Kabanata VI

3083 Words
The Unexpected Encounter Lumilingas sa aking looban ang pait na aking nadarama sa tuwing magtatama ang aming mga mata. It sent shiver down my spine that I couldn't help to make it stop. Baka bumigay ako at tumakbo palapit sa kanya upang siya ay yakapin at sabihin sa kanya ang aking nararamdaman. Seeing him again after six years feels like home. Siya lang ang kayang gumawa nito sa akin. Kahit ilang taon na ang lumipas, siya pa rin talaga ang mahal ko.  Nang matapos kong patuyuin ang aking damit ay bumalik na ako sa lamesa namin. Nawala ang aking gana nang maramdaman ko ang aura na bumabalot sa kanilang dalawa. Isang tingin ko pa lamang, hindi ko na talaga nagugustuhan na magkasama sila.  Magkatabi lang ha, paano pa kaya kung maghalikan na sila? We can't stop that, they're in a relationship after all. Pinaglalaruan ko ang soup na pinalitan na kanina. I don't feel like eating this anymore. "That Dorothy Salazar is an example of a desperate b***h," nilingon ko ang aking kaibigan na si Lauren na nangigigil habang palihim na tinuturo iyong kasamang babae ni Marco. "You're pregnant, Lauren. Don't stress yourself." Banta ni Bethany sa katabi ko. "True! I heard na tinaboy na daw iyan ni Marco pero masyadong makapal ang mukha at hindi nagpatinag." Sinang ayunan naman agad ni Isabella and sinabi ni Lauren. "Tinaboy noon, tinataboy pa din ba hanggang ngayon?" Sarkastikong sabi ni Bethany. Napatingin sa kanya si Isabella.  "Ganyan talaga kapag kamag anak ng linta. For sure, pera lang habol niyan!" Everly looked on that Dorothy na parang handa na siyang manugod at kalbuhin ito. "Mayaman ang pamilyang pinanggalingan niya. Panigurado akong hindi pera habol niya." Singit ko sa kanilang usapan. I can sense her genuine feeling towards Marco. Nakikita ko iyon sa tuwing titingnan niya ang binata. "Totoo ang sinabi mo. Pero hindi ko talaga nagugustuhan na magkasama sila." Lauren works for Marco's company bilang isang interior designer. Malamang ay palagi nitong nakikita na magkasama ang dalawa kahit sa opisina. "Let it pass, guys. Hayaan niyo na sila. Ang mahalaga ay magkakasama tayo ngayon." Nakangiti ako habang sinasabi ito. Desperadong maitago ang sakit na nararamdaman sa aking loob. "Iyan naman talaga ang trabaho ng linta. Kahit hindi nagugustuhan, kumakapit pa din." Everly butted again. "We don't know kung ang kinakapitan ng linta ay bumigay na din," ani Bethany. "Beth, what's your problem? Kanina mo pa kami binabara." Hindi na napigilan ni Isabella ang magsalita. Bethany just shrugged her shoulders at nagpatuloy na sa paghigop ng soup. "Ang sabi sa akin ni Wilder ay pinagkasundo ang dalawa," sambit ni Bethany. "Hindi talaga ako fan ng mga fixed marriage na iyan! Nakakasira iyan ng buhay!" Monica hisses in frustration. Nakaranas ito ng ganoong senaryo sa kanyang buhay. Kaya ganoon ang kanyang pananaw tungkol doon. Natatandaan ko pa kung paano ito umiiyak tuwing gabi habang nagmamakaawa sa kanyang italyanong ama. "Let's stop right there. Baka marinig pa nila tayo." Marahan kong paalala sa mga ito. Nakikita ko ang pagkadisgusto ng mga ito sa kanilang kinikilos at mga sinasabi. Ngunit ano ba ang magagawa ko? Hindi ko naman kayang kontrolin ang mga opinyon nila. Papalit-palit lang ang aking tingin sa kanila habang pinaguusapan nila ang babaeng kasama ni Marco. They look good together, I assumed. Para bang itinadhana sila at ngayon ay ginagawa na nila ang nararapat para punan ang blangkong mga guhit sa kanilang buhay. Pinagkasundo man o hindi, masaya pa din siya kapag kasama ito. Nakikita ko naman.  