Tipsy and Drown
Unang beses kong makasakit ng pisikal. Unang beses kong naranasan ang umagos ang dugo ng ibang tao sa mga kamay ko. Kahit hindi ko sinasadya ay nanginginig ako. Takot ang namayani sa aking dibdib.
Ayokong makulong. Ayoko. Hindi ko naman sinasadya. Wala sa kulungan ang buhay ko.
Masakit na ang aking mga paa sa kalalakad. Suot ko ang isang heels na sapilitang sinuot sa akin ni Tita Fely. Wala akong dalang ibang gamit, kahit pera ay wala. Balak kong magtaxi pero wala akong pambayad. Natatakot ako. Paano kung ipakulong niya ako? At ang mas higit pa doon ay ang ipapatay niya pa ako. Mayaman iyon at hindi hamak na kaya niya akong ipahanap at patayin.
Nakarating ang balita kay Tita Mercy. Hindi ko alam kung paano iyon nagkapakpak at nakarating sa kanya. Nakakasigurado ako na hindi ko pa iyon kailanman nabanggit sa kanya. Agad niyang pinahanap si Tita Fely para pagbayaran lahat ng kasalanan niya. Hindi lang sa akin, ganoon din sa iba pang babae na nabiktima niya. Mas masusunod pa din ang batas kahit na pamilya ko pa ang sangkot.
Hindi ko kayang magalit kay Tita Fely. Kamag anak ko pa din siya pagbaliktarin man ang mundo. Ewan ko pero wala akong maramdamang galit sa kanya. Alam kong hindi niya din gusto ang kung ano mang ginagawa niya. Napaguutusan lang din siya ng mas mataas kaysa sa kanya. Hindi ko ugaling magtanim ng galit sa mga tao.
Wala namang perpekto sa mundo, lahat tayo may kahinaan, lahat tayo nakakagawa ng kasalanan.
Pinauwi niya muna ako ng Batangas para pahupain ang nangyaring insidente. Ang aming abandunadong bahay ang pansamantala kong tinutuluyan. Mabuti na lamang at bakasyon na, wala akong pasok. Pagkauwi ko sa Batangas, una kong tinawagan si Marco. Siya agad ang hinahanap ko. Hindi ko ipinaalam sa kanya ang nangyari sa akin.
Hindi. Ayokong malaman niya.
"Marco," hindi ko napigilan ang aking hikbi. Ang aking mga luha ay patuloy na umaagos sa aking pisngi.
"Baby, you're crying? Where the hell are you?" Parang kulog ang kanyang boses habang naririnig ko iyon sa kabilang linya. Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata. Marinig ko lang ang boses niya, maayos na ako. Sa nangyari sa akin, siya lang ang unang taong pumasok sa aking isip na dapat kong puntahan.
"Umuwi ako ng Batangas. Nandito ako sa bahay." Isang hikbi ang aking pinakawalan kasabay niyon ang pagputol niya sa aming tawag.
Nanginginig pa din ako sa takot, hanggang ngayon. Kahit malayo na ako sa Maynila ay hindi pa din mabura sa akin ang takot. Isang linggo na ang nakalipas ngunit sariwa pa din sa akin ang nangyari. Hinding-hindi ko iyon makalimutan.
Ilang oras ang lumipas, bumukas ang gate ng aming bahay, mabibigat at mabibilis na yabag ang sunod kong narinig. Nakaupo ako sa sofa habang magkadikit ang aking mga tuhod sa aking dibdib. Sunod na bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Marco. Ang tunog nang tumamang kahoy sa simento ay malakas at mabilis. Magulo ang buhok at hinihingal niya akong pinagmasdan. Lumambot lamang ang kanyang mga titig nang nakita niya akong umiiyak at takot na takot. Agad siyang lumapit sa aking tabi, umuga ang sofa dahil sa bigat ng kanyang pagkakaupo. He let out a heavy breath before turning at me. His eyes was full of concern at may pag-iingat ang bawat kilos.
"What happened?" He whispered.
Walang lumalabas na salita sa aking bibig. Kumawala ang aking hagulhol at tinakpan ang aking mukha. Nanginginig ang aking mga kamay at dumadagundong ang aking dibdib sa lakas ng pintig ng aking puso. He carefully touched my feet at iginiya niya ito sa kanyang kaliwang gilid. Marahan niya akong hinila palapit sa kanya kahit na tinatakpan ko pa rin ang aking mukha. Nang naramdaman ko ang kanyang dibdib ay sinadya kong ihilig ang aking ulo na naghatid naman sa akin ng bahagyang pagkalma. Patuloy lamang ako sa paghagulhol habang hinahaplos niya ang aking buhok. Nilapatan niya ng marahan at mahabang halik ang aking ulo.
"I don't know why you are being like this. Could you please tell me?" Inangat ko ang aking mukha para magharap kaming dalawa. Puno ng pag-iingat ang kanyang ekspresyon habang nakapirmi sa akin ang kanyang mga mata.
Hinaplos niya ang aking balikat hanggang siko. Ang kanyang isang kamay ay maingat na nakapirmi naman sa gilid ng aking tuhod. Kung hindi ganito ang aking sitwasyon ay iisipin kong nag-aalab na ang apoy sa aking katawan ngayon. Sa aming posisyon ay agad nagtahip ang aking puso.
"I just missed you," I softly whispered. Napapaos ang aking boses dahil ilang gabi na akong umiiyak habang naaalala ko pa din ang nangyari.
Hindi ko pwedeng aminin sa kanya ang totoong nangyari. Natatakot ako at baka pati siya ay madamay kung malaman niya. Hindi ko kayang umamin sa kanya ngayon gayong tanging kaligtasan niya ang aking iniisip. Ayoko nang may masaktan pa. Ayoko. Ayoko kung siya ang madadamay. Hindi ko pa alam ang abilidad ni Ardente ngunit alam ko na kaya niya akong ipahanap.
Pumungay ang kanyang mga mata at unti-unting sumilay ang kanyang ngiti. Ginawaran nya ako ng isang mababaw na halik. Halos hindi ko iyon naramdaman dahil parang hindi naman naglapat ang aming mga labi sa sobrang babaw. Napapikit ako sa ginawa niya kahit halos hindi ko iyon naramdaman.
"I missed you too," he caress my elbow once again at agad iyong naghatid sa akin ng init at kiliti.
Natuyo ang aking mga luha at hindi ko namalayan ang aking pagkakatulala. Umihip ang panggabing hangin, agad kong niyakap ang aking sarili nang nakaramdam ng lamig. Nilingon ko ang kasiyahang nagaganap sa gymnasium. Nagbalik na ito sa normal at parang wala lang iyong nangyari kanina. Hindi ko alam kung may mukhang maiharap pa ako sa mga tao, lalo na sa mga kaibigan ko at kay Marco. Pagkatapos kong mageskandalo sa loob ay hindi ko alam kung ano nang ginagawa niya ngayon.
Binuga ko ang inipong hininga at nagdesisyon. Babalik ako sa loob, kakalimutan ang nangyari at makikihalubilo na parang walang nangyaring eskandalo. Alam kong mahirap iyong gawin pero ayokong ipakita na masyado akong naapektuhan sa halik niyang iyon. Kung nakalimot na siya, dapat ipakita kong ako rin.
Wala na ang halik na iyon. Iisipin kong hindi na lang sana iyon nangyari.
Ang daling sabihin, hindi ba? Taksil lang aking utak at puso dahil hindi na ito tila nakikinig sa akin.
Loud electronic music filled the room. Ang mga tao ay nagsasayaw na sa gitna, ang iba ay nasa gilid at may hawak na glass flute. Inikot ko ang aking paningin sa buong silid, hindi ko matagpuan kung nasaan na ang aking mga kaibigan. Siguro ay nakikisaya na din ito kasama ang kanilang mga asawa. Hinanap ko rin ang lamesa namin kanina, nandoon ang aking clutch. Nilapitan ko iyon at agad na kinuha. May dumaang batchmate ko sa aking likuran, naamoy ko sa kanya ang pinahalong champagne at vodka. Marami na iyong nainom sa tyanta ko.
Vodka? Akala ko ba wala silang hinahaing ganoon?
Nilingon ko ang counter na pinupuntahan ng mga tao. Doon ay nagbibigay sila ng mga alak at iba pang liquor. Kumunot ang aking noo, sinabi sa akin ng waiter na kinausap ko kanina ay hindi daw sila nagse-serve ng ganyang mga klaseng inumin. Niloloko ba ako ng mga tao dito? O ako ang nanloloko sa sarili ko? Iwinaksi ko iyon sa aking isip at nagtungo na din sa counter.
I really need a f*****g drink!
"Three shots of hard tequila," madiin kong sinabi iyon sa lalaki. Agad naman niya akong binigyan. Sunod-sunod ko iyong nilagok at agad gumihit sa aking lalamunan ang lamig. Umupo ako sa stool at humingi pa ng kasunod. Pagkabigay niyon sa akin ay agad ko namang ininom.
"More," I ordered. Binigyan niya ulit ako ng isa at agad ko iyong ininom.
"Give me something hard aside from these," bumibigat na ang aking ulo at nararamdaman ko na din ang aking panlalambot.
"Ma'am sigurado kayo?" Tanong sa akin ng lalaki. Mukha ba akong nagbibiro ngayon? Tiningnan ko siya ng matalim at nakitaan ko naman siya ng takot.
"Hindi pa po ba hard iyong nainom niyo kanina? Ikaapat na shot glass niyo na po ito Ma'am." Sabi niya habang may hinahalo siya sa isang container. Tinapunan ko ulit siya ng matalim na tingin.
"Just give me a hard damn drink!" I hissed. Akala siguro ng lalaking ito ay nakikipagbiruan ako. Napagtaasan ko siya ng boses at nagulat naman siya sa biglaan kong pagsigaw. Binigyan niya ako ng isang baso na may kulay kayumanggi na likido. Ito na siguro ang pinakamatapang na inumin dito.
"Bakit isa lang?" Pinagtaasan ko pa siya ng kilay.
I'm not really in the mood. So please, huwag kang makisabay. At aawayin ko lahat ng makakabangga ko.
"Ma'am, hinay lang naman po kayo. Hindi ko po alam kung paano kayo malasing. Matapang po iyan." He said. Pagtukoy sa panibagong baso sa aking harapan.
"I am not your responsibility!" I said laughing.
"Pero Ma'am-" I cut him off.
"Wala kang pakialam! Give me my drink, and we will both be okay." I yelled at him once again.
Ininom ko ang nasa baso na kanyang binigay sa akin. Ramdam ko ang pag-agos nito sa aking lalamunan hanggang sa sikmura. Mainit at tila kumukulo sa aking tiyan. Baka naman asido itong binigay niya sa akin? Bakit mainit? Agad na umikot ang aking paningin, pinikit ko ang aking mga mata at marahas na pinilig ang aking ulo. Tumabon sa aking mukha ang aking buhok.
"Ma'am ayos lang kayo?" Puno ng pag-aalala ang kanyang boses. Para bang may ginawa siya na ikakasama ko. Hindi ko tuluyang mamulat ang aking mga mata dahil nahihilo pa din ako. Kinapitan ko ang lamesa dahil pakiramdam ko ay mawawala na rin ako sa balanse.
"I'm fine," tipid kong sagot.
Tumayo ako at tama nga ang hinala ko. Nawalan ako ng balanse, mabuti na lamang at hindi pa ako bumibitaw sa gilid ng lamesa. Kinondisyon ko ang aking sarili bago tuluyang mumulat. Pumupungay na ang aking mga mata.
The electronic music invited me to dance. Walang pag-aatubiling naglakad ako sa gitna. Nakihalo sa dagat ng mga tao. Sino ba ang mga ito? I can't even remember them all. Kung sino-sino ang sinamahan ko para lang makisayaw. Hindi ko sila makita ng maayos dahil sa dilim na tanging disco light lang ang nagsisilbing ilaw. Nakapikit lamang ang aking mga mata habang gumagalaw ang aking katawan kasabay ng musika. May biglang kumulbit sa akin at nilingon ko iyon.
"I need to go home!" Hindi ko narinig ang kanyang sinabi. Hindi ko makita ng maayos ang kanyang mukha. Kasama niya ang isang lalaki na inaalalayan ito.
"What?!" Tanong ko. Bahagya pa siyang lumapit sa akin para sa tainga ko sabihin.
"I said, I need to go home. Ivan here wants us to go home. It's getting late." Oh! It's Lauren.
Nilakahan ko ang aking mga mata para mas makita sila. It is Lauren, beside her is her husband Augustus. Nakita ko kung paano niya protektahan si Lauren para lamang hindi matamaan ng mga wild dancer. Pumwesto pa ito sa likuran nito at hinawakan ang magkabilang balikat nito. Ang mga kamay ni Lauren ang nakalagay sa kanyang tiyan. Tila ito ay pinoprotektahan rin.
She shouldn't be here! People are getting wild around us. They're all grown ups but when they dance, they just dance the night away! Not giving a damn in their surroundings.
"Go home, now! Gus, take her now!" I yelled.
