THE FINAL DESTINATION
THE FINAL STATION
Chapter Fifteen
Gwyneth
"Hoy, Gising!" Sabi ng isang tinig at tinampal ang kanang pisngi ko.
Napamulat ako ng mata at pakurap-kurap na tiningnan ang gumawa nito sa akin, sa harapan ko ay isang babae... Babaeng nakatayo habang nakatingin sa akin ng diretso at nakangiti ng malawak na demonyo, Si Lyn.
Tiningnan ko ang sarili ko, nakatali ang katawan ko sa puno habang may nakabusal na tela sa bibig ko. Na-alarma ako sa sitwasyon ko, hinanap ko si Dominic at nakita naman ito na nasa gilid ko malapit sa akin na tulog habang nakatali ang katawan din sa puno at may busal sa bibig.
Pinagmasdan ko ang paligid, may mataas na lupa sa mga kanto-kanto at parang sa bandang yun ay may nasusunog, nasa mababang lugar kami na medyo bangin ang likod ng kinakatayuan namin, at ang bangin nayun ay ang ilog na dinadaluyan ng maruming tubig.
"Hi, Gwyneth." Sabi ni Lyn at kumaway na parang nakakaloko at may nilabas sa likod na camera at tinutok sa akin.
Pinilit ko mag-salita at murahin siya pero tanging ungol ang lumalabas sa bibig ko, ginalaw-galaw ko ang katawan ko na parang aalisin ang sarili ko dahil sa prustasyon pero walang nangyari.
"Oh? Hindi ka makapag-salita at makagalaw? Well, wait at ito na." Sabi nito at tinanggal ang busal sa bibig ko. "Bibig lang Gwyneth, hindi kasama ang tali sa katawan hahaha."
"Nasaan tayo!? Damn you Lyn! Ang sama mo! Pag-babayaran mo to!" Sigaw at sabi ko sa kanya habang tinututukan niya parin ako ng camera.
"Nasa gubat parin tayo, nasa ibabang parte lang kung saan malapit ang ilog Gwyneth." Sabi nito "And Attitude mo Gwyneth, nakikita sa camera. Very, very wrong dear. Para to sa Project natin, para hindi masayang ang pag-punta natin dito dahil sa project, might as well tapusin na ang project na nagawa ko. At pagbabayaran? C'mon, Hahaha."
"Ano?" Naguguluhan na tanong ko.
"Una palang, ako na ang nag-video sa inyo papunta palang dito dahil sabi mo nga videohan ko kayo, the idea come up to me. Bakit hindi ko kayo videohan habang pinapatay ko kayo as a project for the group diba? You guys are so high grades sucker, gusto niyo kayo lagi ang bida at mataas sa paligid niyo. Kaya bakit hindi ko kaya gawin ang project natin na makatotohan at makabuluhan ang project? Kung ang Project na dapat natin na gagawin ay fake at acting lang, why not gawin makarealidad at makatotohanan? Baka dahil dito ay mataas ang grade na ibigay sa inyo diba? Hahaha." Sabi nito at tumawa na parang nababaliw. "And as i planned for my first attack, kaylangan ko kuhanin ang cellphones and gadgets niyo at patayin ang driver tsaka butasin ang mga gulong bago ko patayin si Claire, so theres no way out. Lalo pa nung gusto makipaglaro sa laro ko. "
"Ang sama mo! Ang sama-sama mo Lyn!" Sabi ko na naluluha sa inis at galit.
"Masama? Hmm. Siguro nga masama ako, pero mas masama ka sa akin Gwyneth." Sabi nito at nginitian ako tsaka lumakad palapit kay Dominic. "Hey, Gising na!" Sabi ni Lyn habang tinatampal-tampal ang kanang pisngi ni Dominic.
Naalipungatan at napakurap-kurap si Dominic, inikot niya ang paningin niya sa paligid at nanlaki ang mata ng makita si Lyn.
Pinilit niya mag-salita ngunit ungol lang ang lumabas, tiningnan niya ako at nakalma siya ng makita ako.
"Wow! Romeo and Juliet lang ba ang ganap niyo? For pete sake! Itigil niyo at baka mapaaga ang kamatayan niyo." Sabi ni Lyn na parang natutuwa at nainis habang tinutukan kami ng camera at salitan na vinevideohan kami habang nakatayo parin sa harap ni Dominic at tinanggal ang busal sa bibig.
"Now, let's go to the final point." Sabi ni Lyn at ngumiti sa direksyon ko tsaka tumalikod kay Dominic at lumakad sa isang batong malaki na mayroong mga gamit at nilagay ang camera doon habang nagvi-video.
