The Electrifying Stare
Nakatulugan ko na ang pag iyak kagabi. Still wearing my clothes and shoes on and a phone on my hand. I opened it and it stays the same where I left it. I woke up feeling sore all over, inside and out. Hindi ko lang alam kung saan ba ang mas masakit, sa loob o sa labas. O dala lamang siguro ito ng aking pagod sa maghapon kong biyahe.
Mamayang hapon ang simula ng party. Magdamag iyon kaya panigurado nang madaling araw pa ako makakauwi. Bumangon ako sa kama at diretso na sa banyo, humarap ako sa salamin at tiningnan ang aking repleksyon. My lipstick's slightly smudged, magulo din ang buhok ko. I look like some dog blew their hair by the wind. Diretso ligo na ang ginawa ko para makakain na ako sa baba. Hindi ako nakakain ng dinner dahil sa sobrang pagod ko kagabi.
Nakita kong may coffee shop at restaurant sa baba lang ng hotel. Nakahilera sila doon at marami ka pang pagpipilian. I should give it a try. Pagkatapos kong maligo ay naghanap na ako ng isusuot na damit sa cabinet. Something comfy at madaling kumilos ang sinuot ko ngayon. A plain white crop top T-shirt and a grey sweatpant paired with my flip flops. I combed my hair the usual way and let it air dry. I just put on lip tint to add some color on my lips.
I locked my room, bringing only my wallet, phones and the room key. I choose to eat at the coffee shop. I missed coffee somehow. As I enter the place, I feel like I'm in some unknown place surrounded by plants. The place was nice and cozy, aired by the sweet melody of background music. The aura that it gives me is something real and comfy. Dumiretso ako sa counter para umorder.
"One order of Baked Macaroni Melt with Cafe Americano please," sinabi ko iyon sa babae na nagaayos ng order habang nakatingin sa menu.
"Is that all Ma'am?" Tanong niya pagkatapos i-press down ang order ko.
"Yes, please." Binayaran ko na ang order ko at umupo malapit sa glass window. I really like the view outside that's why I choose to seat near the glass window. People are walking and some are running. Madami ding sasakyan ang dumadaan. Natatabunan ang aking pwesto ng matatangkad na halaman ngunit sapat lamang para mapanood ko ang mga nagaganap sa labas ng shop na ito. I checked my phone for any reply from my friends.
Isabella:
Thank God! You surely going huh?
Bethany:
Well that's good, see you!
Everly:
Really? We missed you very much.
Lauren:
Can't wait to finally see you. It's been six years!
Monica:
Aww, I missed you. Is that mean makakapunta ka din sa kasal ko next week?
It's overwhelming having friends like these. You just can't feel being alone. They're like my second family, takbuhan kapag may problema. Kahati sa lahat ng mayroon ako. And they were good at preaching. They care for me so much.
Monica is getting married with her long-time boyfriend Francis. I'm really happy for the both of them because finally, sila din ang magkakatuluyan. Their relationship is like a switch, on and off! Isa isa ko silang nireplyan and I reassured Monica that I will be at her wedding. She chose me to be the maid of honor and the other was the bridesmaids. Kasal niya lamang ang tangi kong madadaluhan dahil tumapat iyon kung kailan nakauwi na ako. Paniguradong magtatampo ang mga iyon dahil kay Monica lamang ako nakadalo.
Dumating na ang aking order at nilantakan ko na iyon. I need to get ready for the party. I don't know if I have enough sleep last night because of what happened. But maybe that's enough. Ang sabi sa akin ni Isabella, black and white ang theme ng party mamaya. Mabuti na lang at may nadala akong black long gown na sinuot ko noong birthay ni Gab. The dress was a bit revealing especially on the back part. But that's okay, I'm used to it. Iyon ang kauna-unahan kong long dress na sinuot ko noon sa party ni Gab at bigla akong nagsisi. Bigay iyon sa akin ni Gab at kakikitaan ng kataasan ng presyo. The dress was designed by Sherri Hill at personal niya pa iyong pinagawa. He travelled all the way to America to find her shop just for my dress. I'm thankful that I have a friend like that, but I kinda feel like dependent. Nagawa niya pa talaga iyon para lamang sa akin.
Nakabalik na ako sa hotel, busog na busog pa ako sa aking kinain kaya naglakad lakad muna ako sa loob ng room. I grabbed my phone and search for the makeup I should wear for the party. With a theme black and white, nudes and simple eye makeup is a perfect match.
