Don't Be Dumb, Don't Be Numb
Chapter Fourteen
Gwyneth
TININGNAN ko ang mga kaibigan kong tinamaan ng bala. Napahawak ako sa bibig ko at napaluha sa tensyon na nangyayari ngayon.
"Drake? Krystal? Greg? Guys?!" Tawag ko sa kanila na lumuluha at humihikbi pero hindi sila sumagot at nanatiling dinadama ang sakit ng tama ng bala.
'What are we going to do?'
Tiningnan ko ang paligid, patuloy padin ang pag-kalat at pag-hari ng apoy sa gubat. Nilipat ko naman ang tingin ko sa mga kaibigan ko. Mazuzuki,Asprid at Ako? Tatlo nalang kani? Nasaan ang iba? Dominic,Elijah,Mae at Lyn? Nasaan sila?
Bigla ulit kami nakarinig ng pag-putok ng baril. Mabilis na naging handa at alerto kami at tiningnan kung may tinamaan. Wala.
"Gwyneth! Umalis na tayo dito." Tawag at sabi sa akin ni Asprid.
"Let's go Gwyneth!" Saad ni Mazuzuki.
Tiningnan ko si Mazuzuki at Asprid, tiningnan ko naman ang mga kaibigan namin na nakahiga at dinadamdam ang kirot at sakit ng bala.
'Sorry' Mungkahi ko sa isip at binalik ang tingin kay Mazuzuki at Asprid. Tumango ako. "Tara." Sabi ko.
Nag-simula na kaming tatlo kumilos. Tumakbo na kami palayo sa camp. Nag-mamadali at hayok na makaligtas.
Takbo lang kami ng takbo nang may mag-paputok ng baril sa direksyon namin. Tiningnan namin ang pinanggalingan nito habang tumatakbo at nakita sa malayo ang isang anyo ng tao na humahabol sa amin.
"Hinahabol niya tayo!" Sabi ni Asprid habang tumatakbo na nakatingin parin sa direksyon sa humahabol at nag-papaputok ng baril sa amin.
"Wag kayong titigil! Bilisan pa lalo natin!" Sabi ni Mazuzuki na sinunod naman namin.
Takbo parin kami ng takbo nang may nag-paputok muli ng baril at biglang nadapa si Asprid. Tumigil kami ni Mazuzuki at mabilis na dinaluhan si Asprid sa pagkakadapa sa lupa.
"Asprid, tara bilis!" Sabi ni Mazuzuki na nag-mamadali at natataranta na inaalalayan si Asprid.
"Iwanan niyo na ako." Sabi ni Asprid na nanghihina at hinahawakan ang sugat nito sa pagkadapa.
"No! Hindi ka namin iiwanan, aalis tayo dito at makakaligtas. Tara!" Sabi ni Mazuzuki at hinawakan si Asprid sa braso at hinila para muling tumakbo kami.
Tumakbo ulit kami na medyo nag-aalanganin dahil sa sitwasyon ni Asprid, Pinipilit namin bilisan ang takbo namin ngunit nagiging sabagal ang pagiging mahina at mabagal na takbo ni Asprid dahil sa sugat nito.
"Asprid, bilisan natin." Sabi ni Mazuzuki na hawak parin si Asprid at hinihila ito sa pag-takbo nang bigla ulit kami makarinig ng putok ng baril at nakita nalang namin na tinamaan si Mazuzuki ng bala sa likod.
Napatigil kami at napatingin sa pinanggalingan nito, unti-unti ay may nakikita kami ng anyo ng tao na nag-lalakad ng dahan-dahan papunta sa amin, Si Lyn.
Tiningnan ko siya. Nag-lalakad siya habang inaayos ang baril niya at nilalagyan ng bala. Nakatingin siya amin at nakangiti.
Siya? Sa lahat ng nangyayari ay siya pala ang may kagagawan ng lahat? Of all people? Si Lyn?
"Hi." Sabi nito at tinutok ang baril sa akin na nilipat niya naman kay Mazuzuki na nakaluhod habang dinadama ang sakit at kirot ng bala at pinaputok ito.
Napahagulgol ako sa nangyayari. No! This is not happening! God! Help us!
"Engg! Dead! Hahaha!" Sabi nito na parang nababaliw at nawawala sa sarili.