Natakot akong bigla sa pwedeng mangyari sa kanyang sinapupunan. Bakit pa siya nagpunta sa dancefloor para lang magpaalam sa akin? She should have just text me if that's the case! Para namang may panahon pa akong magbasa ng mensahe. Ganoon nga ang ginawa nila. Tinulungan ko pa silang makalabas sa dagat ng mga mararahas na taong sumasayaw sa alindog ng musika. Inalalayan ko sa paglalakad si Lauren hanggang makalabas ito sa exit ng gymnasium. Medyo mahina na ang abot ng tugtog sa aming banda. Nakahinga naman ako ng maluwag nang walang nangyaring masama sa kanya. She is very delicate when she's in this condition. Hindi ito ang specialization ko sa medisina pero alam kong bawal siya sa ganito.
"I just realized na hindi ka na pala dapat nagpunta dito," hindi ko napigilan ang sermonan si Lauren. She just stayed quiet.
"At ikaw naman Gus, buntis iyang asawa mo pero nagpunta pa kayo dito. Bawal siyang mapuyat at mapagod!" I hissed. Sinama ko pa si Gus sa aking sermon.
I told you. I'm not in the mood.
"Madali lang naman kami, at hindi ko lang nakayanan ang kakulitan nito." Gus snaked his arms on Lauren's waist. Ang isang kamay nito ay humahaplos sa umbok sa tiyan ng asawa. Hindi ko napigilan ang pag-irap sa ere.
"Kahit na-" hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang sumingit si Lauren.
"I'm not fragile, Chloe. Kaya ko pang tumakbo." Lauren said. I scanned her feet at nakita kong nakaheels pa ito! Sinapo ko ang aking noo at sumuko. Hindi ako pwedeng makipagtalo sa buntis. It will give her stress!
"There's a hundred possibilities that may happen to you in your condition. And Isabella doesn't forbid you?" Ang alam ko ay si Isabella ang OB nito.
"She won't allow her, but you can't win against her." Gus supported her wife like a fragile vase.
"Sige na, umuwi na kayo. Gus please take care of her." I said.
"As always," hinalikan pa ni Gus ang kanyang asawa bago ito alalayan at tumulak na palabas.
They kissed in front of me. Okay, fine!
Nanggigigil ako!
Nawalang bigla ang aking pagkahilo. My tipsiness also washed away. Ang plano kong magpalunod at magpakalasing sa alak ay namayani sa aking isip. I don't know, I just feel like drowning tonight.
Bumalik ako sa counter at sinabi ang pareho kong order kanina.
"Ma'am baka naman po mapa'no kayo niyan," ang hilig makialam ng lalaking ito ha! Isa na lang. Ipapakita ko sa kanya kung paano talaga ako kapag lasing.
"Just give what my orders are. Huwag mo na akong pakialamanan at wala kang magiging problema. Gawin mo na lang ang trabaho mo." I hissed. Binigyan niya ako ng dalawang baso ng kulay brown na likido kagaya kanina. Bibigyan din pala ako ang dami pang satsat!
Magulang kita, kuya? Magulang kita?
Boyfriend kita? s**t! I don't even have a boyfriend.
"Pasensya na po Ma'am, napag-utusan lang naman po ako." Nilagok ko ang isang baso at gumuhit ang pait nito sa aking dila. Tulad ng kanina, tila kumukulo ito sa aking tiyan. Nagaalab na apoy habang dumadaloy sa aking lalamunan.
"Sino namang nag-uutos sayo?" Medyo mahina ko iyong sinambit. Nakakahilo at para na akong masusuka. Hindi niya sinagot ang aking tanong. Imbis ay tumalikod na ito sa akin at inasikaso ang ibang taong humihingi din ng inumin.
"Didn't you hear me? Sinong nag-utos sayo?" Tanong ko sa kanya. Hindi man lang siya tumingin sa akin at nagasikaso ng kung ano sa kanyang harapan. Umirap ako sa ere nang wala akong nakuhang sagot.
Sinong nag-utos na pagbawalan ako? Anong karapatan niya sa buhay ko? Sa pagkakaalam ko, pag-aari ko ang sarili ko. At walang sinuman ang pwedeng makontrol ang mga gusto ko!
"Sabihin mo doon sa kung sino mang nag-utos sayo na huwag akong bigyan ng alak-" hindi ko natuloy ang aking sasabihin ng bigla akong sininok.
"You don't own me," pagpapatuloy ko.
Nilagok ko na ang isa pang baso at ininda ang pagkahilo. Nagtungo ako muli sa gitna at nakihalubilo na ulit sa mga tao. Hinahanap ng aking mga mata ang aking mga kaibigan. Dala ko naman ang aking clutch at nandito ang cellphone ko. Ngunit hindi ko magawang magtipa ng mensahe dahil sa nagtutulakang mga tao. Ngunit ginawa ko pa din, nagtipa ako ng mensahe sa isa man sa kanila at nagtagumpay naman ako. Itinago ko na sa aking clutch ang aking cellphone at tuwid na tumayo. Iwinaksi ko ang aking pagiisip at sumayaw na lamang. Sinunod ko ang aking katawan sa daloy ng musika. Loud electronic music filled my system at mas lalo pa akong ginanahang magsayaw.
For almost six yeays, hindi ko naranasang sumayaw ng ganito. I'm not a party goer type of woman even back in Norway. Palagi lang akong nasa bahay o kaya ay nasa opisina ni Tita. I danced other kinds of choreographies but not like this. Hyper, wild and sensual.
Naramdaman ko ang brasong pumulupot sa aking tiyan. Sinabayan niya ang aking galaw. May naaalala ako sa kanyang mga haplos. Bahagya pa niyang hinapit ang aking katawan para mas maramdaman siya. Nawawala na ang aking ulirat at wala na akong pakialam sa paligid. Hindi ko ininda na naka-long dress nga pala ako ngayon para magsayaw ako ng ganitong klaseng kilos. Hindi appropriate ang aking suot na damit sa ganitong klaseng sayaw. Ngunit wala na akong pakialam, ang magsayaw kasama ang lalaking nasa aking likuran ang tangi ko na lang naiisip. Kung sino man siya ay wala na akong pakialam.
Pagkatapos nito ay babalik din naman ang lahat sa normal.
Inilalapit pa niya ako lalo sa kanyang katawan. Ang kanyang hininga ay naramdaman ko sa aking leeg pataas sa aking pisngi. Naghatid sa akin iyon ng panandaliang kiliti. Pinikit ko ang aking mga mata habang nagsasayaw. Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Hinalikan niya iyon ng isang beses. Umakyat ang kanyang labi pataas sa aking tainga.
Hindi ko na matandaan kung nagawa ko na ba ang ganito noon. Ngunit ang tanging tumatakbo na lamang sa aking isip ay ang musikang namamayani sa buong silid.
"Damn, I'm so f*****g turned on." Puno ng pagpipigil ang boses ng lalaki sa aking likod. I chuckled nang naramdaman ko nga iyon. Marahan pa niyang pinisil ang aking baywang. Hindi naman ako inosente para hindi malaman na he's hitting on me. Hinayaan ko na lamang siya dahil pagkatapos nito ay wala na. Hindi na din naman niya ako maaalala. At hindi ko na rin naman siya kilala. Dahil hindi ko na rin maaalala kung ano man ang ginawa ko.
Ang bigat sa aking ulo ay umaatake na naman. I'm tipsy, that's all I know. Ngunit hindi pa iyon sapat sa akin. Gusto kong bumalik sa counter para uminom. Parang nakukulangan pa ako sa sakit ng aking ulo ngayon. Minulat ko ang aking mga mata at hindi ko inaasahan ang aking unang nakita. Those dagger eyes of him is looking at me intently. His lips were pressed into thin lines while his fist was clenched and closed. Natigil ako sa pagsasayaw, ganoon din ang lalaking nasa aking likuran. Hinaplos nito ang aking tiyan.
"What's the problem?" He whispered to my ears sensually. Hindi ko iyon magawang pansinin dahil gulantang ako sa lalaking nasa aking harapan, dalawang metro ang layo. Nakatingin sa aking direksyon na tila hindi nagugustuhan ang aking ginagawa.
"My love," I breathes. Nalimutan ko kung nasaan ako. Nalimutan ko na may sumasayaw na lalaki sa likod ko. Siya na lang ang nakikita ko ngayon na maliwanag. Ang mga mata niyang halos tagain ako.
Pumintig ang aking sentido, bumalik ang mabigat na pakiramdam sa aking ulo. Ang aking sikmura ay kumukulo at parang gusto kong masuka.
Nabitawan ko ang aking clutch at bumagsak ito sa sahig. Bago ko pa iyon malimot ay bumagsak na rin ang aking katawan. Nakita ko ang kanyang pagmamadaling makalapit sa akin para ako ay tingnan at daluhan.
And then, everything went black.