Nang nag alas tres na ay naligo ulit ako. I did my own makeup, hindi ako ganoon kagaling when it comes to eyeshadows so I make it as simple as I can. In this kind of event, heavy makeup will just make my face really heavy, I like simple makeup which only requires small amounts of products. I blow dried my hair before putting on my makeup. For the base, a medium coverage foundation is enough to cover up all my imperfections. I slightly bronzed the side of my face with contour to avoid the flatness. Neutral shade of eyeshadow is enough to add some color to my eyes. I just make it a little dark to fit my outfit for tonight. I put some blush to make my cheeks rosy and a nude lipstick but more on the pink shade. I touched up some highlighters to make the illusion of a dewy face. I made my hair really simple yet elegant. I straightened it and parted it in the middle.
Tiningnan ko ang aking repleksyon sa salamin at tahimik na pinuri ang sining na aking nagawa sa aking mukha. Simple lang iyon ngunit lumitaw naman ang mga kulay at ang mga intensidad ng mga nilagay ko.
Wearing a halter cut black long gown that hugged my body and showing my curves, with a slit that shows my right leg. There's a horizontal rectangular cut on my lower back that shows some skin. It doesn't have any sequins or glitters, but it really stands out because of the texture of the linen. Soft, crepe and feels light when wearing it. I paired it with my three inches silver shimmering stiletto. I also brought a silver clutch which contained pressed powder, lipstick, tissue, phone, keys, cards and some money in case of emergency.
Women need to be beautiful all the time. That's our weapon. Natural na iyon sa atin at kahit kaunting ayos lang ay magiging presentable ka na ulit. So we need to retouch if it's necessary.
Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Isabella. Binuksan ko iyon at agad binasa ang laman.
Isabella:
Marco will be there. Are you ready?
Bago ako umuwi dito, inisip ko na darating siya sa reunion. Doon siya nagtapos kaya siguradong makakadalo siya. Matagal ko nang hinanda ang sarili ko na makita ulit siya. Pero hindi ko lang alam kung pareho ba ang mararamdaman ko kapag nakaharap ko na talaga siya.
Ako:
Of course. There's nothing to worry about.
I am such a bad liar. Pipiliting magpanggap huwag lamang mabuking ang tunay na nararamdaman. She was my friends for years, pero hindi ko pa din kayang sabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman. It will be awkward. Especially on my side.
Isabella:
He will surely be with his girlfriend.
Huminga ako ng malalim nang mabasa ko ang mensaheng iyon. He totally forget about me. Nakahanap agad siya ng kapalit. Six years is long enough for him to forget me. I wonder kung ilan taon na kaya silang nagsasama? Ako na lang siguro ang hindi pa nakakalimot. He sent me away and told me to leave. To never come back. Iyon siguro ang kahulugan ng sinabi niya.
Ako:
That's okay...
Isabella:
Are YOU okay?
Crying will only ruin my makeup. I hold it in as long as I can.
Ako:
I am.
Lumabas na ako ng room at agad akong pinagtinginan ng mga tao at ibang staff na gumagala. I just gave them my sweetest smile to ease the awkwardness. It was different because I wear something that is different from what they wore right now. Hindi pa naman ako sanay na ganito ang klase ng atensyon ang ibinibigay sa akin.
Being with Gab is no exception. Gutom ang media sa kanya maging sa pamilya nila. Malimit na laman ng telebisyon at magazines ang mga Hansen dahil sa kanilang negosyo at angking impluwensya sa madla. Whenever I'm with him, the media are around. Hindi na din maiiwasang madamay ako dahil nga kasama ko siya. Kaya palagi siyang may kasamang bodyguard dahil sa akin. Kung ano ang pinagkakaabalahan ni Gab ay mainit na din ito sa mga mata ng media. Minsan na akong napagkamalang may romantikong relsyon sa kanya dahil sa madalas kaming lumalabas na magkasama. Tita is always worrying about my security kaya nagpapadala din siya ng bodyguard para sa akin, but I refused it at hindi na din naman siya nangulit. Gab's bodyguards are enough.
I used the escalator para makababa, kung hagdan ang gagamitin ko baka madapa lang ako. The security guard helped me nang nakababa na ako. Hinatid ako nito hanggang sa aking kotse na nakapark sa side lamang ng hotel. People eyed on me because of what I am wearing. Madaming tao sa labas ng hotel dahil parke ang tapat nito.
I am an alumni of Bauan Technical High School. I stayed there for six consecutive years. From grade seven to twelve. The President of our batch requested for this party straight to the principal, and in accordance to that, pumayag naman. Pinasok ko na ang aking sasakyan at pinarada ito sa Rizal Park. The school guard salute me as I open my car window. Iba na ang school guard na nakatoka ngayon. Sa katagalan ko nang hindi nakakabisita dito ay hindi ko na alam kung pang ilang school guard na iyon.
It's six thirty in the evening at madami na ang mga sasakyang nakaparada dito. Which means madami na din ang nasa loob. Sa gymnasium gaganapin ang party, bago ako bumaba ay tininganan ko muna ang aking mukha sa salamin, nang nakuntento na ay bumaba na ako. Nilakad ko ang kahabaan ng pathway patungo sa gymnasium.
Hmm, madami na ang nagbago. Mas pinaganda pa!
The gymnasium was covered with black cloth. I entered at the entrance and was amazed by the venue. The design was simple yet elegant because of the color. It is a minimalist design, as for what I heard, it was designed and conceptualized by the grade twelve student of this year. I am so speechless when I enter the gymnasium. Roaming around my eyes and absorbing the beauty it gives me. The stage has the embossed lettering that says 'Alumni Party of Batch 7: Reminiscing the Past'. The four corners of the gym were like a garden made in papers. It was illuminated with semi-dark lights and the background music was good.
I wonder if my friends are now here, sa dami na ng mga tao ay hindi ko na sila makikita pa. I texted Isabella and asked where are they.
Isabella:
Where are you? I'm at the entrance.
There was no reply. Nang tinago ko na ang aking cellphone at tumunghay ay agad ko naman silang nakita di kalayuan sa stage. I went to them to catch up. They were on a round table looking so stunning.
Nasaan ang mga asawa ninyo?
Ugh! I missed them.
"Hi!" I smiled sweetly as I greeted them. They were all looking at me, shocked and surprised.
"Oh my gosh!" Sigaw ni Everly na nagpagulat sa akin. Napakatinis ng boses. Napatalon ako sa kanyang sigaw dahilan ng paglingon ng ibang tao sa aming direksyon. Niyakap nila akong lahat habang nagtatalon. Para kaming mga bata sa mga kilos namin. They hugged me so tight na ako ang pinaggitnaan. I feel like suffocating because they leave no space to compressed me for becoming so eager to see me.
"I'm speechless!" Dugtong ni Everly habang pinipisil ang aking magkabilang braso.
"How are you?! You look so stunning!" Sigaw ni Isabella nang nakalapit na siya ng tuluyan sa akin.
"Thank you, Isabella." I mouthed to her. She just nod at agad namang naagaw ang aking atensyon nang hilahin ako ni Bethany.
"Grabe ba ang naidudulot ng Norway at ganyan kaganda ang kutis mo?" Bethany caress my shoulder blades.
"Did you even put makeup? Or nag-eyeshadow ka lang? Ay bes! No makeup look siya ngayon!" Nilapit ni Everly ang kanyang mukha sa akin at inobserbahan itong mabuti.
"Finally, you came!" Lumingon ako sa nagsalita and I looked on Lauren's tummy. Nagulat ako sa munting umbok na mayroon ito. Sa aking tantya ay limang buwan na ito. Bakit hindi ko iyon nahalata sa mga pictures pa lamang? I placed my right hand on my mouth to cover my stunned expression.
"You were pregnant?" I can see the amusement in her eyes as she looks at me.
"Bilis ni Gus nuh? Buntis na iyan hindi pa man sila kinakasal." Si Monica ang nagsalita at nagtawanan naman agad kami sa kanyang sinabi.
"I never expected this! Akala ko ay ayaw mo na talaga kay Gus." Sambit ko. Gulat pa din sa kanya habang nakatitig ako sa kanyang tiyan.
"Hindi ko din naman alam na buntis na ako. I am so stunned noong siya pa mismo ang nakaalam ng aking pagbubuntis." Humalakhak kami sa sinabi ni Lauren.
"Of course! He knew about your monthly period!" Signhal ni Everly.
It seems like yesterday. Whenever I look at their faces, I remember my High school days. How we tag along, how we make fun of ourselves. How we diss each other. I was smiling habang tinitingnan ko silang tumatawa. They were never change, sila pa din iyan. Kung ano sila noon, sila pa din iyan ngayon. They've grown, they became more mature, pero hindi sila nakalimot. This was the family I'm talking about. The family that I will keep for a lifetime.