Nag-lakad ito palapit sa amin, dahan-dahan habang pinaglalaruan ang baril sa kamay niya at ngumingiti sa amin ng malawak na parang demonyo.
"Gwyneth, Gwyneth, Gwyneth. How's life?" Sabi ni Lyn at tiningnan ako ng masinsinan habang nakangiti parin ng demonyo sa akin.
"Ikaw ang Killer?" Tanong ko "Pa-paano? Bago ka lang sa grupo ngayong taon? Anong dahilan mo bakit mo ginagawa sa amin to?"
"Shhh! You'll know it later Gwyneth, later." Tugon nito at nilipat naman ang tingin kay Asprid. "Hey? Balak mo pa ata akong traydorin at takasan Asprid? I thought we're team mates huh? Nice, Kung kelan pa sa dulo doon ka pa tataliwas? "
"Don't fool me Lyn! I know that you're just playing with me, Niloloko mo lang ako! Alam kong hindi mo ko ititirang buhay! Narealize ko na, na ginagamit mo ako para gawing laruan mo sa pag-patay mo dahil gusto ko mabuhay! Nag-paalipin ako para sa buhay ko, buhay ko na hindi ko alam kung mag-papatuloy o mamatay din katulad ng ibang kaibigan ko." Sabi ni Asprid na maluha-luha at namumula sa galit. "Ginawa ko lahat, lahat-lahat para sa buhay ko. Nung nag-usap tayo sa gubat at sinabi mong tumakbo ako papunta sa camp at sumigaw ka ng tulong na sinugatan mo pala ang sarili mo? Para mapagkamalan akong killer? Pinakausap kay Jericha dahil nalaman niya ang sikreto mo? Pinatay si Rose? At lahat pa ng mga inutos mo? And now!? I give up! Tatanggapin ko ang kamatayan ko ng bukas palad!"
Nagulat ako sa mga binulgar at sinabi ni Asprid. Nag-paka alagad siya kay Lyn para sa buhay niya? Ginawa niya yun?
"Wow, just wow. You talk to much huh? Tumatapang kana ata Asprid? Well as you say, sure?" Sabi ni Lyn na nag-kibit balikat at pinutok ang baril kay Asprid.
Napahawak ako sa bibig ko, pinipilit hindi humagulgol. Hindi ko na kaya ang nagyayari sa amin. This is torture!
"Gwyneth!!!?" Tawag ng isang tinig palapit sa amin "Gwyneth!!!?"
"Well, Just in time? Padating na ang lover boy mo Gwyneth." Sabi ni Lyn na nakatingin sa akin at nilipat sa direkyon kung saan padating at nanggaling ang tinig nila Dominic.
"Gwyneth!!!" Sigaw muli nito at nakita ko silang dalawa ni Elijah. "Gwyneth!"
'Nasaan si Mae?'
Tumakbo sila papunta sa amin nang biglang tinaas ni Lyn ang baril na nag-patigil sa kanila at pinaputukan si Elijah.
"Tama lang ang pag dating niyo." Sabi ni Lyn at muling pinaputukan si Elijah
Napamaang at napatulala si Dominic sa nangyayari.
"Lyn? Ikaw ang Killer?" Tanong ni Dominic ng hindi makapaniwala.
"Yes, its me." Sagot ni Lyn "And now? Let's go for second to the final."
Inayos ni Lyn ang baril at nilagyan ng bala. Tinutok niya ito kay Dominic at pinaputukan sa paa.
Napasigaw sa sakit si Dominic, napaupo siya sa nararamdaman niya at hinahaplos ang tinamaan.
Lumapit si Lyn kay Dominic na hindi nito napapansin at may nilabas na syringe at tinurok sa leeg ni Dominic na tinanggal at tinapon.
Tiningnan ko si Dominic, unti-unti itong nawalan ng malay at bumagsak. Nilingon ako ni Lyn at lumapit din sa akin.
"Anong gagawin mo?" Tanong ko.
"Matulog ka muna." Sagot nito at may nilabas muling syringe sa bulsa at tinurok sa leeg ko din at tinanggal.
Hinawakan ko ang pinagtusukan ng syringe at tumingin sa kanya, unti-unti ay nanlalabo ang paningin ko at inaantok, hanggang sa mawalan ako ng makita at bumagsak.