Nahihirapan ako, masyadong masakit na makita siyang may kasamang iba. Sinabi ko noon sa sarili ko na magiging masaya ako kapag nakita ko siya sa piling ng iba. Pero hindi ko pala kaya. Sinupalpal sa akin ng langit ang lahat ng aking mga sinabi. He's happy with her and I can see it in them. Para silang isang maharlika na pumasok sa sarili nilang kaharian. Matagal akong nawala dito. Hindi ko alam kung gaano na ba kalalim ang nararamdaman nila sa isa't isa. Magkaibigan muna ba sila bago siya ligawan ni Marco? Niligawan pa ba siya ni Marco? Hindi ko alam kung paanong pinagkasundo ang dalawa. He never mentioned anything about it before. Pinili siya ng mga magulang niya para sa kanya. She must be that likable. Sana ako rin. s**t! Hindi ko maiwasang mainggit. Nawalan na ako ng gana sa pagkain lalo na nang sa katapat naming table sila nakaupo. Agad na dumagundong ang aking dibdib sa malakas na pintig ng aking puso. He was so gentle habang inaalalayan niyang umupo ang kasama niyang magandang babae. "Nasaan nga pala ang mga asawa niyo? Yung fiancé mo?" Garalgal at nauutal ako sa aking pagsasalita. I need to divert my attention para matigil na itong naghuhuremantado kong puso. "They were probably with their friends, hinayaan na namin kasi ngayon na lang naman ulit mga nagkita." Si Bethany ang sumagot sa akin. She slurped her soup in an elegant manner. "My fiancé is in Romblon. He's busy preparing for our wedding next week." Monica was blushing every time we talked about her fiancé and the upcoming wedding. Masayang masaya siguro siya na magpapakasal na din siya. She was the youngest in my group of friends.  And I can't believe na mauunahan pa niya ako! Na parang may plano ako? Boyfriend nga wala, magpakasal pa kaya. "How about you Chloe Scarlet? Any plan? At kailan?" Ang tinutukoy siguro nitong si Lauren ay kung magpapakasal na ako. "I don't have a boyfriend," naiilang kong sagot. "Don't lie to us!" Isabella exclaimed. "I didn't lie," sagot ko. "Hindi mo pa ba iniisip na magkapamilya?" Tanong sa akin ni Lauren. "Wala, hindi pa ako handa." Iyon na lamang ang sinagot ko dahil hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon. They were all looking at me, measuring my expression. Nakikitaan ko sila ng humor at multong ngiti sa mga labi. Talagang hindi ako tatantanan ng mga ito ha? "Come on! You're successful now. Ano pa bang gusto mong makamit?" Ani Everly. "Wala pa lang sa bokabularyo ko ang pagpapakasal," sagot ko. "If you wait for yourself to be ready, you'll have to wait forever." Bethany said. Napatitig ako sa kanya nang sabihin niya iyon. Hindi ko lubos maisip na sa kanya ko pa maririnig ang mga salitang iyon. I have known her even if I am away. Noon ay binabanggit niya rin sa sarili niya na hindi pa ito handa para sa kasal o pagkakaroon ng pamilya. Ngayon, ay siya pa ang nagpayo sa akin ng ganoon. "Speaking of success, magkwento ka naman. I heard your name is raining on Norway!" Sabi ni Monica. Mahirap din palang sagutin ito. Hindi naman totoo na sikat ako sa Norway. Walang wala pa din ang pagkakakilanlan ko sa kaibigan kong si Gab. He's five times more famous than I was. "I'm not really that successful," sagot ko. Bigla tuloy akong nailang. "What? I've watched some international news on TV. At hindi ako nagkakamaling nakita kita minsan doon!" Giit ni Everly sa usapan. "Nahagip lang ako," simple lang ang mga sagot ko.  "Bakit?" Sabay sabay nilang tanong. Bigla akong natuwa sa kanila. "My friend Gab was an international famous tycoon's son. We hang out often. Alam niyo naman ang media, lahat ng tungkol sa pamilya nila, gustong ma-cover. Maging yung mga sabit." Sagot ko.  I once remember kung paano ako na-harassed ng isang reporter noon sa Oslo. She want to have an interview with me pero hindi ako pumayag. She grabbed and pulled me towards her para sapilitan akong mainterview. Mabuti na lamang at kasama ko noon si Gab kaya naprotektahan ako ng mga bodyguards niya.  