"Syempre, I don't want to disappoint all of you that's why I came. Actually, may mga pasalubong akong dala sa inyo, it is in the hotel." Nang nakabawi ay naglakad kami sa table na nakalaan para sa amin. It was reserved kaya hindi na din ako nahirapang humanap ng mapepwestuhan.
"Dapat lang! Kasal nga namin hindi ka present. Dapat lang na may suhol!" Sambit ni Everly. Nagtawanan kami dahil sa kanyang sinabi. Hindi na nila nakalimutan iyon.
At exactly seven in the evening nagsimula nang magsalita ang masters of ceremony. In fairness, hindi filipino time. They improved!
They welcomed all of us at ang iba pang mga importanteng tao na dumalo din sa party. The program starts with a short prayer at sinundan ng ilan pang speeches.
"By the way, is Marco coming?" Direkta iyong tinanong sa akin Bethany. Hindi siya sa akin nakatingin pero sa akin naman nakatuon ang kanyang tono. Hindi ko alam kung nananadya ba siya o talagang nakalimutan na niya na wala na kami. O guni-guni ko lang?
"I don't know, we don't talk anymore." Naiilang kong sinabi habang pisil-pisil ko ang aking mga daliri.
Hindi nila napansin ang awkwardness na nararamdaman ko. They kept on asking me about Marco and everytime I answer it ay may multong ngiti na nagtatago sa kanilang mga labi. It seems like they were fond of making me feel uneasy.
Unang bahagi ng party ay ang dinner. Appetizers were first served on each table. The waiter filled our glasses with water as the other one was placing the food on our table.
"Thank you," I said to the waiter as he served my food. He just smiled back.
"Of course, let's not forget, Engineer Marco Gomez!" Natigilan ako sa pagsandok sa soup sa biglaang announcement ng MC.
"And I believe he's with Architect Dorothy Salazar," hindi ko na napigilan ang paglingon sa may entrance.
Doon ay may dalawang taong naglalakad. Sentro ng atensyon. The spotlight immediately put on their place as they walk through the carpeted pathway.
A man and a woman, walking so bravely and full of confidence.
Natigil ako sa paghinga nang dumako ang kaniyang mga mata sa aming lamesa. Tila naghahanap sa aking presensya. Looking at me intently that I just melt. Naramdaman ko ang mainit na likidong natapon sa aking damit na siyang sumipsip ng init para palapatan ang aking mga hita. Nabitawan ko ang sandok at nabaling ang tingin sa aking damit. Hindi masakit ang init na hatid ng natapong soup sa aking damit kaya hindi ako nasaktan.
"Chloe? Are you okay?" Puno ng pag-aalala ang tono ni Lauren habang tinutulungan akong punasan ang aking damit.
"That must be hot! Are you hurt?" Tanong ni Monica. Nagtawag ito ng waiter at humingi ng isang box ng tissue para punasan ang aking damit.
"Are you alright?" Tanong muli sa akin ni Lauren ngunit pabulong. Nilingon ko siya at may pag-aalala sa kanyang mga mata.
"I'm fine," sagot ko sa kanya. Dumating ang waiter dala ang isang box ng tissue. Kinuha ko iyon at biglaang tumayo.
"Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Bethany.
"Papatuyuin ko lang ito," sagot ko. Dumidikit sa aking mga hita ang aking damit. Hindi na iyon mainit ngunit basa pa din. Iniwan ko duon ang aking clutch at lumabas sa gymnasuim. Dumiretso ako sa aking kotse at binuhay ang makina, binuhay ko ang aircon at tinodo ang lamig niyon. Pumasok ako sa backseat at tinutok sa aking hita ang aircon habang pinupunasan ko iyon ng tisyu.
Hindi man lang ako nakaramdam ng sakit nang matapunan ako ng soup sa aking hita. Naramdaman ko lang ang init na hatid niyon ngunit hindi ako nasaktan. Mas nasaktan ako sa nakita ko kanina. Para akong nahihiwa sa dalawa noong tumingin siya sa aking mga mata. Bigla akong nakuryente sa tingin niya.
My eyes saw the electricity by Marco's eyes. Brain absorbs the sense and flow it through my nerves to send me signals. Natapon ang soup sa akin dahil inutos ng aking utak. Magandang excuse para putulin ang nakakakuryenteng tingin niya sa akin.
My brain really knows what to do. My brain knows which eyes to avoid. And my brain just did what's right to do.