"Lyn, itigil mo na to. Hindi masosolusyunan ang problema mo sa ginagawa mo." Sabi ni Dominic na nanghihina.
"Sorry, but there's no turning back Dom." Sabi ni Lyn at kinuha ang baril sa malaking bato at humarap sa amin at ngumiti.
Lumakad siya palapit sa amin dala ang baril na pinaglalaruan niya sa kamay, unti-unti at dahan-dahan. Nagbibigay kaba at nerbyos sa sistema naming dalawa.
"Lyn, please. Nagmamakaawa ako sayo. Itigil mo na to." Sabi ko habang lumuluha at ninenerbyos.
"Hahaha Beg more Gwyneth, beg more!" Sabi nito habang natatawa at nasasayahan na parang baliw. "Your pleasing make's me wanna cry Gwyneth, that i want to cry with happiness hahaha."
"Hindi naman talaga ako si Lyn, well yeah my nickname might be Lyn pero hindi ako si Lyn na akala niyong bagong classmate niyo. Nagulat ka panga nun ng na nalaman mong Lyn name ko." Sabi nito at salitan na tiningnan kami ni Dominic at ngumiti.
"Huh? Si-sino ka?" Naguguluhan na tanong ko pero may ideyang pumapasok sa utak ko.
"I-ikaw si..." Sabi ni Dominic na nauutal at hindi tinuloy.
"Oo, ako yun Dominic. The one and only, the one and only person na pinagtripan,pinaglaruan at binaboy niyo... Im Lindsay."
"Li-lindsay? Ikaw yan?" Gulat at hindi makapaniwala na sabi ko sa nalaman.
"Paanong nangyari?" Tanong ni Dominic na naguguluhan din.
"Ako si Lyn, Lindsay. Nag-pasurgery ako sa mukha dahil sa ginawa niyo sa akin dati, ang nakaraan na sumira sa buhay at pag-katao ko Gwyneth. Thanks to you!" Sabi ni Lindsay at tiningnan ako na nakakaasar "At kaya hindi niyo din alam na ako si Lindsay na dati niyong kaklase at kaibigan ay kinausap ko ang guidance at mga teacher."
Hindi ako makapag-salita at makagalaw sa nalaman ko. Sa lahat-lahat ng nangyari ay siya pala ang dati naming kaklase at kaibigan na si Lindsay? Na nahalata ko naman nung una lalo sa pangalan niya na medyo magkahalintulad pero pinagpabahala ko nalang nung unang makita siya?
"Naalala niyo pa ba? Yung nakaraan Gwyneth at Dom? It was the annual SSG Election of the year and we Grade 9 or Third Year Students ang pagpipilian na choices para tumakbo para sa President." Sabi ni Lindsay at seryoso na tinungo ang ulo habang pinaglalaruan parin ang kutsilyo. "Dahil nga nasa Star Section tayo at laging kinukuhang mga pick ay nasa mataas, tayong dalawa ang napili to run for the President of the SSG in our school and build a group of officers."
"We talked about it na it was just a SSG election, walang personalan. Pero nung nag-simula na ang pangangampanya bawat rooms at pumapanig na ang madami sa amin ay parang nag-aalanganin kana at hindi namamansin." Sabi nito at huminto saglit. "You keep doing your best and trigger more dahil ayaw mo ng naagawan at nasasapawan ka dahil your the top 1 and president sa room at ako na top 2 at vice president lang pero natataasan ka sa supporters. But still, it's not enough. Lalo na nung palapit na ang election? That was the start of something, You guys planned behind me, dahil ikaw ang pinaka leader sa group. They followed what you planned."
"You planned to play my personality. Uwian na noon at nag-kakayaan na mag chill, sa bahay niyo tayo Gwyneth ang napili na puntahan. It was getting dark, kain, kwento at iba pa hanggang sa mag-kayayaan na mag-inuman ang mga boys at girls na kasama sa plano niyo." Sabi nito at tinaas na ang ulo at tumingin sa amin dalawa ni Dominic at napaluha. "Nag-inom tayo ng nag-inom pero ako ang pinakapuntirya niyo, nilasing niyo ko at nang nalasing na ako ay inutusan mo si Dominic na pag-laruan at babuyin ang katawan ko sa isang kwarto, dahil may gusto siya sayo ay ginagamit mo siya. si-net niyo ang video habang ginagawa ang karumaldumal at kahayupan sa katawan ko. Pinaglaruan niyo ko! Sinira at binaboy niyo ang pag-katao ko."
"Kinabukasan nun ay kumalat ang nangyari sa akin, ang video namin ni Dominic habang ginagawa ang kahayupan at kahalayan. Pinagtitinginan at pinaguusapan ako nun, at unti-unti nadin ay nawawala na ang pakikisama ng mga ka officers ko na tumatakbo at sumusuporta sa akin. Flirt,slut,b***h,pokpok at kung ano-ano pang mga salita na binato sa akin." Sabi nito habang namumula sa galit at lumuluha "I cried, a lot. Sobra-sobrang emosyon ang nangyari sa akin noon, and then isang araw it was the last day of campaign at gusto kong ibuhos ang lahat ng poot at galit ko sa inyo."
"Science lab time nun at lumapit ako sayo para kausapin ka, but then the tables turns again. Ako pa ang napasama sa paligid, tinulak mo ko at sumalampak sa sahig, not knowing na may boiling chemical pala na pabagsak sa akin at sumira sa mukha ko." Sabi nito habang nanataling namumula at lumuluha at nakatingin parin sa amin. "Dahil doon kaya nag-pasurgery ako sa mukha, hindi ang mukha ko dati ang pinagawa ko dahil sa isip ko ay binaboy niyo ang buong pag-katao kong yun. I need a new face, a new Lindsay."
"Alam niyo rin ba na nabuntis ako dahil sa ginawa niyong pambaboy sa akin? But the fetus died because of the f*****g things happened to me." Sabi nito at ngumiti ng mapait na naluluha parin. "I dreamed and promised to be a great mother pag-dating ng panahon, i want to have a child at alagan at mahalin ito ng lubos. Hindi ko kasi naranasan, na alagaan at mahalin ng mga magulang. Im a adopted child, isang bata na nilagay lang sa pintuan ng bahay ng umampon sa akin at nag-aruga. Thats why i dreamed and promised to myself to be a great mother at hindi tularan ang mga magulang ko. But that things will never come. Wala na."
Inayos ni Lindsay ang sarili niya, pinunasan ang luha at inayos ang buhok. Hinawakan niya ng mahigpit ang baril niya.
"Yan ang dahilan ko kung bakit ko ito ginagawa, ang mga pasakit at pahirap na ginawa niyo sa akin Gwyneth kaya naisip kong sa pag-punta natin dito gawin ang pag-higiganti ko." Sabi nito "It was really a hell nung nasa panahon akong yun, that i just want to die in sick and pain, but i did'nt. I need my revenge."
"Lindsay, im sorry." Paghingi ko ng tawad sa kanya.
"It's too late, Gwyneth." Sabi nito "Alam niyo? I give you all the chances sa larong ito. Binigyan ko kayo ng Clue," Sabi nito at ngumiti sa amin ng mapakla.
"Yung Clue #1 na 'It was Science Lab and my name is 3 and 7'? About talaga yan sa nangyari para matandaan niyo ang nangyari sa Science Lab pero ang clue talaga diyan ay about science. The answer there is Li-N. Ang 3 and 7 sa Periodical Table. The 3 there is Lithium in short Li and the 7 there is Nitrogen in short N." Sabi nito "Yung Clue #2 naman na 'I treat you all as a friend, but in return. You all treat me like nothing. A trash. A worthless. Now, what can you SAY?' The last word with capitalized represent my second part of my name, Say. Kaya pag-pinagsama ang Clue #1 at #2 mabubuo ang pangalan ko, Lindsay. Lagyan mo ng d sa gitna. Ang galing diba? Hahaha"
"Ang lahat ng sinabi ni Asprid, Gwyneth ay lahat totoo. I used her, to survive this game." Sabi nito at ngumiti at inayos ang baril. "And now? Since tapos na ang pag-kwekwento, lets end this quickly."
"Lindsay, please. Wag mong gawin to." Pagmamakaawa ko.
"Lindsay, im sorry. We're very, very sorry. Please. don't do this." Sabi ni Dominic ngunit biglang tinaas ni Lindsay ang baril at pinaputukan si Dominic sa noo.
Napasigaw at napahagulgol ako sa nakikita ko at nangyayari.
"Enough with the bullshit, lets finish this faster." Sabi nito at nilipat naman ang direksyon ng baril sa akin at ngumiti. "Are you ready?"
"Lindsay, please! Nagmamakaawa ako!" Pag-mamakaawa ko habang humahagulgol.
"You can't stop me Gwyneth, Goodbye!" Sabi nito habang nakangiti ng malawak at kinalabit ang gantilyo ng baril.
Pinikit ko ang mata ko at lumuha, this is the end of my life.