That's when I started learning Martial Arts. Gab encouraged me to defend myself from that kind of people. I don't like violence but I need to if it's necessary. "Oh! Your friend is rich." Everly hissed. Napalingon ako sa kanya at makahulugan ang kanyang titig at ngiti. "Filthy rich," Bethany said. "Wow," everyone recited.  "And your career? Care to tell us?" Tanong naman ni Isabella. "I'm a doctor," sagot ko. Bakit ba sa akin napunta ang usapan na ito? Ako na lang ba ang pwede nilang maging topic dito? "That's it?" Lauren asks. "Ano pa bang sasabihin ko?" I don't do much about my career. I am just focused on reaching my goals. "Everything!" Lauren hissed. Umirap ang aking mga mata sa ere. Hindi ako tatantanan ng mga ito hangga't hindi ko sila pinagbibigyan. Mabuti na din, para hindi ko na sila malingon. Sumasakit lang ang aking mata at puso kapag nakakakita ako ng ganoong klaseng view. "I was once featured on TV because of being graduated as Filipino foreign student on that university,"hindi madali ang pinagdaanan ko bago ko makamit kung nasaan ako ngayon. There are times that I just wanted to give up, especially on my first year of residency. Ang pakikibagay ko sa mga tao doon ay hindi madali. Lalo pa at ibang lengguwahe ang gamit. I'm so relieved that they also speak English, but hey, mahirap din kaya iyon. "And?" They want more! Ano pa bang dapat sasabihin ko? I don't even have a secret. "And I got ninth place for passing the board exam to be a licensed physician," sabi ko. Umiyak ako noon sa harap ni Tita nang makita ko ang result. I even kissed the floor of our sala that I forgot about everything. I didn't expect na makakasama ako sa top ten. Makapasa lang ako ay ayos na sa akin. But it was a blessing for me, afterall.  "I just gave my best, that's why I'm a doctor now," dugtong ko. "We knew you could do that!" Isabella praised me. I smiled at them. "You are an acer ever since high school," papuri naman sa akin ni Lauren. "How about that Gab? Did you see him as your husband? He was a good catch ha! Gwapo at mayaman. Saan ka pa?" Kapag talaga gwapo ay mabilis ang dila nitong si Everly. Hanggang ngayon ay madami pa din itong crush kahit na may asawa na. "He was just my friend," simple kong sagot ngunit ginatungan nila ito ng kantyaw. "I don't see it with Gab. He's looking at you differently, romantically." Sumimsim muli sa kanyang soup si Lauren. "Hindi mo pa naman siya nakikilala pero kung masabi mo iyon ay parang nakita mo na siya," sambit ko. Nakakatuwa talaga itong si Lauren. Kahit hindi nakikita ay may masasabi na sa mga bagay. "On TV! Kapag nahahagip kayo ng camera!" Sabi ni Lauren. She's right, nakikita ko din iyon kay Gab. Pero hanggang kaibigan lang ang kaya kong iparamdam sa kanya. Ilang beses na siyang umamin sa akin noon pero palagi ko siyang binabusted. Akala ko nga magagalit siya at iiwasan ako pero hindi. He was very understanding of my situation. Kahit nawalan na ako ng gana ay naubos ko naman ang soup. Sumunod na hinatid sa amin ang main course meal. Nasa kalagitnaan na ako ng aking pagsubo nang napalingon ako sa kanya. Looking at me with his dagger eyes. He's looking at me! Bigla akong nahiya sa aking ginawa kaya binaba ko ang kutsara at tumikhim. Hindi ako mabusog-busog nang dahil sa titig niyang iyan.  "Hindi mo ginagalaw pagkain mo bes, any problem? Hindi mo ba gusto?" Napansin agad ni Isabella ang hindi ko pagkibo sa aking pagkain. Nilingon ko siya agad at ginawaran ng ngiti. Hindi sana niya napansin ang pakikipagpantayan ko ng titigan kay Marco kanina. "I'm fine. The food is nice." Binalik ko sa pagkain ang aking atensyon. Pinilit kong sumubo at lumunok kahit na nahihirapan ako.  His eyes reminds me of sorrow. His lips reminds me of pain. His presence reminds me of how deep my love is.  Kapag nagtatama ang aming mata ay agad akong kinakabahan. Ayoko munang bumigay, ayoko munang kumilos. Kapag nagpadalos-dalos ako ay ako din ang magsisisi. Hindi ko na dapat pang pinapakialam kung ano ang aking nararamdaman. Wala na itong patutunguhan gayung masaya na siya at kita ng aking dalawang mata.  He's slicing the steak perfetly. Kahit na anong gawin niya ay parang sa kanya nagmula ang lahat. Pinagpalit pa niya ang plato nila ni Dorothy at ibinigay dito ang may hiwa nang karne. He knows how to be a gentleman when it comes to her. "Stop looking," Lauren whispered. Nilingon ko sya na para bang tutulo na ang aking luha. Mahina ako kapag ganito. Ako yung talo dahil wala naman akong pinanghahawakan.  Agad na gumuhit sa aking katawan ang pait at ang inggit. Hindi niya iyan ginawa sa akin noon. Siguro nga people changed, pati siya nagbago na. His gentleness, his care for that girl is to the moon. Para silang magkasintahan sa katapat naming mesa.  Of course they are! Hindi sila magkakaganyan kung walang namamagitan sa kanila! Hindi ko na nakayanan ang pagtitig sa kanila. Ang sakit sa aking looban ay unti-unting nag-aalab. "Excuse me. Restroom lang." Hindi na ako naghintay ng sagot nila. Agad na akong nagtungo sa ladies restroom at nagkulong sa isang cubicle. Binaba ko ang cover ng inidoro at umupo dito. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking luha. Ang paglandas nito sa aking pisngi pabagsak sa aking kamay ay nagpapahiwatig ng sakit. Sa anim na taon, pinilit kong huwag tumangis. Pinilit kong maging masaya. Pinilit kong huwag lumuha. Hindi ko alam na ganito pala ang kahihinatnan kapag nagpigil. Walang tigil ang pagbuhos nito at parang walang balak na tumigil.  "Stop this nonsense, Chloe." Pakiusap ko sa sarili ko. "Wala ka nang magagawa," pilit kong pinupunasan ang aking luha. Hindi alintana kung mabura man ang aking makeup. "Sinabi ko naman sayo na huwag ka nang pumunta, 'diba? Hindi ka naman nakinig. Ikaw tuloy ang nahihirapan. Ikaw tuloy ang nagdurusa." Pinagsasabihan ko ang aking sarili na para bang sasagot ito pabalik sa akin. Gusto ko pang ipamukha sa sarili ko kung gaano kamali itong nagawa ko. "Tanga ka kasi!" What's the point of dressing up kung hindi naman ikaw ang napapansin?  Narinig kong bumukas ang pintuan at may pumasok na dalawang babae. Pinigilan ko ang paghikbi para hindi nila malaman na may ibang tao pa dito. Narinig ko ang kanilang pinaguusapan. "Nakita mo bang pumasok si Marco? Wow!" "That kind of entrance, magical! Grabe, bagay na bagay sila." "They were extraordinary!" "Yung nilakaran nga nila may pixie dust!" Grabe naman ang imagination mo, ate. Wala nga akong nakita. "Noon pa man talaga ang gwapo na ito. Crush ko nga siya dati eh," Oh! I smell confession. "Ako rin kaya. Halos lahat naman ay nagkakagusto sa kanya noon." "Sinong bang hindi? Gwapo, matalino, athletic at mayaman! He is really a girl's dream before." "Kahit naman ngayon," "Natatandaan mo ba na may naging girlfriend siya sa batch natin?" "Oo, tandang tanda ko." Nabaling na naman sa akin ang usapan. Simula grade seven ay magkaibigan na kami ni Marco. At wala naman akong nakikita na naging girlfriend niya bago ako. "Maganda naman siya. Bagay din naman sila." "Pero mas may chemistry talaga sila ng kasama niya ngayon," Oh sige ate ipamukha mo pa! "Bakit kaya sila naghiwalay?" "Ang alam ko ay nag-ibang bansa ang babae. Siguro ay nag-cheat. Ipinagpalit sa foreigner." Narinig ko ang tawanan nilang dalawa Sino sila para pagbintangan ako sa bagay na hindi ko naman ginawa?. Kumukulo ang dugo ko. Pinipigilan kong huwag lumabas dito at baka masabunutan ko ang dalawang hipokritang iyon. "Nandito ba siya ngayon? Hindi ko siya nakita eh." "Ako rin. Hindi ko pa din siya nakikita." Huwag na kayo mag-abala na makita ako. Mag-focus na lang kayo sa pantasya niyo kanina. At malaman ko lamang kung sino kayong dalawa ay pag-uumpugin ko kayo! "Sana nga magpropose na si Marco. Ang tagal na din nila ha." So sila talaga? At matagal na! Kailan pa? Simula ba noong umalis ako? "Hindi pa naman natin kilala iyong Dorothy. I heard, sa La Salle Lipa iyon pumasok." "Kaya pala hindi tayo familiar sa kanya. Pero maganda siya, sexy at mukhang matalino." "Matalino talaga, De La Salle ang pinasukan!" Talaga ba? Magandang unibersidad lang ang pinasukan ay matalino na? "Architect siya right? Siguro nagtatrabaho iyon sa company ni Marco." "Siguro nga," Humupa na ang usapan at unti-unti nang tumahimik. Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman. Hindi ako makakilos at makapagsalita. Tumigil din sa pagbuhos ang aking mga luha at nararamdaman ko ang aking basang pisngi. Maybe I needed a drink?  Lumabas ako ng cubicle nang mapagtantong ako lang talaga ang nasa loob ng banyo. Nakakainis ang dalawang babaeng iyon! Gustong gusto ko nang ilapat ang aking palad sa kanilang pisngi kanina pa. Mabuti na lamang at agad silang nawala. Kung maabutan ko sila paniguradong babalik silang bakat ang palad ko sa magkabila nilang pisngi. Inayos ko na lamang ang aking sarili at nagretouch.  "s**t!" I hissed. My nose was slightly red at hindi ko alam kung paano iyon tatakpan. Malalaman talaga na umiyak ako because of my nose. Every time I cry, it turns red and it took a minute bago iyon bumalik sa dating kulay. Nilabas ko ang aking compact powder at nilagyan ang aking mukha. Naghintay talaga ako ng dalawang minuto para lang pumantay ang kulay ng aking ilong. Kinuha ko ang aking lipstick at dinagdagan ang kulay nito sa aking labi. One swipe and that's enough.  Bumukas ang pintuan at pumasok ang hindi ko inaasahang tao. Wearing a silk satin white long gown, her hair is on the side with big curls. She's few inches taller than me or it's because of the heels? She doesn't even need makeup! She's flawless. Halatang alagang-alaga. Bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan, nagtagpo ang aming mga mata sa harap ng salamin. Iniisip ko na magsasalita siya pero nginitian niya lamang ako bago pumasok sa cubicle na pinaggamitan ko kanina. Sa aking gulat ay bigla akong nanlamig. Hindi ko inaasahan na magiging mabait ang tungo niya sa akin. Alam ba niya ang tungkol sa amin ni Marco noon? Sinabi ba ni Marco sa kanya? Hindi naman siguro siya ngingiti kung alam niya ang tungkol sa amin. O talagang ganoon lang siya? Pero bakit kung ilarawan naman ito ng aking mga kaibigan ay sobra? Lumabas na ako ng restroom dahil ayokong magpangabot pa kaming dalawa. Baka sa susunod na pagtatama ng aming mga mata ay magmakaawa na ako sa kanya para lamang intrigahin ang relasyon nilang dalawa ni Marco.  I want Marco back. But that will never happen now that he's with someone.  It hits me really hard. Maganda si Dorothy, maganda ang pangangatawan at halatang pinangangalagaan. May propesyon at masyadong mataas para sa aking lebel. Hindi ako nanggaling sa mayamang pamilya. Hindi umaapaw ang pera sa bangko. Masyado siyang mataas sa akin dahil nasa kanya si Marco. Malaki ang lamang niya dahil siya na ang bagong mahal nito. Ngayon alam ko na. Sino bang hindi magugustuhan ang tulad niya? Nasa kanya na lahat ng hinahanap ng madla. The way she smile, it's genuine. Walang halong galit o inggit. Nasaktan ang aking loob nang makita ko ang ngiting iyon. She seemed happy. Her life's probably perfect. Nakakainggit. Iyon ang nararamdaman ko ngayon.  Our encounter in the restroom hits me on the face. I just encountered the present! The past has nothing to do now. You are now replaced. No! You are now out of his life! Out of his f*****g life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD