matuwid pagkatapos ng limang baso? Nonsense! Baka naman nagbago na ako. Baka naman kaya ko na. Total nonsense! I am not really a heavy weight drinker. I lack of alcohol tolerance. Kahit isang shot pa lang ay may talab na iyon sa akin lalo na kapag malaki ang porsyento ng alcohol sa isang inumin. Pareho kami ni Bethany. Kaya naman tuwing napapagusapan ang inuman, hindi kami pinapayagan. O kaya naman ay isang baso lamang.  Yeah, I lied to everyone about this thing. But who cares? I am desperate. Tumulamsik sa aking damit ang aking suka, lalo na sa laylayan nito. Nang matapos sa aking pagsuka ay tinuwid ko ang aking pagkakatayo at pinakiramdaman muli ang aking sarili.. Natanaw ko ang lalaki sa aking tabi, unti-unti lumiwanag ang aking paningin. Nanikip bigla ang aking dibdib, pamilyar na lalaki ang nasa aking harapan. Nahihilo pa din ako kaya hindi ko pinilit ang aking sarili. Hindi ko ito inaasahan. Totoo ba itong nakikita ko? Nananaginip ba ako? "Marco?" Tanong ko habang tinatanaw ito. Pinakatitigan ko ang lalaki dahil gusto kong makilala kung sino ito. Sa pagliwanag ng aking paningin, ay siya ring pagbalik ng aking mabibigat na talukap. Bumagsak ako sa kanyang katawan. Iyon ang huli kong naabutan bago ako nawalan muli ng malay. Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha. Hindi ko pa minumulat ang aking mga mata. Inunat ko ang aking mga kamay at binti. Bumaba ang kumot hanggang sa aking puson dahil nadala ng aking mga paa sa pag-unat. Naramdaman ko agad ang lamig na tumama sa aking dibdib. Tuluyan ko nang namulat ang aking mga mata. Ibang disensyo ng kwarto ang bumungasd sa akin. Agad akong bumangon mula sa aking pagkakahiga. Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto at napagtantong iba nga ito sa hotel na tinutuluyan ko. Pinasadahan ko ng tingin ang aking katawan, wala akong saplot maliban sa underwear na alam kong suot ko pa kahapon. Iba ang kulay ng mga linens sa kamang ito. At mas malaki ito sa kwartong nirerentahan ko sa Bauan. Mabilis kong hinila ang comforter at tinapis ito sa aking katawan. Kinakabahan ako. Narinig ko ang umaagos na tubig sa isa pang silid sa kwarto.  May kasama ako! Hindi ako nag-iisa dito. Oh s**t! Hindi ko naman matandaan na nagcheck in ako sa kwartong ito. Nasaan ako kung ganoon? Anong ginagawa ko dito? Hindi ko man lang makita ang aking damit. Tanging ang kulay pilak na clutch ang nasa tabi ng kama, namamahinga sa ibabaw ng maliit na lamesa. Kinuha ko iyon at agad na dinukot ang aking cellphone. Hindi ko iyon mabuhay, paulit-ulit kong pinipindot ang power button nito pero hindi talaga mabuhay. Ngayon pa? Dead battery na ang aking cellphone. Paano ako makakaalis sa lugar na ito? I don't have cash either!  "Where's my car key?" Hinalungkat ko ang laman ng aking clutch at ibinubo iyon sa aking harap. Wala iyon dito at kahit ang susi ng hotel ay wala din dito. Natatandaan ko na isinabit ko iyon kasama ang susi ng aking sasakyan. "Nasaan na iyon?" Halos sabunutan ko ang aking sarili sa pagkabigo. Narinig ko ang isang click ng door knob. Pinamuhayan agad ako ng kaba. Hindi ako makakatakas dito kung hindi ako kikilos. Pinalupot ko sa aking katawan ang comforter. Namumuo na ang pawis lamig sa aking katawan. Ipinasok ko ang aking mga gamit sa cluch at tumayo, nagmadaling makalapit sa pintuan. Hindi pa man ako nakakahakbang ay may bumukas nang pintuan sa loob ng silid. Pinagpawisan ng malamig ang aking noo sa kaba. Nang naramdaman ko ang kanyang presensya sa aking likuran ay humarap ako. Sa aking gulat ay hindi ko alam kung ano ang uunahin. My body swayed to the side at naapakan ko ang comforter. Nabitawan ko ang hawak ko sa comforter at natumba ang aking katawan sa gilid. "Oh my gosh!" Words escaped my mouth. Hindi ko alam kung saan ako dapat mahiya. Ang pagkakalampa ko o ang pagiging hubad ko sa harap ni Marco. Nalaglag ang aking katawan at nasalo iyon ng comforter kaya hindi ko halos naramdaman ang pagbagsak ko sa sahig. Just a slight pain from the impact. "Ouch!" I cried. Masakit ang parte sa aking puwet at tagiliran. "You okay?" He asks. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. How dare he ask me if I'm okay without helping me up? He's just standing there! In front of me. Calm, composed and unbothered!  Marahan akong tumayo habang pinupulupot sa aking katawan ang comforter. The fact that he saw me almost naked sends shiver all over my body. Nakakahiya! Nakakainis! Ang lapit ng pintuan palabas sa aking gilid ay tila naging malayo. Ang agwat naming dalawa ay nagdala ng kilabot sa aking kalamnan. Napakadaming tanong ang umiikot ngayon sa aking isip na parang siya lamang ang makakasagot. "I look okay," sarkastiko ang aking tono. Ngumiwi ang aking mukha nang pinilit kong gumalaw ngunit sumakit ang aking tagiliran. Sa aking harapan ay nandoon si Marco, looking intently at me. Observing me. Ginala nito ang kanyang mga mata sa aking katawan. Hingpitan ko ang kapit sa kumot na nakapalupot sa akin. Abot-abot ang tahip ng aking puso sa sobrang bilis ng t***k nito. "Sit down," matigas niyang sinabi. How dare you to command me? "Nasaan ako? Bakit tayo magkasama dito? Nasaan ang damit at sapatos ko?" Naglakad siya patungong cabinet at kumuha ng damit. Ibinaba niya iyon sa kama. "Basa pa ang damit mo, ito muna pansamantala ang isuot mo." Itinuro niya ang isang puting tshirt at boxer short na nakapatong sa kama. "Where's my keys?" Tanong kong muli. "Sit down," he ordered. "Marco nasaan ako?" I am now frustrated. Nangilabot ako sa aking sinabi. Nangingig ang aking mga labi sa kaba at lamig. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin. He crossed his arms on his chest, looking at me intently. "Batangas City," simple nitong sagot.  "Bakit tayo nandito? I need to go back to the hotel." Hindi na ako mapakali sa aking kinatatayuan. Ang tanging naiisip ko na lamang ngayon ay ang makabalik sa hotel. "Stay," umupo siya sa kanyang kama without breaking his eye contact to me, or my body. "Why?" Tanong ko. Bakit niya ako gustong manatili dito? Hindi ba siya nabibigatan sa atmosphere namin? At ano namang gagawin ko dito? Magkukwentuhan ba kami? Why is he alone here? "Saan masakit?" Tanong niya sa akin nang mapirmi ang kanyang tingin sa aking katawan na nababalutan ng comforter. "I'm fine," sagot ko habang iniinda ang sakit ng aking katawan. "No, you're not." He claimed. "I am fine," ulit ko. "Okay," tipid niya namang sagot. Ngunit nakatingin pa din siya sa akin hanggang ngayon. Never breaking a single stare. Biglang sumagi sa aking isip ang mga scenario na nakikita ko sa telebisyon. Sa kakapanood ko ng mga telenovela ay sari-sari na ang sumasagi sa aking isipan. Ganito din iyon gaya ng sitwasyon namin. Babae at lalaki na magkasama sa isang kwarto. Kalimitan ay may nagawang hindi naman inaasahan. Iwinaksi ko iyon at hinarap siya. Nakatingin pa din siya sa akin at tila walang balak na ito'y putulin. I know this will sound crazy, but... "May nangyari ba sa atin?" Agad kong ipinikit ang aking mga mata. Nahiya agad ako sa aking sinabi sa kanya. Nagbilang ako ng sampung segundo bago ko muling buksan ang aking mata at tiningnan siya. He is still looking at me. Sitting on that bed like he owns it. His legs spread widely. Ngayon ko lang napansin na wala siyang damit pang itaas! Bumaba ang tingin ko sa kanyang mga braso, it flexed when he shifted on his position. Bumaba pa ang tingin ko sa kanyang dibdib at abdomen. It was ripped and a bit bulky, halatang alaga ito sa gym. Napapalunok na lamang ako everytime he flexed. Tiningnan ko naman ang kanyang mukha. Hindi nakaligtas sa akin ang kanyang ngisi at matalim na titig sa akin. Napaawang ang aking bibig sa aking nakita. In front of me is a God, having a body like Adonis and a face like some Greek characters in movies. "What do you think?" He whispered. Kahit pabulong iyon ay narinig ko pa din. I quickly shivered.  "Marco naman eh!" I stamped my feet on the floor. And then, he chuckled. "Are you feeling sore?" He asked. Teasing me like we're okay. Na parang hindi ko siya nasampal kagabi. Pinakiramdaman ko naman ang aking katawan ngunit hindi naman ako nakaramdam ng masakit. "No," nagdadalawang isip pa ako sa pagsagot. "I'm sorry. Come here, baby. Dress up first." Natigilan ako sa aking narinig. He called me that. Hearing it again after six long years feels like music to my ears. My lips was pressed in thin line nang biglang gumuhit ang pait sa aking katawan. "We will not talk while you're like that," he said. Lalo lamang umapaw ang pait sa aking katawan. He doesn't want to see me like this? Mas gusto nya ba na si Dorothy ang nakaganito?  "Why? You like Dorothy's body than mine?" Hindi ko mapigilang ipakita ang pagkainis ko. "You just saw my body! And you prefer hers more than mine!" I hissed.  Hmp! Asshole! Naglakad ako palapit sa kama. Ang damit na pinapahiram niya sa akin ay katabi niya lamang. Agad ko iyong dinampot at nagtungo sa banyo.  Baby your ass! Ang kapal naman ng mukha niya para tawagin akong baby? What about that Dorothy? Baby din ba tawag niya, o iba pa? Hindi ka dapat basta magpapadala sa mga sinabi niya, Chloe. It was a poison! Kapag kinagat mo, mamamatay ka kahit humuhinga ka pa! And what was that earlier? What did I just say? How can I come up with that situation? Now, I really am a weird woman. Nakita ko ang aking long dress na nakasampay pa sa hanger. Basa pa nga iyon ayon sa naging tekstura ng tela. Ibig sabihin magtatagal pa ako dito? No way! What about my car? Nandito din ba iyon? Dinala ko ba iyon? Nakalimutan ko iyong itanong sa kanya. Masyado akong nabighani sa kanya. Oh! Little by little, I remembered what happened last night. I was drunk, a little, I guess. I am dancing with some other guy behind me. I really don't know him because I didn't get a chance to even look at his face. And then I saw him. Looking at me with dagger eyes. And after that, all black. And when I wake my senses up, he's lifting me. He's walking while carrying me. In the dark! With pine trees and benches we just passed by. Does that mean he brought me here? He really brought me here. Impit akong tumili dahil sa aking inis. How dare he?! Tiningnan ko ang white T-shirt na pinahiram niya sa akin. Itinapat ko iyon sa aking katawan. Nagmistula iyong bestida sa akin. Ang laylayan nito ay umabot na sa aking upper thighs. Just enough to cover my butt and some parts of my legs. He's really big now. I didn't expect him to be that good looking. "How will you know if she's the one for you?" I asked while looking at the sky. It's our picnic day, he planned everything bago siya pumunta sa boarding house ko. Bumiyahe pa talaga siya para lamang magkaroon kami ng oras sa isa't isa. "If she's really the one for me, mararamdaman ko na lang. There's no perfect explanation for that." He said and then looked at me. He smiled sweetly na parang ako lang ang nakikita niya. Kinagatan ko ang club house sandwich na aking ginawa. Kumagat din siya sa sandwich ko at tumingin sa ulap. "Hindi ba dapat magkaroon ka talaga ng eksplenasyon tungkol doon? Paano kung tanungin ka ng ibang tao? Anong isasagot mo?" I felt his arms covered my back and left shoulder. Pinisil pa niya ito bago sumagot. I smiled. "I will tell them the same answer I gave you," he fixed his eyes on me. Tila ba sinasaulo ang bawat detalye ng aking mukha. Uminit ang aking pisngi, agad ko iyong iniwas sa kanya. Ininuman ko ang baso ng juice na sinalinan ko kanina. He touched my chin with his thumb and index finger and guided me to slowly faced him. Pinunasan niya ang aking labi sa parteng may basa dahil sa aking ininom. "How about you? How will you know if he's truly the one?" He whispered. Sa sobrang lapit ng aming mukha ay para akong naduduling. Naamoy ko ang kanyang hininga habang siya ay nagsasalita, it smells like fresh mint. Pumungay ang aking mga mata habang tinitingnan ang kanyang labi. "The same answer," I said without leaving my eyes on his lips. It curved in half smile. "What are you looking at, baby?" Nagbalik ako sa ulirat sa kanyang sinabi. Inilayo ko ang aking mukha sa kanya. Umusog ako para magkaroon kami ng distansya.  "Wala," I hissed. I feel like his illegal. Everything about him seems like perfect. Kaya hindi ko masisisi ang ibang babae na lumalapit kay Marco. Minsan nga kahit naglalakad lang kami ay agad na siyang nakakatawag ng pansin. Hindi pa man siya nagsasalita ay napapalingon na ang mga babae. At tuwing nangyayari iyon ay para lamang akong hangin na sumasama lamang sa kanya. Pero kahit na ganoon, he never made me feel unwanted and invisible. Palagi pa niya akong pinapakilala sa mga babaeng nakakausap niya. Iyung iba ay pamilyar naman sa akin dahil naging kaklase o 'di kaya'y kaibigan niya. Kapag ganoon, magaan naman ang loob ko. May mga pagkakataon na hindi ko naman kilala iyong iba na lumalapit sa kanya. At sa tuwing ipapakilala niya ako ay agad na bumubusangot ang mukha nila. Nag-iiba bigla ang kanilang tingin kapag napapadako sa akin. Hindi man mahalata ni Marco pero biglang sumusungit ang mga ito kapag ako na ang nakikipagusap. I know how to be jealous and when to be jealous. Inilulugar ko ang aking pagseselos. Hindi naman ako mababaw para pagselosan ang napakaliit na bagay. He has a lot of friends, at lahat ng kaibigan niya ay kaibigan ko na rin. It's really hard for me kapag nasa ganoon kaming sitwasyon. Para bang basta na lang nagagalit ang mga ito ng wala namang dahilan. Wala naman akong ginagawa pero parang ang laki na agad ng atraso ko sa kanila. Nagkukulay kahel na ang langit, ang mga ibon ay nagsisiliparan na para sumilong sa mga puno sa paligid. Niligpit ko na ang mga tirang pagkain at inumin para ilagay iyon sa basket. Siya na ang nagtupi ng blanket at inilagay din ito sa basket. Ginawa niya itong tambil ng mga pagkain. "You know I can do that, right?" Tanong ko. Sa araw na ito, halos hindi niya ako pinapakilos.  "I know, but I won't let you." He said. "Why?" Bakit ayaw mo akong pagsilbihan ka? Kahit ngayon lang. "I am your man, Chloe. And I won't let you do it even if I know that you can." What? I am not following. "It's just a simple packing," pilit ko. "I know, baby." He said. Binitbit niya ang basket sa kanyang kaliwang kamay at pinagsiklop naman nito ang aming mga daliri sa kanyang kanan. Nilakad na namin ang kahabaan ng park patungo sa sakayan ng jeep. Siya ang nagbayad ng aming pamasahe pabalik sa boarding house ko. Sa akin maiiwan ang basket dahil gusto niya na ubusin ko ang mga tirang sandwich at iba pang pagkain. Nasa tapat na kami ng gate ng aking boarding house. Bawal ang mga lalaki dito kaya hindi ko na siya maaanyayahan na pumasok. "Ginabi ka na," kinuha ko na sa kanya ang basket at inilapag muna ito sa sahig. "I'll go now," he caressed my both cheeks and kissed my lips. "Can you promise me that you'll be okay here?" Matigas niyang ingles nang humiwalay ang aming mga labi. "Yes," I nodded. "Baby, will you promise me?" He never leaves my cheeks unoccupied. His both palms rested softly on my cheeks. "I promise," ako naman ang nagbigay ng mababaw at mabilis na halik sa kanya. Kinuha ko na ang basket at binuksan ang gate bago pumasok. I glanced at him one last time, waving goodbye before turning my back to enter my room. Baby. He called me baby a thousand times before. Hearing it again from him makes my knees tremble. Hindi lamang presensya niya at mga matang matatalim ang nagpapakabog ng aking puso. Ang marinig ko mula sa kanya ang salitang iyon ay para na akong nasa langit na naghahatid sa akin ng sobrang kaligayahan. Luma na iyon alam ko, pero kapag siya ang magsasabi niyon ay parang hindi ko pa iyon narinig kailanman. He sometimes wished that my second name will be 'Baby'. Tapos iyon daw ang itatawag niya sa akin. At siya lamang daw ang may karapatan sa pangalang iyon.  Corny, right? Don't be innocent. We're all experiencing this kind of act when we're in love. And it's normal. Ang salitang mahal kita ay naghahatid ng kilig sa mga babae. Pero para sa akin, tawagin niya lang akong baby, kikiligin na ako. He wanted me to have a nickname that only he can call me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD